Chapter 14

2.1K 133 17
                                    




Maxine Genares

Nakayakap sa akin si Krista.

"Hindi ka ba nahihiya na yakapin ako rito sa tabi ng kalsada?"

"Hindi, basta huwag ka na magtampo."

"Ayaw kitang kausap."

"Max, naman. Sorry na talaga."

"Oo na, sige na. Hindi na ako nagtatampo kaya umuwi ka na kasi baka maabutan ka pa ng ulan."

"Ayaw mo bang ipagluto kita?"

"Ang kulit mo rin, eh. May date ako, kakain kami ng dinner."

Pinilit ko siyang kumawala sa pagkakayakap sa akin at nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Max!"

Paglingon ko sa kanya nagpapahid na siya ng luha, hindi ko siya matiis kaya binalikan ko siya.

"Bakit ka ba umiiyak?"

"Nagsisisi na ako, sorry na. Sumama ako sa iba kasi para masanay ako na kahit wala ka sa tabi ko hindi na ako malulungkot. Mula kasi nong umalis ka sa department pakiramdam ko ayaw mo na sa akin."

"Ano bang sinasabi mo?"

Naku! Umaambon na! Pagtingin ko sa braso ko ay may malalaking patak ng ulan.

"Krista umuwi ka na. Papara na ako ng taxi para sayo."

Hindi siya kumikilos. Nakatayo lang siya hawak ang bag niya.

"Krista, ano ba?"

Nagpapahid pa rin siya ng luha. Ang lakas din ng trip niya! Hinila ko na siya at patakbo kaming dalawa, naghanap kami ng masisilungan. Lalo pang lumakas ang ulan kaya basang-basa na kami. Dito sa harap ng isang building kami sumilong.

Pagtingin ko sa kanya bakat na bakat sa puting blouse niya yong cleavage niya at suot niyang bra. Lumipat ako ng pwesto dito sa harap niya para takpan siya dahil may mga kasama kami na nakasilong rito at marami din ang mga taong dumadaan.

May imi-meet dapat akong tao pero wala akong magawa kundi ang i-cancel ito. Hindi ko naman pwedeng pabayaan si Krista ng ganito. Nilingon ko siya at napatingin din siya sa akin.

"Hintayin lang natin na tumila konti ang ulan, sa bus na lang tayo sasakay. Baka hindi tayo isakay sa taxi dahil basa tayo."

"Uuwi na tayo? Sasama ka na sa akin?"

The way siya magsalita para siyang naglalambing kaya hindi ko siya matanggihan. Kahit gusto ko siyang iwasan, lagi pa rin siya ang naiisip ko.

"Ano pa ba magagawa ko. Sinira mo na ang date ko ngayon."

Sumimangot siya. Hay naku! Mas lalo ko siyang minamahal! Bwisit talaga, ang hirap pigilan ng damdamin na 'to!

May bagyo ata dahil ang tagal tumila ng ulan. Habang nakatayo kami rito naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Ang lamig ng kamay niya at halatang nanginginig siya. Hinawakan ko siya at hinila palapit sa akin, nakadikit na siya sa likod ko.

Nong tumila konti ang ulan sinabihan ko siya na uuwi na kami.

"Tara na sasakay na lang tayo ng bus, ahm yakapin mo yang bag mo."

Na-gets naman niya agad yong sinabi ko. Yong bag ang magsisilbing takip sa dibdib niya.

Naglakad kami papunta sa sakayan ng bus. May konting ambon pa pero hindi na siya gaanong nakakabasa. Pagsakay namin wala nang maupuan kaya nakatayo na kami pareho. Yong ibang pasahero ay basa rin ng ulan.

A Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon