CHAPTER : THIRTY - SIX

5.4K 178 4
                                    

Selene

Weeks had passed, Ivory and I became more close to the point that everyone thinks that there is something is going on between us.

"Hoy babae may hindi ka ba sinasabi sa amin?" Agad na tanong sa akin ni Almira pagkapasok ko sa loob ng opisina niya.

May kaniya kaniya na kaming opisina at ito nga ngayon. Binibisita naming tatlo ang opisina ni Almira. "Kaya nga." Sang ayon ni Felicity.

"Say what?" I Innocently asked them and made my way towards the mini couch.

Prenteng umupo ako habang katabi ko si Ava na abala sa kaniyang phone. "Miss Laurente and you." Sagot ni Almira at tiningnan ako sa mata.

I chuckled. "Kung ano man iniisip niyo, iyon nga."

Lahat sila ay sabay sabay na napasinghap. "Oh my god I didn't know that you're bading." Maarteng turan ni Avaline sa gilid ko at nilagay pa talaga ang kamay sa may bibig niya.

"I'm not!" Mabilis kong angal sa kaniya at kinunutan siya ng noo.

"Eh ba't ka nagkakagusto kay Miss Laurente?"

"Take note kinakapatid pa niya pftt!" Singit ni Felicity kaya naman ay sinamaan ko siya ng tingin at imbes na matakot ay tumawa ito atsaka ako binigyan ng mapang asar na tingin.

"Shut up will you!" Naiirita kong saway sa kaniya.

"How come? As far as we remember you are straight? What happened?"

Tumingin ako kay Almira. Nakipagtagisan ng tingin at sa huli ay bumuntong hininga lang ako. "To answer your question... I don't know how and when. It just that I woke up liking her..." Bulong kong sabi sa kanila na alam kong maririnig naman nila.

"So you're into girls now?" Ava asked.

Umiling ako.

"I'm into her."

"Tumpak inlove nga! Hindi gusto!" Dinuro naman ako ni Felicity atsaka ito humagalpak ng tawa.

Sa inis ay binato ko siya ng librong basta ko lang nadampot kung saan. Nailagan niya 'yon at muntikan nang matamaan si Almira kaya naman ay nakatanggap ako ng nakakamatay na tingin niya.

"Can you make her shut? Nairirita ako." Nakasimangot kong ani kay Almira pero nagkibit balikat lang ito sa akin. Tinuon niya na rin ang atensyon niya sa may papeles na nakalapag sa may table niya.

"Wala ba kayong class ngayon?" Tanong ni Ava.

"Wala, puro ICL ako ngayon." Sagot ko sa kaniya.

Friday na kasi at karamihan sa schedule ko mada friday at ICL lalo na sa hapon. Kaya ang ginagawa ko lang ay ang tumambay sa opisina at hinihintay na bisitahin ako ni Ivory.

"You're lucky then." Sabat ni Felicity.

"I still have one class to go and I hate it. I will see that Pandak again. Geez! She's getting into my nerves." Napipika niyang reklamo at may pakumpas pa ito ng kamay na halata ang inis.

"Why? What's with her?" Tanong ko.

"Nothing. But seeing her makes my blood boild err!"

"What to do? You have to deal with her afterall she's the Princess and you're a Lady. Overall she's higher than you." Sagot ko sa kaniya.

"But I am taller than her hmp!" Ismid niya at hindi na nagsalita.

Napakaisip bata rin nito ni Felicity kahit minsan pero hindi namin maikakaila na sa aming apat siya ang pinaka red flag.

Mga aquarius nga naman. Madaming napapaiyak mapababae man o lalaki.

Napakamixed signals kasi nitong isa at napakamanhid. Ako na ang naawa sa future niya. Si Almira naman ang green flag. Wala nang ibang iniisip kundi ang estudyante niyang si Isla Monreal na matagal na niyang nakilala at pinangakuan pa ng kasal oh diba. While Avaline on the other hand half half siya. May time ba red flag may time din naman na green. Sa pagkakaalaam ko binabalak siyang ilagay nila Tito sa Arrange marriage pfttt good luck.

Her addictionOnde histórias criam vida. Descubra agora