Chapter 1

77 9 2
                                    

Forever Yours
by Queyzi_Irene

Jen at the top 👆
Enjoy reading!

Jen's POV

"Girls, nakita niyo na ba sched niyo sa bulletin board?"tanong ng kakadating ko palang na bestfriend na si Yuuki. Medyo hinihingal pa siya na mukhang nagmadaling makarating.

1st year college na kami, at nagpa-enroll na kami so ang kailangan nalang namin gawin ay kunin ang Schedule namin for the rest of this semester sa Bulletin Board. Doon kasi nakapost yung mga schedule. Hahanapin mo lang yung pangalan mo sa list ng mga sections at subjects.

"Hindi pa."maikling sagot naman ni Ae na isa ko pang bestfriend.

"Sige mauna na kayo at iihi lang ako." biglang naman sabi ni Yuuki sabay takbo. Mukha ngang naiihi na siya dahil di na niya inantay yung sagot namin at halata naman sa itsura niya na out of nowhere parang nagmamadali at nagpipigil na ewan.

Natawa nalang ako sa ginawa niya.

--

Nauna na kami ni Ae na pumunta sa bulletin board para kunin ang schedule since nasa comfort room pa si Yuuki. At kapag si yuuki pumupuntang CR? Inaabot ng siyam-siyam. Nagreretouch pa kasi siya at madami pang Rituals na nalalaman -___- kaya kadalasan nauuna na kami sa pupuntahan kapag nagsi-CR si yuuki.

Pagkarating naming Bulletin Board ay nagtaka ako. Well, Ine -expect ko kasing wala nang tao dito sa bulletin board kasi late na kaming pumunta dito samantalang nung nakaraang sabado pa dapat kinuha yung schedule at lunes na ngayon, sinadya talaga naming magpa-late dahil siksikan ag madaming tao pero it turns out madaming tao paring nakapaligid dito. Ang mas lalong ikinataka ko lang ay mukha namang nakuha na nila yung Sched nila dahil hindi sila naghahanap sa Bulletion Board instead nagkukumpulan silang lahat sa gitna na parang may pinapanuod, at nakakaharang sila sa Bulletin board -__-

Ano bang meron?

Tinignan ko sila at parang nagkakagulo na ewan, madami sila at puro babae.

" Bakit andaming tao?"tanong ni Ae sakin. Nag-shrug naman ako dahil maski ako walang alam sa nangyayari.

Parang May pinagkukumpulan sila sa gitna na dahilan para maharangan nila yung daan papunta sa bulletin board.

"Yan din ang tanong ko. Tara nanga at makisiksik na at para makaalis na tayo."sabi ko nalang at nauna na marami pa kasi kaming kailangan na puntahan nila Ae at Yuuki. Well, every week kasi meron kaming laging isang araw na trip kung saan-saan kumbaga bonding namin at Friendly Date. Napagisip-isipan naming pumunta lang sa mall na hndi pa namin napupubtahan ngayon at maglaro sa timezone at shopping then next week naman na trip namin ay sa Beach naman.

   Medyo tinulak-tulak ko ang mga nagkakagulong babae na nakakaharang sa daan habang papunta ako sa Bulletin Board ang hirap kaya makisiksik -___- at ang dami nila akala mo naman may artista na pinagkakaguluhan = ̄ω ̄=
Haler! May tao dito na kailangan kumuha ng schedule at nakakaabala sila SOBRA.
Bakit ba kasi sila dito pa nakaharang? Di ba nila na nakakaabala sila?!

Pwede namang lumipat sila doon sa malayo yung di nakakaharang -___-

Kinuha ko na agad yung sched ko na nakapost sa bulletin board pagkakitang - pagkakita ko dun, gusto ko na kasing makaalis,agad sa lugar nayun. Sa sobrang daming tao? Nakaka-suffocate. Kung may hika ako, tiyak na patay nako.

Paalis na sana ako nang may marinig akong umiiyak na babae.

Huminto ako at Sumilip sa mga naguusyosong babae na nagkukumpulan pero wala akong makita. Nakisiksik ako sakanila at dahil sa maliit ako *ehem mabilis akong nakarating sa unahan.

Isang babaeng umiiyak ang nakita ko doon at isang lalaki rin na walang pakeelam na nakatingin sakanya. May isang box ng cupcakes na nakakalat sa sahig na mukhang tinapon or hinagis lang na ewan.
Napakunot naman ang noo ko. What the hell is this? Eto ba yung pinagkukumpulan nila simula pa kanina?

"B-bakit a-ayaw mo s-sakin?"nauutal na sabi ng babae. Mukha siyang sawi na ewan. Nakayuko lang siya habang sinasabi niya ang mga salitang yun.

Napataas naman ang isang kilay ko at tumingin sa lalaki.

"Hindi kita gusto."matigas na sabi naman ng lalaki na walang kaemo-emosyon at parang diring-diri pa siya sa babae.
Humagulgol sa iyak yung babae at napaupo pa.
Whatthehell?!
Lalong tumaas ang isang kilay ko at nakaramdam ng inis sa lalaki. Kala mo naman kung sinong gwapo! Aba, grabe naman siya.
Tumingin naman ako sa paligid at mukhang wala lang sakanila ang nangyari.

"TABI!"sigaw naman nung lalaki sa madla kaya agad naman humawi at nagbigay daan ang mga babae sakanya. Agad namang umalis yung lalaki na parang wala lang sakanya.

So ito pala yung pinagkakaguluhan nila? Yung pagco- confess ng isang babae sa lalaki? Just wow.

At ang kapal din ng lalaking yun na magpaiyak ng babae! KARMAHIN SANA SIYA! Akala mo naman kung sinong Diyos aba at marami pang taong nakakita hindi manlang siya naawa sa babae.

Nako, nagiinit ang ulo ko, huwag ko lang sanang makita-kita yung lalaking yun at baka masampal ko siya nang wala sa oras. Walang respeto sa babae!

"Nakuha mo na sched mo."biglang sulpot naman ni Ae sa gilid ko at hawak na niya ang Schedule niya.

"Oo at uuwi na ako. Sorry, nawala na ako sa mood sumama sa tour ng school at dun sa Trip natin today. I-set nalang natin iyon sa ibang araw."sabi ko naman at inayos yung sched ko at inilagay sa bag. Nawalan na talaga ako ng gana, magpapatour nalang ako kila Yuuki at Ae may tour kasi sa campus para syempre hndi ka maligaw.

Im Jennylyn Palma. First year college na ako ngayon at kuhaan ngayon ng schedule at tour sa buong campus. May dalawa akong Bestfriend si Yuuki Zander, Yuuki for short. Mabait, hyper, bookworm at masayahin. Yung isa naman ay si Ae Psyche Vallero, Ae for short pronounced as 'Ey. Childish, Masungit, Friendly, Medyo Bitchy pero deep inside pakiramdam niya mag-isa siya, hard- headed, caring pero ayaw ipahalata at mapride.

Ako naman ay *Ehem mabait, grade concious ako at galit sa lalaking nananakit ng babae.

Hindi ako Man -Hater pero galit ako sa mga lalaking nanakit at sinasaktan ang mga babae dahil naaalala ko lang ang walanghiya kong ama na laging sinasaktan ang mommy ko. Bakit pa kasi nila manakit? Ang mga babae minamahal hindi sinasaktan. At yung nangyari kanina? Hindi ko nagustuhan. Bakit ba ganun karamihan yung mga lalaki? Hindi ko nilalahat pero karamihan sakanila laging nagpapaiyak,sinasaktan ang mga babae.Bakit ikaka-gwapo ba nila at ikakasaya ang pananakit ng mga babae? Hndi ba sila pwedeng maging Gentleman naman?

Sa pagkakaalam ko,

'Ang mga BABAE Minamahal at hindi sinasaktan.

Napabuntunghinga nalang ako.

Wala na talaga ako sa mood. Sana hindi na ulit mag-krus ang landas namin nung lalaking yun dahil baka mawala na naman ako sa mood.

--

Hi guys! So what can you say in Chapter 1?
Omoo. Mukhang beastmode si Jen sa lalaking yun.
Find out what happen next in CHAPTER 2.

Vote. Comment.∩__∩ and also Follow me in my Accounts guys if you want.
@Irenex266 is my Official Account.
My other account is @ JaneIreneTeano.

Forever YoursWhere stories live. Discover now