CHAPTER 5

5.3K 142 10
                                    

PAGKATAPOS kumain ng dalaga hinugasan niya muna ang kaniyang pinagkainan bago siya bumalik sa kwarto para maligo.

Kailangan niya ng maligo alas dyes na nang umaga magtatanghali na siyang nagising dahil siguro sa pagod at puyat kakabantay sa binata.

Hindi siya agad nakabalik sa pagtulog dahil hindi niya mapigilang ang sarili sa pagtitig sa binata dahil nabibighani siya sa gwapo nitong mukha. Sa labing-isang taon niyang pamamalagi sa isla ngayon pa lang ulit siya nakakita ng ibang tao.

Si Nanay Cecilia lang kasi ng pumupunta sa bayan para mamili ng mga makakain nila at mga gamit na kakailanganin nila kagaya ng sabon, shampoo, toothpaste at iba pa. Buti na lamang ay mayroon nakatagong pera sa mansyon na iniwan ng kaniyang mga magulang kaya iyon ang ginagamit nilang panggastos sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Tanging si Nanay Cecilia lamang ang pumupunta sa bayan hindi siya sinasama nito dahil natatakot si Nanay Cecilia sa kaligtasan niya at na iintindihan niya iyon. Mas mainam na maging maingat sila dahil walang poprotekta sa kanilang dalawa kung sakaling matunton sila ng mga taong iyon.

Lubos na naaawa si MG kay Nanay Cecilia dahil nadamay ito sa gulong ginawa niya, dahil sa kaniyang nagtatago ito sa isla kasama siya.

Dapat ang katulad ni Nanay Cecilia na may edad na ay may sarili na itong pamilya at may mga apo. Sinisisi niya ang kaniyang sarili dahil hindi man 'yon naranasan ni Nanay Cecilia.

Naalala pa ng dalaga noon na may iniibig si Nanay Cecilia. Si mang Kanor isa sa driver nila sa mansyon sabi ni Nanay Cecilia nagpaplano sila noon na magpapakasal sila huwes ngunit 'di natuloy dahil sa sunod-sunod na problemang nangyari sa mansyon. Maraming nagtatangkang pumasok sa mansyon para kunin siya kaya alerto lahat ng mga tauhan ng daddy niya.

Ngunit ang trahedyang iyon. Ang trahedyang hinding-hindi niya malilimutan. Ang trahedyang naging bangungot sa dalaga. Sa gabing 'yon maraming namatay kasama na doon si Mang Kanor at ang kaniyang. . . magulang.

She felt sorry for Nanay Cecilia masaya sana ngayong namumuhay sila ni mang Kanor. Gusto ng dalaga makabawi at masuklian ang lahat ng mga sakripisyong ginawa ni Nanay Cecilia para sa kaniya. Gusto niyang maranasan ni Nanay Cecilia ang maging masaya at walang inaalalang pangamba.

She wishes all of this is just a dream. A bad dream that she needs to wake up from. . . but it's not. Kahit ilang ulit siyang bumalik sa pagtulog walang nagbabago ito pa rin siya sa isla nagtatago sa mga taong pumatay sa kaniyang mga magulang.

Gustong gumawa nang paraan ng dalaga. Gusto niyang masulosyonan ang problemang ito ngunit paano? Paano sila makakaalis sa islang ito kung wala silang lakas para ipagtanggol ang kanilang sarili mula sa mga taong iyon.

She prays every night. She still hopes in God that he will send someone to help them escape this Island.

Someone who will protect them. All she wanted is a normal life, a peaceful life where she can be free and explore the world without thinking about any problems.

"Natulala ka na diyan." Nabalik ang dalaga sa realidad nang marinig niya ang boses ni Nanay Cecilia.

"A-Ahh naalala ko lang po kung habambuhay na po ba tayong ganito. Nagtatago sa isla, takot na baka mahanap nila tayo."

"Lahat ng ito ay may dahilan iha. May dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa atin," sabi ni Nanay Cecilia habang marahang haplos ang kaniyang buhok.

Napangiti ang dalaga sa sinabi ni Nanay Cecilia. Sa lahat ng trahedyang pinagdaanan nila hinding-hindi nawawala ang pananalig ni Nanay Cecilia sa panginoon. Palaging sinasabi nito sa kaniya na lahat ng pangyayaring pinagdaanan nila ay may dahilan ang Diyos.

"Sana po may tumulong sa'tin na makaalis sa isla gusto ko pong makapag-asawa na po kayo Nanay Cecilia tapos mamuhay po kayo nang masaya," sabi ng dalaga at binigyan nang mahigpit na niyakap si Nanay Cecilia.

Hindi alam ng dalaga ang gagawin kung pati si Nanay Cecilia ay mawala sa kaniya. Simula pagkabata tinuturing na niyang pangalawang ina si Nanay Cecilia. Tuwing umaalis ang mommy at daddy niya si Nanay Cecilia ang nag-aalaga sa kaniya kaya mahal na mahal niya ito.

"Ano ka ba MG matanda na ako para mag-asawa pa at isa pa wala nang magkakagusto sa'kin, ganito na talaga siguro ako tatandang kasama ka," may bahid na lungkot na usal ni Nanay Cecilia.

"Nanay Cecilia, sorry po, sorry po..." paulit-ulit niyang hingi ng paumanhin. Hindi na napigilan ng dalaga ang kaniyang luha na tumulo.

"Umiiyak ka na naman, tama na iyan 'wag mo nang sisihin ang sarili mo iha. Tahan na masaya akong kasama kita. Makita lang kitang buhay at masaya okay na iyon sa'kin," ani ni Nanay Cecilia habang marahang hinaplos ang kaniyang likod.

Humiwalay siya sa pagkakayakap at humarap kay Nanay Cecilia na may ngiti sa labi. "Maraming-maraming salamat po Nanay Cecilia kasi palagi kayong nasa tabi ko. I love you po Nanay," mahinang usal ng dalaga habang pinupunasan ang kaniyang luha.

Napatingin ang dalaga sa pinto ng kusina ng makaramdam siya na parang may ibang nakatingin sa kanila and there she saw the man leaning at the door.

Umiigting ang panga nito habang nakatingin sa pwesto nila. She think his mad, but why? Wala naman siyang ginagawang masama.

Nang magtagpo ang kanilang mata agad na naglaho na parang bula ang galit sa mata ng binata at gumuhit ang matamis nitong ngiti sa labi.

Napayuko ang dalaga dahil 'di niya kayang makipagtitigan ng matagal sa binata.

Naglakad palapit ang binata sa kanila dahilan nangpaglingon ni Nanay Cecilia sa binata. "Oh hijo, bakit ka bumaba? Dapat nagpahinga ka muna," alalang usal ni Nanay Cecilia.

"Thank you for your concern Nanay Cecilia, but don't worry I'm perfectly fine," ani ng binata habang ang kaniyang tingin ay nasa nakayukong dalaga.

"I would like to introduce myself. I'm Zamuros Monteroso, thank you for saving me Angel," ani ng binata habang 'di pinuputol ang kaniyang tingin sa dalaga.

Napaangat ng tingin ang dalaga kaya nagtagpo ang kanilang tingin. "Wala po 'yon masaya po akong makatulong. At hindi po Angel ang pangalan ko, ako po si Maria Gabriel Faye pero pwede niyo po akong tawaging MG para 'di mahaba," nahihiyang usal ng dalaga dahil naiilang siya sa klasing tingin na binibigay sa kaniya ng binata. Nakakapanghina ng tuhod.

"What a beautiful name, it suits you," ani ng binata sabay ngiti sa dalaga. Napayuko ulit ang dalaga dahil biglang uminit ang kaniyang pisngi.

"S-Salamat po," nakayukong usal niya.

"Oh, siya mamaya na tayo magkwentuhan. Ikaw MG maligo ka muna pagkatapos pahiramin mo muna ng damit itong si Zamuros," biglang usal ni Nanay.

"Zam na lang po, Nanay Cecilia." Tumango-tango naman si Nanay Cecilia.

"Sige po maiwan ko muna po kayo k-kuya Zam," paalam ng dalaga at mabilis na lumabas sa dining room.

Abot tainga ang ngiti ng dalaga paakyat ng hagdan. "Ang sarap sa pakiramdam na may tinatawag na kuya hehe."

Gusto niyang tawaging kuya si Zamuros siguro okay lang naman ito sa binata dahil sigurado naman siyang mas matanda pa ito sa kaniya.

At isa pa gusto niyang magkaroon ng kuya kung hindi sana nawala ang mommy at daddy niya siguro may kapatid siya ngayon. Biglang nakaramdam ng lukot ang dalaga.

Ipinilig niya ang kaniyang ulo at mabilis na naligo dahil gusto niyang makipagkwentuhan sa binata, marami siyang gustong itanong.

Mafias' Innocent Angel (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now