CHAPTER 31

3.9K 89 9
                                    

MARIA GABRIEL FAYE

ISANG linggo na ang nakalipas simula nang pumasok ako sa Gazalmo University at sa isang linggo na iyon marami akong natatanggap na mga bulaklak, chocolate at mga staffs toy.

Hindi ko nga alam kong bakit ang daming estudyanteng nagbibigay sa'kin ng mga gano'n bagay. 'Di ko naman kayang tanggihan ang mga binibigay nila.

Dinadala ko iyon lahat pauwi sa mansiyon pero kinukuha naman nila kuya Zam at kuya Zach sa'kin.
Iyong mga bulaklak, chocolates at staff toys, 'di ko man lang natikman 'yong mga chocolates kasi kinukuha nila agad.

Sa una ayaw ko talaga ibigay sa kanila 'yon kasi 'di ba aanhin nila 'yon puro pambabae naman 'yong mga staff toys pero sabi ni kuya Zam itatago lang daw nila 'yon kaya wala akong nagawa kundi ibigay na lang.

Nasa byahe kami ngayon patungong GU kasama ko si kuya Zam siya ang nagmamaneho ng kotse. Napahawak ako sa puson ko nang makaramdam ng sakit.

Kanina pang umaga masakit ang puson ko. Ayoko sana pumasok dahil hindi ko talaga kaya ang sakit pero 'di pweding umabsent ako dahil may report ako ngayon.

"Sweetheart, are you okay?" may halong pag-aalala ang kaniyang boses. Napansin 'ata niyang nakahawak ako sa tiyan ko.

"O-Opo," pagsisinungaling ko.
Ayokong sabihin sa kaniya na masakit 'yong puson baka mag-aalala lang siya.

"Are you sure, sweetheart?" tumango ako at nginitian siya.

Pagkarating namin sa GU agad kong tinanggal ang seatbelt at binigyan ng halik sa pisngi si kuya Zam. "Alis na po ako."

"Don't hesitate to call us if something bad happens to you, sweetheart." Hindi ko na mabilang kung ilang ulit na nila iyon sinabi sa'kin.

Ngumiti na lang ako kay kuya Zam bilang sagot dahil wala na akong lakas magsalita. Bumaba na'ko ng kotse at nagpaalam sa kaniya.

Matamlay akong naglalakad sa hallway, may ilang bumabati sa'kin ngunit wala akong lakas na batiin sila pabalik.

Pagkapasok ko sa room sinalubong ako ng bati ni Lea, "Good morning, gurl!" Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya dahil wala akong lakas na batiin siya pabalik.

Umupo na 'ko sa upuan ko at saka dukmukdok sa lamesa. Ang sakit ng puson ko naiiyak na'ko sa sobrang sakit.

"Uy! Gurl okay ka lang?" may halong pag-aalala ang boses ni Lea.
Tumango ako habang nakadukdok ang ulo ko sa lamesa. "Parang hindi naman, 'wag mo nga akong ganyanin," aniya. Madami pang sinabi si Lea ngunit hindi ko na iyon maintindihan. Bumibigat na ang talukap ng mata ko ilang segundo ang lumipas nilamon na 'ko ng kadiliman.

"MG. . . MG gising na." Napamulat ako ng mata dahil sa boses ni Lea.
"A-ako na ba ang magre-report?" tanong ko sa kaniya at saka umayos ng upo.

Tumingin ako sa harapan pero wala na akong taong nakita. Asan na sila?
"Lunchbreak na gurl tapos na 'yong reporting."

"Bakit 'di mo ko ginising?"

"Ginising kaya kita kanina no'ng 'di pa dumating si sir." Malalim akong napabuntong hininga.

Hindi ako naka-report. . . biglang nanubig ang aking mata. "Uy! Gurl 'wag kang umiyak papagalitan ako nito ni Alaisha eh," hindi ko na napigilan, tumulo na ang aking luha.

Mafias' Innocent Angel (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now