CHAPTER 15

4.6K 129 12
                                    

PAGGKALABAS ng dalaga sa banyo 'di mabura-bura sa kaniyang isipan ang imahe ng pagkalalaki ng binata. Nakatulala siya habang naglakad patungo sa kaniyang kama at sapu-sapo ang dibdib.

"Normal lang bang humanga sa penis ni kuya Zam?" kunot noo niyang tanong sa sarili. Hindi niya mapigilan ang sarili na humanga sa bagay na 'yon. Ngayon pa lang siya nakakita sa personal ng penis 'di siya makapaniwala na may ganun pa lang kalaki.

Napahawak siya sa pisngi nang makaramdam ng pagka-init doon. "OMG! I think this is not normal," bulalas niya sabay tapik-tapik ng kaniyang pisngi.

"Bakit parang umiinit 'ata dito?" 'Di mapakali ang dalaga kaya napagdesisyunan niyang pumunta sa terrace ng kwarto niya para doon magpahangin.

Mayroong aircon sa kwarto ng dalaga ngunit matagal na itong 'di gumagana. Lahat ng aircon sa mansyon ay matagal nang sira at 'di ginagamit.

Gustong bumili ni Nanay Cecilia ng bagong aircon dahil marami naman ang perang iniwan sa kanila ng magulang niya ngunit ang dalaga na ang pumigil kay Nanay Cecilia dahil kaya niya namang mabuhay na walang aircon. At isa pa natatakot siyang baka masundan sila ng mga taong humahabol sa kanila, ayaw niyang pati si Nanay Cecilia ay mapahamak.

Pagkabukas ng dalaga sa sliding door ng kaniyang balkonahe agad na sumalubong sa kaniya ang malamig at sariwang simoy ng hangin na nagmumula sa dagat.

Lumapit ang dalaga sa railing ng terrace niya at saka ipinikit ang mata at pinakiramdaman ang lagaslas ng alon at tunog ng mga kuliglig.
Napayakap ang dalaga sa kaniyang sarili nang bigla niyang naalala ang kaniyang mga magulang.

"Daddy! Daddy!" matinis na sigaw ng batang MG habang tumatakbo ito papalapit sa kaniyang ama na kakarating lamang galing sa Korea dahil sa trabaho, tatlong araw ito doon kaya miss na miss ito ng bata.

"Princess slow down don't run baka madapa ka," alalang sabi ng ama ni MG na si Fernando.

Nakinig naman ang bata at lumakad ito ng mabagal. Literal na nag-slow motion talaga ito."I'-m s-low-ing d-own d-ad-dy," ani ng bata habang humahagikhik ito ng tawa.

"Stop that princess, daddy need your hugs now," natatawang saway ni Fernando sa kaniyang anak at saka lumuhod para makapantay ang anak.
Awtomatiko tumakbo ang bata at sinalubong ang kaniyang ama ng isang mahigpit na yakap. "I missed you, Daddy," naglalambing nitong sabi at saka nagpa-cute sa ama.

"I missed you too, my baby princess," malambing na sabi ni Fernando sa anak at saka hinalikan ang kaniyang anak sa pisngi dahil sa kakyutan nito.

Kinarga ni Fernando ang kaniyang anak dahilan nang paghagikhik nito. "Where's your mommy princess?" malambing na tanong ni Fernando sa kaniyang anak habang naglalakad sila patungo sa kusina, alam niyang nando'n ang asawa niya.

"Mommy's baking a cake for me," magiliw na ani ni MG.

"Bakit sayo lang, what about daddy?" Nagtatampong usal ni Fernando sa anak at umakting na parang nasasaktan.

"Eh, daddy you're a big guy na daw po kasi, so you don't need mommy cake anymore."

"And who told you that I don't need your mommy's cake?"
"Mommy told me," pagkasabi no'n ni MG saktong nakapasok na sila sa kusina. Nakita nilang abala sa paghuhugas ng plato ang mommy niya.

"Hon, why are washing the plates?" takang tanong ni Fernando sa kaniyang asawa at saka binaba si MG.
"Gusto kong maghugas ng pinggan at saka kunti lang naman to," pagsusungit ng ina ni MG na si Gabriela. Lumapit si Fernando sa kaniyang asawa at bigla niya itong kiniliti.

"S-Stop it!" nakikiliting sabi ni Gabriela habang iniiwasan ang kamay ng kaniyang asawa.

"Sige babasain kita!" pagbabantang sabi ng ina ni MG ngunit 'di nakinig si Fernando sa pagbabanta ng asawa patuloy pa rin siya sa pagkiliti nito.
"P-princess h-help me!" natatawang sigaw ni Gabriela sa kaniyang anak.
"Humanda ka daddy!" matinis na sigaw ni MG at saka kiniliti din ang kaniyang ama.

She was six years old that time at isa 'yon sa mga masasayang ala-alang 'di malilimutan ng dalaga noong kasama niya pa ang mga magulang niya.
"Kamusta na kaya si lolo't lola hinahanap kaya nila ako?" tanong niya sa kawalan.

Nanlalabo ang paningin ng dalaga dahil sa luhang namumuo sa kaniyang mata. Naramdaman niya na lang sunod-sunod na itong tumulo sa kaniyang pisngi.

Labing-isang taon nang naghihintay ang dalaga na may taong dadating para tulungan at protektahan sila. Isa na doon sa hinihintay nila ang lolo niya, naghihintay ang dalaga na balang araw susunduin sila dito ng lolo niya.

"I m-missed, m-my f-family." Puno ng pangungulila ang kaniyang boses.
Nakayuko ang ulo ng dalaga habang humahakbang palapit sa duyan ng terrace niya at saka humiga sa duyan. Mahigpit na niyakap ni MG ang maliit na unan na nasa kaniyang tabi. Ilang minuto ang lumipas hinala na ulit siya ng antok.

MG didn't know that there were two young men who had been quietly staring at her. Thier hands turned into fists and their expressions were dark as if they were ready to kill the person who made their innocent Angel cry.

KANINA pa paikot-ikot si Zach sa loob ng banyo, hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nanatili doon. Tanging tuwalya lamang ng dalaga ang suot niya kaya nag-aalangan siyang lumabas ng banyo.

Nagdadalawang isip si Zach kung lalabas ba siya o hindi, kung pwedi lang siyang matulog sa banyo gagawin niya 'yon dahil wala na siyang mukhang maihaharap sa dalaga.

Zach felt like he had ruined her innocence.

Ilang minuto pa ang lumipas napagdesisyunan na niyang lumabas, bahala na kung ano man ang mangyari dahil 'di pweding magkulong lang siya sa banyo buong gabi.
He need to face her.

Dahan-dahan na pinihit ng binata ang busol ng pinto, inaasahan niyang naghihintay sa kaniya ang dalaga ngunit wala siyang nadatnan kaya nakahinga siya nang malalim.

Akmang lalabas na sana ng kwarto si Zach ng mahagip sa gilid ng kaniyang mata ang bukas na glass door ng terrace at dahil sa lakas ng hangin natatangay nito ang pink na kurtinang nakasabit.

Lumapit ang binata doon dahil nagbabasakali siyang nando'n ang dalaga at 'di nga siya nagkamali.

Nakatayo ito malapit sa railing habang nakatanaw sa dagat. Hindi makita ni Zach ang mukha ng dalaga dahil nakatalikod ito sa kaniya.

Bumalik sa loob ng kwarto si Zach at saka hinablot ang kulay pink na kumot na nasa kama ng dalaga, balak niya itong gawing pambalot sa dalaga dahil malamig sa labas.

Babalik na sana si Zach sa terrace nang biglang pumasok si Zam sa kwarto at kunot noo siya nitong tinignan dahil dala-dala niya ang kumot ng dalaga.

"Where's Angel?"

"She's in the terrace," maikling sagot ni Zach at sabay silang tumungo sa terrace para puntahan ang dalaga. Ngunit napahinto silang dalawa nang marinig ang mahinang hikbi ng dalaga.

"I m-missed, m-my f-family." Sadness was evident on her voice.
Nasasaktan ang dalawang binata habang pinagmamasdan nilang umiiyak ang dalaga, parang dinudurog ang kanilang puso.

Kumuyom ang kanilang kamao dahil sa galit na nararamdaman nila ngayon. Hindi sila manhid para hindi malaman ang dahilan ng pag-iyak ng dalaga. Alam nilang may tao sa likod nang pag-iyak ng dalaga at papatayin nila ito.

'Don't worry Angel we will protect you.' ani nila sa isip.

Mafias' Innocent Angel (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now