Chapter 31

2.1K 121 26
                                    

Maxine Genares

Naulit na naman ang kinakatakutan ko, and this time alam na ni Krista ang nangyayari sa akin. Hindi ko na maitatago pa sa kanya ang totoong kalagayan ko.

Pagkauwi ng bahay ay dumiretso kami ng kwarto para magpahinga. Sa totoo lang nasayang ang mahigit isang araw na bakasyon dahil sa pananatili ko sa hospital.

Umupo muna ako rito sa tabi ng kama at pinagmasdan si Krista. Halata sa kanya ang pagod, siguro kulang ang tulog niya. Kaya sinabihan ko siyang magpahinga muna.

After lunch hanggang hapon ay natulog lang kaming dalawa. Bumangon lang kami para kumain at maligo. Pagdating ng gabi hindi kami makatulog pero kahit papaano maganda na ang pakiramdam ko.

"Max, a-absent muna ako sa trabaho ng dalawang araw dahil ayokong magdrive ka ng motor na ganyan ang kalagayan mo."

"Okay na ako, Krista."

"Sige, ipilit mo yang katigasan ng ulo mo."

Nagsusungit na siya.

"Okay, okay, mag-absent ka muna. Mas okay yan sa akin." Bumuntong-hininga siya. Alam ko naiinis siya dahil nilihim ko sa kanya ang sitwasyon ko pero ilang saglit pa ay kumalma na siya.

"Max, paano kapag nalunod ka at namatay ka. Anong gagawin ko?"

"Syempre pumunta ka sa burol ko. Ikaw ang magmamana ng lahat ng ari-arian ko."

"Sira-ulo ka ba!" Hahampasin dapat niya ako ng unan pero halatang nagpigil siya.

"....alam mo bang hindi ko mailabas ang galit ko sayo. Nanggigigil ako sayo! Wala akong paki sa kayamanan mo! Ang sa akin lang, huwag ka nang lalangoy. Alam mo palang delikado yon para sayo ginawa mo pa."

Dumapa siya sa kama at mukhang umiiyak na. Hindi maintindihan ni Krista na marami akong bagay na gustong gawin. Namiss ko ang lumangoy sa ilog, ngayon lang naman nangyari sa akin ito na malunod.

"Krista, hindi pa ako mamamatay. Masamang damo ako."

"He! Kapag hindi ka nag-ingat magagalit na talaga ako sayo!"

"Oh sige na, hindi na ako lalangoy kapag wala ka sa tabi ko. Okay na?"

Hindi siya kumibo.

Ang saklap naman nito. Ang akala ko sa pagmamaneho ng kotse lang ako magkakaproblema. Bakit pati ang paglangoy sa ilog ay nanganganib na ang buhay ko? Nakakalungkot lang.

"Nagpapatingin ka ba sa doctor, Max?"

"Mukha ba akong baliw? Bakit ako magpapatingin sa doctor."

"Ayan! Sige, nakakabwisit ka na talaga! Bakit kasi pinatulan pa kita. Matigas yang ulo mo!"

"Tignan mo yang ugali mo, Krista. Hay, nakakapagtampo ka naman, eh."

"Ayoko sa matigas ang ulo. Kapag hindi ka nagpacheck up bahala ka na sa buhay mo, maghiwalay na tayo!"

Tinalikuran niya ulit ako. Nanahimik ako ng ilang saglit para ipunin ang lakas ng loob para ipaliwanag sa kanya ang lahat.

"Krista listen to me, ilang doctor na ang humawak sa case ko pero wala ni isa sa kanila ang nakatulong sa akin kaya itinigil ko na ang pagkonsulta. I'm trying to face my demons, I'm trying very hard para labanan ang trauma na pinagdadaanan ko ng mag-isa. Sana maintindihan mo na hindi ako katulad niyo na normal, na kayang makalimot agad sa nakaraan at sa sakit na dulot ng mapait na trahedya. Please understand..."

Sa pagkakataong ito ay humarap siya sa akin at mukhang naiintindihan na niya ako.

"Max, I'm sorry."

"Pinipilit kong ipakita sa lahat na hindi ako mahina at aminado ako na nagagawa kong manakit ng damdadamin ng mga babae noon, alam mo ba kung bakit?"

Umiling siya.

"....It's a way of easing my burdens. Hindi ko matanggap sa sarili ko na ganito ako. Pero sa maniwala ka sa hindi simula nang maging tayo unti-unti kong inaayos ang sarili ko."

"Hindi ka na mananakit ng damdamin ng iba?"

Umiling ako. "Lalo ka na, ayaw kitang masaktan."

Naging maamo na siya at nang yakapin ko siya ay hindi siya tumanggi. Kinabig ko siya at nagkadikit kami. Kinuha ko rin ang kamay niya at dinala ito sa pisngi ko, and quietly asking for strength habang nararamdaman ko ang init ng palad niya. Magkadikit na ang mga katawan namin dito sa kama. Ang mainit niyang hininga ay dumadampi ngayon sa leeg ko.

Nakakatukso.

Gusto ko na siyang angkinin sa mga oras na ito pero nagpipigil ako.

"Krista----" masuyo kong hinaplos ang pisngi niya. "....thank you."

"For what?"

"For saving my life at alam kong pilit mo akong iniintindi sa kabila ng kakaibang ugali ko. Mahal kita, uulit-ulitin kong sabihin sayo na mahal kita."

"Ano ba sa palagay mo ang nararamdaman ko? Mahal na din naman kita."

"Are you sure?"

Hindi ko naitago ang mga ngiti sa mga labi ko.

"Oo naman. Sasagutin ba kita kung wala akong feelings para sayo. Kaya nga natatakot ako kapag naaalala ko na muntik ka nang mawala sa akin dahil mahal kita."

"Oh, Krista. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito."

Mukhang okay na siya dahil ngumiti na ulit siya.

"Nambola ka pa Maxine."

"I told you not to call me Maxine. Nakakairita." Alam kong inaasar niya ako kapag tinatawag niya ako sa first name ko.

"Yan din siguro ang mga sinasabi mo noon sa mga naging exGF mo na 'ngayon ka lang nagmahal ng ganito'."

"No, iba ka sa kanila. I swear." Inipon ko ang mga buhok niya na nasa pisngi niya at saka inipit ito sa likod ng tenga niya, isang masuyong halik ang iginawad ko sa kanya.

"Max, huwag mo akong paniwalain sa mga salita mo. Although medyo natutuwa ako sa mga sinasabi mong magaganda tungkol sa akin."

"Talaga? Alam mo ba Krista kung anong pinakamasarap na pakiramdam?"

"Ano?"

"Yong mahalin ka rin ng kaibigan mo, bihira mangyari yon, di ba?"

"Oo, bihira lang, kasi yong iba mas pinipili nila na manatili silang magkaibigan."

"Pero love mo na nga ako?"

"Oo, ayaw mong maniwala?"

Dinampian ko siya ng halik sa labi niya bilang tugon sa tanong niya. Masaya ako na malaman na mahal ako ng kaibigan ko slash girlfriend ko. Best feeling talaga na ma-fall din siya sa akin.

Ikinulong ko siya sa mga bisig ko at hayaang maramdaman niya ang init na nagmumula sa katawan ko. Gusto kong iparating sa kanya na totoo ang pagmamahal na inaalay ko para sa kanya.

.....

A Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon