CHAPTER : TWENTY - ONE

8.7K 274 40
                                    

Sierra

"Luv wake up."

Binuksan ko naman ang mga mata ko nang marinig ko ang boses niya. Bumungad sa'kin ang maganda niyang ngiti kaya hindi ko maiwasan na mapangiti rin.

"Hmm.."

"Get up. Malelate na tayo." Turan niya at hinila ang kamay ko.

Umiling ako. Inaantok pa ako dahil sa biyahe kahapon. Bumalik na kami ng Manila dahil ilang araw lang naman kami nag absent.

"One Ivory." Pagbabanta niya pero hindi ko siya pinakinggan at imbes na ako ang mahila niya ay hinila ko siya at humiga ulit sa kama kaya ang ending ay bumagsak siya sa ibabaw ko.

"Ahh!" Tili niya kaya tinakpan ko ang bibig nito.

"Ang aga pa Luv ang ingay mo. Dapat sa gabi ka nagiingay kapag may ginagawa tay—" Napaubo ako nang bigla niya akong hampasin sa dibdib.

"What was that for?" Tanong ko sa kaniya.

Kinalas nito ang kamay ko sa may bunganga niya at pinukulan ako ng matatalim na tingin.

"It's too early for that Ivory. Get up or I will kick your ass out of the bed." Seryoso niyang turan.

Napangisi naman ako. "Kinky. Bet." Inaantok kong turan.

Nakatanggap naman ako ng hampas mula sa kaniya na nanggagaling sa unan na nakuha niya lang sa may gilid ko.

"Luv!" Nagtitimpi niyang turan kaya natatawa akong bumangon ng kama at inayos muna ang lagay nito bago ako humarap sa kaniya at ninakawan ito ng halik sa labi bago kumaripas ng takbo sa banyo.

"Ivory!"

Binuksan ko muna ang pintuan at tiningnan siya. "Love you!" Malambing kong turan at hindi na siya hinintay pa at sinara na ang pintuan.

Ginawa ko na ang madalas kong gawin kada umaga at sinabay na rin ang pagligo para hindi na sayang sa oras dahil malelate na rin kami.

Napakunot naman ang noo ko nang makita na may pula ang bandang keeg ko maging ang aking balikat papunta sa may dibdib ko. Naiiling nalang ako dahil panigurado siya ang may gawa nito.

Hindi naman ako magrereklamo.

Pagkatapos ay lumabas na ako at nagbihis ng uniporme ko atsaka konting ayos sa mukha bago lumabas ng kwarto.

Nandito kami ngayon sa may condo niya. Si Tiara naman ay nasa pangangalaga ni Ninong. He did it on purpose. Para daw may mangyari sa amin ni Eula at masundan si Tiara.

That man really knows how to annoy me all of the time.

Napahinto ako nang makita ang malaking frame na lantad na lantad na ngayon na dati ay may nakatabing na pulang tela rito.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko at biglang nanghina dahil sa nakikita ko. Humigpit ang kapit ko sa may railing ng hagdan para supporta at hindi ako tuluyang bumagsak.

"H-how?" Nagtataka kong tanong sa sarili at pabaling baling ang tingin ko sa may malaking frame.

How that it happened? Napahilot ako sa sentido ko nang maramdaman na kumikirot ito.

How come? It was me and her. Wala naman siyang nabanggit sa aking tungkol sa larawang nakikita ko ngayon.

"Ivory?" Nawala ang atensyon ko sa larawan at nabaling ito sa may dulo ng hagdanan kung nasaan nakatayo siya ngunit wala sa aking ang paningin niya kundi nasa larawan ding nakasabit sa pader.

Kahit na mabilis ang tibok ng puso ko ay bumaba ako at nilapitan siya. Hinila ko ito papalapit sa akin.

"What is that, Eula?" Mahina kong bulong sa may tenga niya. Nilagay ko ang kamay ko sa may bewang niya at pinalibot ito doon.

Her addictionWhere stories live. Discover now