Chapter 23

2.1K 128 5
                                    



Krista San Jose

"Nanliligaw ba sayo si Maxine?" Paano nalaman ni Barry ang tungkol doon? Nahalata ba niya? Inilapag ko ang mga binili ni Max na pagkain dito sa table.

"Kung wala ka nang sasabihin pwede bang umuwi ka na? May gagawin pa kasi ako." Kanina ko pa siya pinapaalis pero ayaw niya.

"Kris, sana mapatawad mo ako at sana maibalik natin yong dati. Nagsisisi na ako sa ginawa ko sayo at tatanggapin ko si Maxine bilang kaibigan mo. Pangako hindi na kita pagbabawalan na makipag kaibigan sa kanya. Pagbigyan mo lang ako." Kanina pa siya nagmamakaawa na makipagbalikan sa akin. Pero wala na talaga, ayoko nang makipagbalikan sa taong 'to.

Ang inaalala ko si Max. Baka magtampo na naman sa akin iyon dahil nandito si Barry. Ayoko nga sanang ipaalam pa sa kanya ang tungkol dito dahil baka bigla na naman niya akong iwasan kaso hindi ko naman maitatago sa kanya ito dahil bigla na lang sumulpot ang taong ito rito. Kanina kahit anong taboy ko sa kanya ay nagpumilit siya na pumasok. Dumi-distansya lang ako at hindi ko inilapat ang maindoor dahil may takot pa rin ako na baka pagtangkaan niya ulit ako, kapag ginawa niya iyon tatakbo ako palabas ng apartment.

"I'm sorry, wala na tayong ibabalik pa dahil----."

"May mahal ka na bang iba? Si Maxine ba?"

Hindi ako makasagot.

"Sumagot ka, Kris! Nagkakamabutihan na ba kayong dalawa? Alam kong gusto ka niya. Sinabi niya mismo sa akin 'yon!" Lumapit siya sa akin pero umatras ako.

"Huwag mo akong lalapitan paki-usap umalis ka na!" Umatras ulit ako. Tatakbo sana ako palabas ng apartment kaso nahawakan niya ako.

"Akala mo ba matatakasan mo ulit ako! Hindi ako papayag na mapunta ka sa iba lalo na sa tomboy na iyon!"

"Ano ba!" Hinawakan niya ako sa braso at hinila paakyat ng kwarto. Pilit akong kumakawala mula sa pagkakahawak niya. Yong plano ko na tumakbo hindi nangyari dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso. "Nasasaktan ako! Bitawan mo ako!"

"Ang pakipot mo. Matagal tayong naging magkasintahan pero hindi mo man lang ako pinagbigyan. Normal lang na gawin iyon ng dalawang nagmamahalan pero bakit hindi mo ako nagawang pagbigyan, ha?!" Hinagis niya ako pahiga ng kama, para akong bola na tumalbog. Bumangon ako pero nahawakan na naman niya ang mga kamay ko gamit lang ang isang kamay niya saka niya tinakpan ang bibig ko. "Kanina ka pa sana tumakbo nong dumating si Maxine. Pero mukhang gusto mo naman na nandito ako, di ba?"

"Mmmmm."ungol ko pero malabong may makarinig sa akin. Hopeless na ako, lalo na nong hawakan niya ang blouse ko para itaas. "No!"hinihingal ako nong alisin niya ang kamay niya sa bibig ko.

"Makukuha kita ngayon...huwag kang mag alala pananagutan kita, okay? Syempre nakakahiya naman kung malalaman ng iba na na-râp3 ka, di ba? Ikaw lang din ang nakakahiya kapag nalaman ng lahat na napagsamantalahan ka." Tatawa-tawa pa siya.

"Demonyo ka! Nagsisisi ako na minahal kita!"sigaw ko.

"Talaga?! Alam mo hindi tayo masisira kung nakinig ka sa akin na iwasan mo siya. Kaya bago ka pa mapunta sa iba. Pagsasawaan muna kita." Umiling ako nong tangkain niyang halikan ako. Pilit kong iniiwas ang mukha ko. Nang mabitawan niya ang mga kamay ko sinubukan kong abutin ang isang libro na nasa dulo ng kama pero malayo hindi ko magawang abutin. Kaya sinampal ko siya at nakalmot ang pisngi niya. Yon ang dahilan para magalit siya at sinampal din niya ako, hindi pa siya nakuntento hinawakan niya ang leeg ko ng mahigpit.

Tinutulak ko siya pero malakas siya! Wala na akong magawa kundi ang umiyak, hindi ako makahinga! Hindi ako makahinga!

"Gago ka talagang lalake ka! Hayop ka!" Nagulat na lang ako nong marinig ko ang isang matigas na bagay na tumama sa ulo nito at napahiga siya dito sa tabi ko habang namimilipit siya sa sakit. Hinahabol ko naman ang hininga ko dahil sa pagkakasakal niya sa akin.

A Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon