Chapter 8

2.3K 136 12
                                    

Krista San Jose

"Krista, isa pa please?"

Lasing ba ako o ano?

"Max?"

"Isa pang goodnight kiss."

Nagmulat ako ng mga mata. Kahit nahihilo ako kitang kita ko ang mga pagtitig niya sakin. Dinikit ko ang labi ko sa pisngi niya pero gumalaw ulit siya at nahalikan ko na naman ang labi niya. Pinagtitripan na naman ako nitong si Max. Sira-ulo talaga to. Alam niyang may pinagdadaanan ako, eh.

Dahil sa panghihina ko hindi ko na nagawang mailayo ang mga labi ko na nakadikit sa labi niya. Napapikit ulit ako. Naparami ata ako ng inom.

Pero napamulat ako dahil naramdaman ko ang munting paggalaw ng mga labi niya sa labi ko. Hindi lang isang beses kundi sunod sunod ang paggalaw nito. Nalilito ako pero sumusunod ang mga labi ko sa paggalaw ng mga labi niya.

"Max...."sambit ko.

"Mmmm?."

Para akong lumulutang. Lasing lang ba ako o nananaginip? Pero mukhang hindi, dahil nalalasahan ko ang matamis na mga labi niya pati ang mainit at mabango niyang hininga ay nararamdaman at naaamoy ko.

Mas lalong dumiin ang bawat halik niya at hindi ko maiwasang gumanti. Patuloy kaming naghahalikan at halos mapugto ang hininga ko. Kahit nanghihina ako nagawa ko pa rin siyang itulak at binitawan niya ang labi ko. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Akala ko matatapos na doon pero naramdaman ko na naman ang masuyong halik niya sa labi ko. Hindi ko siya maiwasan, para akong nahihipnotismo sa mga halik niya at kusa akong gumaganti. Pero siya na mismo ang unang tumigil at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. Naghahalo na ang antok at kalasingan ko kaya pumikit na ako.

Paggising ko ng madaling araw tulog pa siya dito sa tabi ko. Naiihi na ako kaya bumangon na ako at nagpunta ng banyo.

After ko umihi ay humarap ako sa salamin at naghilamos at mumog.  Pero bigla kong naalala yong panaginip ko, naghalikan daw kami ni Max. Panaginip ba yong nangyari? Alam ko lasing ako, paano kung totoong naghalikan kami?

Iniisip kong maigi. Hindi ko maalala pero parang....ewan. Bumalik ako ng kwarto, tulog pa siya. Tinitigan ko siya, yong labi niya. Imposibleng mangyari yon.

Grabe! Ano bang nangyayari sakin?

Itinulog ko ulit.

Pagpatak ng 6:00AM ay nagmadali na kaming maligo at nagbihis, dadaan pa kami sa apartment ko para kumuha ng mga damit ko pang opisina.

At ganon nga ang nangyari after niyang magbihis ng pang office, ako naman nakapang bahay lang.

Nagbyahe na kami papuntang apartment ko. Pagdating namin ay pumasok agad kami dito sa loob. Buti naman at isinarang mabuti ni Barry ang pintuan at gate.

Dumiretso ako ng kwarto ko para magbihis at kumuha ng extrang damit.

....

DITO sa fastfood restaurant na malapit sa office kami nagpunta para kumain ng breakfast. Naalala ko na naman yong halik.

"Max wala ka bang naaalala kagabi?"

"Naaalala?"patuloy siya sa pagsubo. "....marami akong naaalala, Krista. Tanda mo nong una tayong magmeet sa office? First day ko yon, eh. Di ba napagkamalan kitang tagapindot ng elevator? Inutusan pa kitang pindutin yong button."tatawa-tawa siya.

"Bwisit ka. Hindi yon!"

"Eh, ano? Wala akong maalala."

Hindi ba niya naalala na naghalikan kami kagabi?

A Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon