Prologue

15 1 0
                                    

Mula sa liblib na lugar sa Italy, may maririnig na sigaw at iyak ng nanghihingi ng tulong. Ngunit hindi ito basta-basta iyak ng nangangailangan, it was a cry for mercy.

"Wait! Please! I beg you, spare my life!" saad ng lalaki na nagmamakaawang nakaluhod sa matangkad na pigura sa kanyang harapan. Masasabi niyang lalaki ito dahil sa lapad ng katawan nito mula sa suot nitong suit.

Hindi pinansin ng nataguriang lalaki ang nagmamakaawa sa unahan niya. Sa halip, kinasa niya ang baril at itinutok ito sa mismong ulo ng lalaki.

"Huwag! Please! Hindi na po mauulit!" naiiyak na saad ng lalaki at yumuko.

"Nagmamakaawa ako!" dugtong niya sa kanyang sinasabi, ngunit hindi manlang bumakas ang awa sa mukha ng nasa kanyang harapan.

"You made a mistake to mess with the Oscallas my dear friend. And you already know what happens next" saad ng pag-aakala niyang lalaki sa harap niya.

Dahan-dahan siyang tumingala upang suriin ang katawan ng magtatapos sa buhay niya.

Matipuno ang katawan nito na parang lalaki ngunit kung ikukumpara ito sa tunay na katawan ng lalaki ay mas mukhang fragile at maliit ito. Dumagdag pa ang boses nitong may pagkatinis at lambot ngunit malakas ang dating at siguro kung babae siya ay aakalain niya talagang lalaki ito.

Namangha siya nang tanggalin nito ang black face mask na suot nito dahil ... isang napakagandang babae ang kanyang nasa harapan. Matangos ang ilong at pumupungay ang mga mata nito, kitang kita din ang jawline nito na dumadagdag sa pagka-astig ng kanyang mukha. Dumagdag pa sa kanyang magandang anyo ang buhok niyang naka-wolf cut na hanggang itaas ng balikat ang haba at may blonde highlights.

"Like what you see? Too bad you can't show this to your so called clan" seryosong saad ng babae bago walang sabi-sabing ipinutok ang baril.

Narinig ang pagputok ng baril sa kagubatan, kasabay nito ay ang pagsimoy ng malamig ng hangin at ang pagtumba ng lalaki sa kanyang harapan.

Sumingkit ang mga mata niya nang maamoy ang malansang dugo at ang mga apak sa damo mula sa kanyang likuran.

"Kai Oscalla"

Guns and Roses [GL]Where stories live. Discover now