CHAPTER : THIRTY - FIVE

Start from the beginning
                                    

Binuksan ko na ang isa sa mga SUV na sasakyan ko. Ito ang ginagamit ko kapag kasama ko si Felicity at kung may iba pa akong kasama.

"Hop in." Turan ko sa dalawa na hanggang ngayon ay nagbabangayan pa rin habang papalabas ng bahay.

"Ava, Felicity! Stop it ano ba!" Napapitlag pa ako nang sumigaw ni si Almira sa may passenger seat at masama ang tingin ang pinupukol sa dalawa.

Sumunod naman ang dalawa ngunit bago iyon ay nagtagisan pa sila ng mga tingin kaya naman ay parehas ko na itong hinila pasakay sa likod ng sasakyan. "Para kayong mga bata." Turan ko sa kanila at ako na mismo ang naglakad ng seatbelt sa kanila dahil wala pa ata silang balak gumalaw.

Nang matapos ay sumakay na ako sa may driver seat at pinaandar ito bago pinasibad. Tahimik lang ang buong biyahe namin hanggang sa magsalita si Almira. "Anong strand handle niyo?"

"STEM akin." Sagot ni Felicity.

"Same with Fel." Tumango si Almira sa sagot ni Ava at kita kong tumingin ito sa akin.

"What about you Selene?"

"ABM." Simple kong sagot at tinuon ang atensyon sa may daan.

"Tayong dalawa lang pala ang naiiba. HUMSS akin. Alam kong iyon ang kinukuha ni Isla kaya doon ako."

"Seriously Almira? Kung saan si Isla dapat doon ka din? Tindi mo naman. Still stick to her promise?"

"Promise is always a promise, Avaline. No words can describe how much I want her that's why I am willing to do everything just for her." Napatikom naman kaming lahat ng bibig.

Wala na ang nagsalita hanggang sa makarating kami sa parking lot at lahat sila ay nagsibaba na. Naiwan naman ako rito at pinagmasdan ang malaking signage sa mismong gate.

Madami ring estudyante ang naglalakad papasok at ang iba naman ay nakatambay lang sa mga benches na meron sa gilid ng hallway.

Huminga muna ako ng malalim atsaka lumabas ng sasakyan at sinara iyon. Nagsimula na akong maglakad papasok papunta sa may faculty office. Pagkakaalam ko ay nasa second floor ang room ng ihahandle ko.

"Goodmorning Ma'am." Bati ng isang grupo nang madaanan ko sila.

"Goodmorning." Binati ko sila pabalik at binigyan ng maliit na ngiti. Iyon lang ang nangyari hanggang sa makarating ako sa faculty office.

Wala na sila Almira doon, baka nasa kaniya kaniyang class na sila. "Goodmorning, Miss Miranda. I am Rowena Castillo the head of this council. Nice to meet you." May isang katandaan ang lumapit sa akin at nagpakilala.

Ngumiti ako. "Goodmorning Mrs. Castillo. I am Selene Eula Miranda the student teacher. Nice to meet you too."

"You are exactly like your Dad."

Bahagya naman akong nahiya dahil may iilan sa mga teacher ang nakatingin sa akin. Kaya ngumiti ako ng alanganin.

Tinuro naman niya ang pagp'pwestuhan ko for the meantime. Tumango lang ako at pumunta sa p'westo ko. Nilapag ko muna ang iba kong mga gamit bago inasikaso ang sarili para pumasok sa unang subject ko ngayon.

Handle ko ang oral communication at ako muna ang magiging substitute ni Miss Jade since on marital leave siya.

"Hi." Isang baritononh bosed ang narinig ko mula sa likuran.

Nilingon ko iyon at nakita ko ang isang may kataasan, payat at mestisong lalaki.

Not on my likings.

"Hello." Simple kong sagot at isinukbit ang shoulder bag ko at nagsimula nang maglakad paalis.

Her addictionWhere stories live. Discover now