CHAPTER : SIXTEEN

8.3K 337 54
                                    

Sierra

"Tiara baby." Tawag rito.

Abala siya sa pakikipagusap sa mommy niya na ngayon ay mahimbing na natutulog sa may hospital bed.

Marahan naman akong bumuntong hininga. Sinabi rin naman ng doctor na p'wede na siya makalabas bukas ngunit sisiguraduhin muna na maayos na siya.

"Yes Sierra?" Malambing niyang tanong at tumakbo ito papalapit sakin atsaka umupo sa tabi ko.

Hindi ako umimik at kinuha ang maliit nitong palapulsuhan. Maliit na napangiti ako nang makita na suot niya ang bracelet na binigay ko rito.

"What is it?" Taka niyang tanong nang may ilagay ako na isa pang bracelet.

"It is an emergency button caller, Baby. You will push this button if you and your mommy is in danger okay?" Tumango tango ito at hindi ko mapigilan na pisilin ang pisnge niya dahil sa kaniyang kacutan.

"And see this? Dito ko malalaman kung nasa pahamak kayong dalawa bg Mommy mo." Saad ko at pinakita sa kaniya ang kaparehas na bracelet na binigay ko rito.

"Wow!" Hindi makapaniwala niyang ani at pabalik balik ang tingin sa suot naming dalawa.

"By the way. Sierra will leave for awhile, baby. May ichecheck lang si Sierra. Behave ka ah?" Tinapik ko ang ulo nito at humagikhik lang siya.

"Yes. I will behave."

Tumango tango ako at tumayo na atsaka pinuntahan ang hospital bed ni Eula.

Pinagmasdan ko ito at hinawakan ang kamay niya. May mga panibago na naman siyang pasa sa mga kamay at braso. Mahigpit na kinuyom ko ang kamay ko nang makita pa ang bakas ng kamay ng gagong 'yon sa may leeg niya.

Nilapit ko ang kamay ko doon at magaan na hinimas ito.

"I didn't know that you suffered more than this, Eula." I whispered.

Mr. Eriko reasons should be valid for forcing his granddaughter to marry that asshole or else I'll be the one who put him in torture. Wala na akong pake kung Lolo pa siya ni Eula.

Mabuti nalang talaga at hindi napuruhan ang tiyan nito dahil sinabi ng Doctor na malakas itong sinuntok doon.

William Cuesco..

You are nothing like your father.

"Sierra why are you crying?" I felt a soft hands wiping my cheeks.

I didn't know that I was crying.

Binaling ko ang tingin ko doon at hindi ko namalayan na nass taas na siya ng hospital bed at nakaluhod habang nakatingin sakin.

"I-it's nothing. Bakit ka naman umakyat baka mahulog ka." Pagiiba ko ng topic at binaba siya ulit.

Minsan ang tigas rin ng ulo nitong anak ni Eula.

"Gusto ko matulog pero sa tabi ni Mommy." Nakanguso niyang ani.

Bumuntong hininga naman ako at binuhat siya pabalik sa may kama at dahan dahang nilapag sa tabi ng Mommy niya.

"There. Aalis na muna ako." Paalam ko sa kaniya ngunit bago lumabas ay hinalikan ko muna ito sa noo at naglakad na palabas.

Marami rami ang bantay na nilagay ko rito sa may labas ng kwarto ni Eula at hindi lamang mga tauhan niya ang nandidito maging ang mga tauhan ko. Miski sa may labas ng bintana niya ay may nagbabantay doon.

No one can defeat my men.

"Aling Loling ikaw na bahala sa mag-ina. Aalis muna ako ngunit babalik rin mamaya." Litanya ko.

Her addictionWhere stories live. Discover now