CHAPTER 7

4.9K 139 13
                                    

NAKAUPO si MG sa pang-isahang sopa sa silid aklatan ng mansyon. Sa loob ng dalawang araw halos gawin niya na itong kwarto dahil ayaw niyang magkrus ang landas nila ng binata.

Simula noong araw na nagpunta sila sa tabing dagat para panoorin ang paglubog ng araw umuwi siya ng mansyon na 'di kinikibo ang binata. Hindi niya alam kung bakit may kirot siyang nararamdaman sa kaniya dibdib.

Nakakaramdam siya ng kirot sa dibdib tuwing iniisip niya ang usapan nila ng binata.

'Ikaw kuya meron kang girlfriend?' balik kong tanong sa kaniya.
'Yes. I have a girlfriend, but she's not aware of that.'

'Yes. I have a girlfriend'

'Yes. I have a girlfriend'

'Yes. I have a girlfriend'

Paulit-ulit iyong sumasagi sa kaniyang isip. Halo-halong emosyon ang kaniyang nararamdaman. Nasasaktan siya at nagagali, pero bakit?
Hanggang maari iiwasan niya muna ang binata. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili at hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman.

Baka konektado ito sa pagbilis ng kaniyang puso, baka may sakit na talaga siya sa puso. Ayaw na niya itong ipaalam kay Nanay Cecilia mas mabuting siya na lang ang nakakaalam nito. At saka ayaw niyang dumagdag pa sa problemang iniisip ni Nanay Cecilia.

Alam niya lahat naman ng ito ay may hangganan 'di magtatagal iiwan din sila ng binata, baka bukas o sa makalawa aalis na din ang binata. At saka siguradong naghihintay na ang girlfriend ng nito.

At isa pa tama lang ang ginagawa niya ngayon, tama lang na dumistansya siya sa binata. Mas mabuti ng ganito dahil ayaw niyang makasira ng relasyon. Alam na niya ngayon ang ibig-sabihin ng boyfriend o girlfriend hindi pala 'yon lalaki o babaeng kaibigan.

Dapat simulan ngayon hindi na aiya makikipaglapit sa bintana para sa oras na umalis na ito hindi siya masasaktan at mamimiss ito.

Nabalik sa realidad ang dalaga nang makarinig siya ng katok sa pinto. Hindi siya tumayo at wala siyang balak na buksan iyon.

"Angel, are you there?" Bigla siyang nataranta nang marinig ang kilalang boses na iyon.

"Can I come in?" Biglang nakaramdam ng kirot ang ng dalaga ng marinig niya ang boses ng binata. It's feels like his suffering.

"Please, Angel, talk to me." Nanatiling tahimik ang dalaga.

"Okay, I'll give you time Angel." Akala niya hindi malaking bagay ang pag-iwas niya. Akala niya walang pakialaman sa kaniya ang binata kasi 'di ba may kasintahan na ito kaya dapat lang siyang lumayo. Siguradong magagalit ang kasintahan nito kung patuloy pa rin siyang lumalapit sa binata.

Ayaw niyang siya ang maging dahilan nang paghihiwalay nito.

IT'S BEEN two days. Dalawang araw nang hindi nakikita ng binata ang dalaga. And it's like hell to him. Alam ng binata kung bakit siya iniiwasan ng dalaga at kasalanan niya 'yon
He forgot that she's innocent. She doesn't know what am I saying and now she misinterpreted what I said. Ang tinutukoy ng binata na girlfriend ay siya.

Fuck this!

Ginulo ng binata ang kaniyang buhok dahil sa frustration na nararamdaman.

Mafias' Innocent Angel (UNDER REVISION)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora