Chapter 3

3K 145 12
                                    

Maxine Genares

Isinuot ko na ang I.D. ko at umupo rito sa desk ko. Humigop ako ng kape dahil masakit ang ulo ko. Nalasing ako kagabi at nakatulog ako sa apartment ni Krista. Hindi niya ako pinayagang umuwi kagabi kaya sabay na kaming pumasok dito sa office kanina.

Busy siya sa kanyang trabaho samantalang ako eto busy sa pagkakape. Inilapit ko ang upuan ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Ano ba Max may ginagawa ako. Huwag ka ngang storbo."pagsaway niya sa akin. Binitawan ko rin naman siya. Ginugulo ko siya, madali kasi siyang mapikon kaya masarap asarin.

Sa maghapon namin dito sa office ay konti lang ang nagawa kong trabaho. Binuksan ko ang drawer ko at nakita ko na naman 'tong cond*m na binili ko sa convenience store. Kumuha ako ng isa at binuksan ito. Ganito pala 'to? Inilapit ko sa bibig ko saka ko sinimulang hihipan, lumobo ito pero halos mapugto ang hininga ko.

"Max!" Bigla nalang nilamutak ni Krista yong lobo ko. "....anong ginagawa mo?!"

"Naglalaro."

"Hindi ka ba nahihiya! Akin na nga yan?!"

"Ang alin?"

"Yang cond*m."pabulong niyang sabi.

Kinuha ko sa drawer at ibinigay sa kanya at nilagay niya iyon sa bag niya. So, tama nga ako. Ibinigay na niya kay Barney yong V niya.

Tumayo na ako.

"Max, saan ka pupunta?"

"Makikipagkita kay Ria."

"Hindi pa tapos ang trabaho."

"Wala akong pakialam."

"Baliw ka talaga baka matanggal ka sa trabaho."

Hindi ko na siya pinansin, kinuha ko yong bag ko at naglakad palabas ng office.

"Uy Max, undertime ka na naman?"si Nash. Isa rin sa mga katrabaho namin.

"Oo, mag-a-undertime ako dahil ayokong makita yang pagmumukha mo."

"Grabe naman, kelan ba tayo magdi-date?"

"Kapag pogi ka na."

Parang bumagsak ang mga balikat niya. Hindi siya kagwapuhan pero laging nagpapakyut sa akin.

Umalis na ako.

Direcho akong sumakay ng elevator pababa ng ground floor. Naghintay ako saglit dito sa labas ng building. Ilang sandali pa ay may humintong itim na sasakyan dito sa harap ko.

Sumakay ako.

"Saan tayo, Max?"si Kon, kaibigan ko.

"Pupuntahan ko si Ria."

"Okay." alam agad niya kung saan pupunta.

Nag message naman ako kay Ria na magkita kami. Parating pa lang ang sinasakyan ko ay nakita ko na siya na nakatayo sa labas ng building nila. Huminto ang sinasakyan ko at bumaba ako.

"Hi."bati ko sa kanya.

"Wow! Sasakyan mo yan?"

Nilingon ko ang sinakyan ko at sinenyasan si Kon na umalis na.

"Nope, sa kaibigan ko yon. Alam mo namang ordinaryong empleyado lang ako."

"Sabagay hindi mo ma-a-afford yon kung minimum lang ang sweldo mo. That's BMW M5! Fourteen-million ang halaga non, alam ko dahil ganyan ang niregalo ng Dad ko sa kuya ko."

"Yeah, hindi ko afford kaya okay lang ba na magtaxi tayo papuntang restaurant?"

"No, may sasakyan ako. Ako na ang magdrive."

A Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon