Chapter 1

12.4K 211 27
                                    

Krista San Jose


Nakatanaw ako kay Max, andito ako sa second floor ng apartment ko at kitang-kita ko kung paano lumuhod ang isang babae sa harapan niya. Iyak ng iyak ang babae habang nagmamakaawa sa kanya para balikan lang ito.

Napapailing na lang ako.

Hindi na talaga siya nagbago at hanggang kailan siya mananakit ng babae? Wala siyang ginawa kundi manakit ng damdamin ng babae.

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagpapaiyak, Max? Kawawa naman yong girlfriend mo na lumuluhod."kinompronta ko agad siya pagpasok niya rito sa apartment ko.

"Ex ko na siya. Nakipagbreak ako nang maayos. Makulit lang siya."

"Hindi ka ba natatakot sa karma?"

Natatawa siya na napapailing.

"Karma ko siguro siya kasi hindi kami nagkatuluyan."

"Sira! Kapag ikaw ang tinamaan ng karma baka sampung beses kang luluhod sa harap ng taong mamahalin mo."

"Krista, hindi mangyayari yon."

"Are you sure?"

"Oo na, sige na. Kaya ako nagpunta rito kasi gusto ko ng kausap kaya huwag mo na akong pagalitan, please?"

"Ewan ko sayo!"

Ako yong hina-highblood sa kanya. Pang ilang babae na yan na lumuhod sa harapan niya. Wala talaga siyang awa sa damdamin ng iba. Heartbreaker!

"Kumusta kayo ng boyfriend mong kamukha ni hulk?"tanong niya sabay akbay sa akin. Iniiba na naman niya ang usapan. Ganito siya kapag pinapagalitan ko siya.

"Maka-hulk ka naman diyan, eh ikaw nga kamukha mo si squidward!"

"Alam mo hindi ako naaasar."

Balewala na sa kanya kahit tawagin ko siyang squidward. Nong una naaasar pa siya pero ngayon parang tuwang-tuwa siya na tinatawag ko siyang ganyan.

"Bukas may date ako."

Napatingin ako bigla sa kanya.

"Kabi-break niyo lang ng gf mo meron ka ulit ipapalit?!"

Hay parang hindi na ako nasanay! Break ngayon, bukas may iba ulit. Anong klaseng puso meron siya?

"Maganda siya nakita ko sa facebook. Baka siya na yong meant to be ko."nakangiting saad niya.

"Pang isang libo mo na atang sinabi sa akin yan. After a month umiiyak ang babae dahil iniiwan mo."

"Baka ito na yong magpapatino sa akin. Handa naman akong magbago, eh. Basta mahanap ko lang siya."

"Ikaw na talaga."

Napapailing na lang ako.

Kahit ilang beses ko siyang sabihan hindi siya nakikinig.

Apat na taon na kaming magkaibigan ni Max. Simula nong maging magkatrabaho kami sa kompanya na pinapasukan namin ay naging close na kami. Hilig niyang pumunta rito sa apartment ko kapag nakikipagbreak siya sa girlfriend niya.

Ewan ko ba sa babaeng ito. Dahil nga maganda siya at ma-appeal madaling nahuhulog sa kanya ang mga babaeng nililigawan niya.

"Hindi ka ba uuwi sa bahay mo?"

"Ang sama mo talaga, 'no? Kararating ko lang pinapalayas mo agad ako."

"Baliw! Tinatanong lang kita."

"Bakit, dadating ba yong boyfriend mo? Hmm Magse-sex kayo, no?"

"Hoy! Bastos ka talaga!"

Natatawa siya.

A Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon