Chapter 22

20 2 1
                                    

Forever Yours Chapter 22

Jen's POV

"JEEEEEEEEEEEEN!!"sigaw agad sakin ni Yuuki pagkapasok ko palang ng room.

Wag na kayong magtaka ganyan talaga yan, di lang niya nagagawa these past few days because of Travis.

"Good morning din sayo Yuuki -__- ",ako

"Tara dali may ipapakita ako sayo!"nagmamadaling sabi ni yuuki at hinatak ako palabas ng room papunta sa Cafeteria.

"Oh ano namang gagawin natin dito? Sino bang hinahanap mo?"tanong ko kay yuuki. Palinga-linga kasi siya na parang may hinahanap.

"Si ano.. AYUN!"sabi niya at hinila ako paupo sa katabing table nila Sky.

Yeah, nila meaning hindi lang si Sky na ikinataka ko. Bakit? kasi mga babae lang naman ang kasama niya imbes na mga lalaki. Anung meron at nagiging friendly ata siya sa mga babae?

"oh? Asan na yung hinahanap mo?"tanong ko nalang kay yuuki kahit sa loob - loob ko andami kong tanong kay sky at naiinis na ako, pano ba naman yung mga babaeng nasa tabi niya kung makakapit at makahawak arrrgh!

At naiinis ako sa di malamang dahilan na dapat di ko naman ikainis.

" What?! Wala ka manlang itatanong kung anong nangyari? i mean tungkol kay Sky? Usap-usapan kaya yun sa buong school ang pagiging sweet niya sa mga babae at wag ka di na niya sila nirereject!"bulong naman sakin ni Yuuki na ikinataas ng kilay ko.

So anong pinapalabas niya ngayon?

"Tch, sabi na e talagang Playboy siya patago - tago pa nung una para kunware mabait pero ang totoo PLAYBOY. Tch buti nalang di ako isa sa mga taong nalinlang niya sa bait-baitan niya."-ako

Napasabunot naman si Yuuki sa buhok niya. Para siyang ewan -__-

"hayy Baliw kana talaga Jen. "Sabi nalang ni Yuuki at umalis para bumili ng pagkain.

"Ang gwapo -gwapo mo talaga sky."

" I love you baby."

" Akin kana lang sky baby."

I rolled my eyes. Anlalandi nila -__-

Tama bang maglandian sa harap ko?

Kainis lang ah.

"Sure Ladies. Anyway Date tayo mamaya?"sabi naman ni Sky sa mga mahaharot na babae na ikinagpanting ng tenga ko.

GRRRRR to the 10th power!

Isa din syang malandi! Bat niya ba aayain ng date yung mga yun?!

Napapalo ako sa Mesa ng malakas dahilan para mapunta sakin ang atensyon ng lahat.

Nakakahiya >.<

"Um, masakit kasi kamay ko hehe ^____^V "sabi ko nalang sakanila at nagpeace sign pa.

"Oh anong nangyari sayo?"tanong naman ni Yuuki at nilapag yung madaming pagkain.

"Wala, bumili kana lang pala ulit. Akin nalang to. Dagdagan mo pa pala to kulang pato sakin."sabi ko at nagsimula nang lumamon.

Yeah right Lamon ang ginagawa ko, ganto kasi ginagawa ko kapag naiinis kumakain ng madami. At dahil yun kay Sky kaya ako naiinis lalo na sa mga babaeng haliparot nayun! Ang sarap sabunutan, sampalin, i-torture LAHAT NA!

Dumating naman agad si Yuuki at nilapag ang apat na tray na pagkain.

"Ano? kulang paba yan? Anyway di pala makakapasok ngayon si Ae kasi may inaalagaan siyang may sakit."-Yuuki

Di ko nalang siya pinansin at patuloy parin sa paglamon. Di naman kasi ako naniniwalang umabsent si Ae dahil may inaalagaan e wala naman yung kapatid. Baka inatake lang ng KATAM.

Napahinto naman ako sa paglamon at namumutlang tumingin kay Yuuki.

*Cough

*Cough

*Cough

"T-tubig."pilit na sabi ko kay Yuuki na ikinapanic niya.

"Wala akong tubig shit!"sigaw naman ni Yuuki.

May biglang nagabot sakin ng tubig kaya ininom ko agad ito.

Naramdaman ko namang may tumatapik sa likod ko para di na ako mabilaukan.

"Thanks."sabi ko at humarap sa lalaki. O_o na si Sky.

"Hinay - hinay lang kasi Sa pagkain."sabi niya naman kaya yumuko nalang ako. Pakiramdam ko kasi namumula na yung mukha ko.

"Um, salamat uli."sabi ko nalang at bumalik na ulit sa pagkain ganun din siya bumalik na sa seat niya.

Ako naman naghinay nako sa pagkain at baka matuluyan pa ako pag naulit payun.

Tumingin naman ako kay yuuki na nanlalaki parin ang mata hanggang ngaun.

"Omo girl. Nag-indirect kiss kayo!!"-kilig na kilig naman na bulong niya.

Naguguluhan naman akong tumingin saknya. Then tinuro niya yung basong nasa harap ko na ininuman ko kanina ng tubig.

Napatakip nalang ako ng bibig at tumingin kay sky na nakatingin din sakin.

Forever YoursOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz