CHAPTER 26

4.2K 94 6
                                    

MARIA GABRIEL FAYE

"N-NANAY Cecilia 'wag na lang po kaya tayo tumuloy," nag-aalangan kong ani at lumapit sa kama ko at saka umupo sa tabi ni Nanay Cecilia na abala sa pag-e-empake ng mga ilang damit ko.

Sabi ni kuya Zam huwag na daw ako magdala ng maraming damit ang mga gusto ko lang daw dalhin ang dadalhin ko pero 'di ko alam kung ano ang dadalhin ko kaya si Nanay Cecilia na ang nag-empake ng mga damit ko.

Tumigil si Nanay Cecilia sa paglalagay ng damit ko sa maleta at saka tumingin sa'kin. "Bakit hija? Ito na 'yong matagal mong hinihintay 'di ba? Ang maka-alis tayo dito sa isla." Hinawakan ni Nanay Cecilia ang dalawa kong kamay.

"P-pano kung nando'n 'yong mga taong naghahanap sa'kin?" nanginginig ako tuwing iniisip kong mahahanap nila ako at. . . at patayin katulad nang ginawa nila sa mga magulang ko, sobra-sobra ang takot na nararamdaman ko.

Hinawakan ni Nanay Cecilia nang mahigpit ang dalawang kong kamay na nasa kandungan ko at pilit pinapakalma ang takot na nararamdaman ko.

"Nangako si Zam at Zach sa akin na hindi ka nila pababayaan at poprotektahan ka nila pagkalabas natin sa isla kaya h'wag kang matakot anak, kasama mo din naman ako." Nabawasan ang pangamba ko dahil sa sinabi ni Nanay Cecilia.

Ngumiti ako ng tipid kay Nanay Cecilia at saka binigyan siya nang mahigpit na yakap. 'Di ko alam ang gagawin ko 'pag pati si Nanay Cecilia nawala sa'kin. Siya na lang ang natitirang pamilya na tinuturing ko.

Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa pisngi ko. Napaluha ako hindi dahil sa takot kundi dahil sa sayang nararamdaman ko. Masaya akong nagkaroon ako ng isang kagaya ni Nanay Cecilia. Isang Nanay na palagi akong inaalagaan at handa akong protektahan.

"T-thank you po Nanay Cecilia dahil palagi po kayong nasa tabi ko," humihikbi kong pasalamat.

Humiwalay si Nanay Cecilia sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako na may ngiti sa kaniyang labi.

Pinunasan ni Nanay Cecilia ang luha sa pisngi ko. "Oh, siya 'wag ka nang umiyak. Tanda mo 'yong sabi ng daddy mo na. . .'wag kang iiyak dahil papangit ang prinsesa niya." Tumango tango naman ako at saka ngumiti kay Nanay Cecilia 'di ko alam kung paano ko siya masusuklian sa lahat ng mga sakripisyo niya sa akin.

SABAY-SABAY kaming lumabas ng mansyon. Si kuya Zam at kuya Zach ang nagdala ng mga bagahe namin bale tatlong bagahe ang dala namin.

Ang dalawang bagahe ay kay Nanay Cecilia at akin, at isang bagahe naman ang laman no'n ay ang natirang perang iniwan nina mommy at daddy sa akin. Sabi ni kuya Zam ilalagay daw namin 'to sa banko kaya dinala namin.

Pagkalabas namin sa mansyon bumungad sa amin ang marangyang speedboat, alam kong speedboat ang tawag do'n dahil minsan ko nang nakita 'yon sa libro.

"Wow! Ito 'yong sasakyan natin?" namamangha kong sabi.

"Yes Angel," sagot ni kuya Zam at saka ngumiti sa'kin.

Excited na'ko makasakay doon kaya dali dali akong naglakad palapit sa speedboat. Pagkasakay ko umupo agad ako sa malambot na kutson.

"Wow! Ang ganda!" I said and giggled.

Tinignan ko sa Nanay Cecilia para ayain siyang tumabi sa'kin. "Nanay Cecilia tabi tayo dito!" Masaya kong sabi kay Nanay Cecilia na kakasakay pa lang.

Mafias' Innocent Angel (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon