“Congrats!” masiglang bati ni Cassidy, napangiti lang si Onse.

“Thanks, dahil diyan libre ko na at gusto ko kayo rin ang mag champion, ‘kay?”

“Of course, kami na ‘to, haler?” mahanging sagot naman nung isa. Binigay na namin kay Onse ‘yong order namin at nung dumating siya nagsimula na kaming kumain. Speaking of my cookie monster, kasama niya mga ibang profs ngayon, at least marunong mag paalam, ‘di ba?

“Natalie, bakit hindi ka sumali sa quiz bee ngayong taon?” I asked her, napahinto naman siya sa kinakain.

“Wala lang ako sa focus ngayon, okay lang, marami na rin naman ako nasalihan.” Sagot niya, when it comes kasi sa pautakan, lagi siya nangunguna. Pero seryoso pagdating diyan, school namin nangunguna. Hindi ako kumain masyado baka kasi mabigla ako mamaya sa laro, ito namang katabi ko, kain kung kain.

“Wala talagang pinipiling lugar ‘yang katakawan mo, ‘no?”

“Masama ako magutom beh, kaya manahimik kayo riyan.” Iritadong sagot niya.

Nasa locker kami kasama ng mga teammates ko para mag handa. 5 minutes nalang bago kami lumabas at pumunta sa field.

“Masusuka yata ako.” Mahinang sambit nung isa.

“See? I told you, dahan-dahan lang.” Napasimangot naman siya.

“By the way, manonood ba si Miss Contreras?” tanong ko sa kaniya.

“Sabi niya, lahat naman ata ng prof natin manonood, bakit ‘yong cookie monster mo manonood ba?” balik na tanong niya na halatang nang aasar pa.

“Of course, and speaking of her. We’re now together.” Hindi naman siya nabigla sa sinabi ko.

“Alam ko naman na mangyayari ‘yan, besides wala sa rules ng school natin na bawal ang ganiyang klaseng relationship.” Seryoso? So ako lang ata ang walang alam sa rules na ‘yan.

“Weh? Bakit ngayon ko lang nalaman?”

“Hindi mo yata binabasa about sa school natin.” Parang familiar.

“Kayo ba? Kumusta?” tanong ko sa kaniya, pero walang nagbago sa ekspresiyon niya.

“As usual, nag uusap pa rin kami sa mga bagay-bagay, especially when she distanced herself to me. She explained it.” Masaya naman ako para sa kaniya, at least hindi na siya mag isip ng kung anu-ano.

“Let’s go, girls. Time is up!” tawag ni coach sa amin at agad kami napatayo. Papunta na kami ngayon sa field, kung kanina hindi ako kinakabahan, ngayon parang dinadaga na ‘ko.

Nasa gitna na kami ng field kasama nung opponent namin, hindi ako na inform na sila ‘yong dumurog sa akin 2 years ago. Hinanap ko naman nag taong ‘yon, at nung nakita ko siya, she smirked at me na may halong insulto. Hindi makapaniwala ‘yong iba sa kanila na naglalaro na uli ako, well me, neither.


Tambak kami at hindi pa rin ako pinapalaro ni coach.

“Villarreal, be ready, ipapasok kita sa in na ‘to.” Biglang nagsalita si coach sa tabi ko, I nodded.

Ako ang pumalit sa pitcher namin at habang papunta ako sa mound palakas nang palakas ang kaba ko, narinig ko nanaman ang bulong-bulungan nila.

Nang makarating ako sa gitna, I heaved a deep sigh to calm my system. I roam my eyes around to find her, pero hindi ko siya nakita.

May nahagip ako malapit sa harap ng mga manonood, nakasuot ng isang knight costume, a cute knight costume. May hawak-hawak din siyang isang banner at nakalagay “Go baby dwarf!” Napangiti ako sa loob-loob ko.

“Paano ka manonood?”

“Secret.”

Ang dami naman niyang pakulo, hayst. Pero thankful ako sa kaniya, I didn't expect na gagawin niya ‘yon.

“Wooohhhh, Congrats best team! Especially, Rainiel.” Napangiti ako dahil sa sinabi ng mga ka teammates ko. I didn't get the M.V.P, but at least nakuha ‘yon ni Cassidy, I’m happy for her.

“Congrats sa inyo.” Onse and Cassidy greeted me, I smiled at them. Narinig kong nag ring ang phone ko kaya agad ko kinuha.

“Meet me at the garden.” Agad ako umalis at pumunta sa garden. Nakita ko siya nakasuot pa rin ng costume, dahan-dahan ako lumapit para gulatin sana siya, kaso bigla niya agad nahawakan ang palapulsuhan ko. Agad niya akong hinatak para yakapin.

“Congratulation, mon amour.” Jeez, her french accent.

“Thank you, cookie. Ang cute mo sa suot na ‘yan, pero bakit ganiyan suot mo?” takang tanong ko sa kaniya.

“Ugh, my friends suggested this.” May katarayan na sagot niya. I gave her a peck on the lips, she deserves it hihi.

“Just a kiss?” she pouted, I pinched her nose.

“Engkkk, ako nga dapat ang may reward e, but fine, what do you want?” she smirked at me and leaned closer to my ears, nanlaki naman mga mata ko.

“Alas! Arghhhhh! Ang halay mo!” tumawa siya ng mahina. Grrr.

“Gosh, you’re blushing.” She teased me. Nakakaasar, bakit kayo ganiyan, huhu. Seeing her laughing like this is enough para mawala ang pagod ko sa buong laro.

★★★

Nasa kwarto lang ako at nagpapahinga, hindi ako sumama sa celebration nila, masakit ang katawan ko. Biglang may lumabas na notification at agad kong binuksan.

Alas Frontera changed her profile picture.

Agad ko naman pinindot para tignan, napangiti ako sa nakita ko. It was my picture with her kanina

“My M.V.P” Nakalagay sa caption, grrrr, kinikilig akoshkzjahsjsjjwm. Agad naman ako napasigaw at may narinig akong katok sa pinto.

“Anak, ayos ka lang?” Tanong ni Nanay sa labas.

“O-opo, nanalo lang team ko sa M4 nay!”

Ang ganda niya sa profile samantala ako mukhang basahan na ilang beses na nagamit.

Nakita ko sa screen na tumatawag siya, kaya agad kong sinagot

“Baby, can you go to my house right now? I’ll give your reward.” She sounds drunk.








Brace yourself for the next chapter.

Deceive MeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora