Epilogue

4.5K 165 47
                                    

Maxine Genares

📍Isabella, Philipines

Abala ako sa pagpitas ng mga gulay na pinakyaw ng isang buyer, dadalhin daw niya ang mga ito sa Maynila. Tulong-tulong kami ng mga tauhan ko. Una naming inani ang mga tanim naming talong at mga kamatis, susunod ay ang mga sili at kalabasa, meron ding calamansi. Maaga kaming nagsimula bandang alas sais ng umaga at kailangan bago mag alas-dies ay matapos na namin ang pamimitas. Lumipas ang ilang oras ay naiayos na namin lahat ng mga inani.

"Max, singkwentang sako ang talong at yong kalabasa naman ay nasa trenta na sako."saad ng tauhan ko.

"Sige, salamat. Pakisalansan na lang."utos ko.

Unang batch pa lang ito ng ani dito sa bandang ibaba ng bundok. Sa susunod na linggo mga mais naman ang aanihin namin na nasa kabilang bukid.

Dumating na rin yong buyer ng mga gulay dala ang sasakyan niyang truck. Lahat ng inani namin ay ikinilo na at nagkwentahan na kami.

Medyo maganda ang kitaan ngayon, lalo na sa sili dahil mahal ang per kilo nito kaya makakabawi ako sa mga nagastos ko sa pagpapatanim. Nong nakaraan na crop kasi ay nalugi ako dahil sa mga nagdaang bagyo, kaya mahirap din ang farming. Sunod kong ginawa ay binayaran ang mga tauhan na kasama ko sa pamimitas kanina. Pinaghati-hatian na lang namin yong mga gulay na may konting reject saka nag-uwian na.

Pagpasok ko ng backyard ay napangiti ako dahil sa batang tumakbo palapit sa akin. Hawak nito ang sumbrero niya para hindi mahulog.

"Dada! Dada! Look oh, maraming potatoes and carrots."ang muntig tinig ni Rumina Krystal or 'Rumi' ang aming baby girl na five years old. May dala siyang basket habang hinihila ang kamay ko papunta sa binubungkal niyang garden.

"Wow, ang dami namang potatoes at carrots kaya mo bang bunutin ang mga iyan, baby?"

"Yes, dada." Ipinakita niya ang laman ng basket niya. May dalawang potatoes siyang nakuha at dalawang maliit na carrots.

"Very good, kumuha ka lang ng kaya mong buhatin, okay?"

"Opo. Kukuha ako ng ten carrots and ten potatoes for Mommy."sagot niya.

Nakabuklat ang mga palad nito para ipakita sa akin ang sampung bilang ng kanyang mga daliri.

"Okay, baby. Matutuwa si Mommy niyan."

May pangbungkal siyang maliit na pala, magaan lang iyon dahil parang laruan pangbata. Inayos ko ang suot niyang sumbrero at nagpatuloy siya sa ginagawa niya. Hinahayaan ko siya kasi gusto niya ay siya mismo ang kukuha ng mga gulay na iluluto ng Mommy Krista. Natututo na rin magluto ang asawa ko, mas masarap na nga ang timpla niya kesa sa akin.

Isa pang cute na bata ang lumapit sa amin ni Rumi.

"Dada, I want to be a farmer like you when I grow up."si Sugiro or 'Sugi' ang kambal na lalake ni Rumi. Namulot ito ng mga itlog ng manok. Kung saan saan kasi nangingitlog ang mga manok namin.

"Ayaw mo bang maging Pilot or Engineer, son?"

"No, dada. I want to plant corns like you!"pasigaw nitong saad saka siya ngumiti, napangiti rin ako. Farmer ang tawag sa akin ng mga anak ko, nakakatuwa dahil kahit bata pa sila ay proud sila sa trabaho ko.

"Okay, son. Oh, careful baka mabasag yang mga itlog."saad ko while laughing. Bata pa siya para maintindihan ang mga bagay-bagay. Yong ibang bata nangangarap maging doctor, o kaya teacher, si Sugi gustong maging magsasaka.

The twins are both laughing too habang ipinapakita nila sa isa't-isa ang mga nakuha nilang mga patatas at itlog. Napaka-cute nila habang bumubungisngis sa tawa. Mukhang nag-eenjoy din sila sa mga ginagawa nila. Ang ku-cute nila with brown eyes and black hairs. Pareho silang maputi at ang buhok ay mahaba. Kahit si Sugi ay mahaba ang buhok hanggang bewang niya. Tinatalian lang namin palagi. In fairness bagay niya ang long hair. Pero sa darating na pasukan ay papagupitan na namin siya ng buhok. Mag-aaral sila sa malapit na public school.

A Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon