3~ dear diary, it's the first day of school

5 2 0
                                    

Julien paasa Araneta. Nabubwisit na naman ako sa supladong mokong na yun. Kakauwi lang namin ni Mama from dinner. Pagkagaling namin kanina ni Julien sa Starbucks at ikukwento na niya yung reason bat kailangan niyang kausapin si Shelby kahit ayaw niya...bigla niyang binawi. Paasa much. Hindi tuloy ako makakatulog kakaisip doon. Hays. Ay sorry, joke lang. Pero seriously kating kati na tenga ko sa secret niya tapos hindi naman pala sasabihin.

Oh well. Makatulog na nga. Maaga pa ako bukas. Ngayon lang nagsisink in na first day ng klase bukas at wala akong kilala sa bagong school ko. I can say hindi naman ako introvert pero it still scares me a little. Lalo na third year ako pumasok. Malamang magkakakilala na mga yun since grade school or freshman year at least. Kabado ako bigla beh.

Bilang di ako makatulog, bumangon ulit ako at kinuha yung bagong bili kong notebook from Fullybooked. I have been keeping a physical diary since grade school. Hindi pa nga puno yung notebook ko from summer pero ayoko nang buksan yun. I feel like I need to leave it be. Since starting fresh ako sa lahat, same goes with my diary. Baka sakaling may maganda akong maisulat this time.

So, first entry, nilagay ko how today went. Also added the people who made my day. Mikee, Mama & Tito Javi, the twins...and Julien. Napaisip ako bago nagsulat ulit. Julien Araneta, what an interesting character. Sa totoo lang gulong gulo ako sa kanya. Para bagang iba iba ang personality niya. Minsan mabait, madalas suplado. Minsan normal naman, madalas walampake. Sakit ng ulo ko sa kanya sez. Very unpredictable pa. But at the end of the day, he really did make my day. He helped me accept our parents' relationship. Unbeknownst to him, tinutulungan niya akong kalimutan mga problema ko. Pati na rin yung mga secrets and thrill sa life niya made me stop thinking about my own drama for the first time in months. Basta, natutuwa ako sakanya kahit madalas gusto ko siyang sakalin.

Okay, so hear me out, this super random thought suddenly came into mind. What happens if magustuhan ko siya? Pwede ba yun? Omg is it a weird thought?? Kadiri ba?? But we're not siblings. Our parents are newly dating and I'm sure marriage or even adoption is far far away from the near future. Maybe it's my broken heart kaya ko naisip yun or maybe kasi ang gwapo niya at hindi ako bulag pero!! Sana hindi ako mafall kay Julien. Ang gulo na ng mga buhay namin jusko di ko maimagine pag dumagdag pa yun sa iisipin ko. Hay, Andrea. Matulog ka na nga.

x

I had a very bad dream. I was being chased by bad people daw. I had Mikee with me tapos ang extreme ng mga ganap. May pagtago sa kung saan saan at a la akyat bahay gang pa kami. May mga aso na humabol din samin. In the end narealize ko kilala ko yung humahabol sakin. Yung ex ko. Bigla tuloy akong nagising. At eye to eye kami ni Ate Kring.

"Waaah!" Sigaw namin pareho. Nagulat kami tapos biglang natawa.

"Nagulat ako sayo Ma'am. Saktong gigisingin pa naman kita." Sabi niya.

"Natakot ako sayo ate." Biro ko habang inaalala yung masamang panaginip ko.

Bumangon na din ako habang tinulungan ako ni Ate Kring na ligpitin yung kama ko. Sa condo unit lang kami nakatira ni Mama ever since umuwi ng Pinas kaya lagi siyang agit kapag makalat ang munting tahanan namin. Hindi ko nga din alam bakit naghire pa siya ng helper pero siguro sa sobrang busy niya sa new work niya wala na siyang oras sa mga house chores. Pabor din sakin as a tamad person. After ko maligo, nakaready na yung gamit at damit ko. Mental note to self, mag uwi ng masarap na merienda para kay ate mamaya.

"Ready ka na?" Tanong ni Mama over breakfast. Nakaready na din siya papasok sa work.

"Yes po. Tara?" I said.

Bittersweet HeartsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz