CHAPTER 19

4.1K 111 2
                                    

Hello our lovely Princess,

I know there's a lot of questions in your mind but soon when your old enough you can understand all of these. Dont worry too much to daddy and mommy we're fine and happy here in heaven. Always remember this baby we're always at your side guiding you.

Alam namin ng daddy mo na malalagpasan mo din ito cause you're a strong and brave girl at nandiyan din si Nanay Cecilia sa tabi mo para gabayan at protektahan ka.

I known , baby , you're crying right now . . . please princess , wipe those tears from your eyes. . Dadating din ang araw na may magliligtas sayo at poprotektahan ka. Manalig ka lang kay Papa God hindi ka niya papabayaan cause you're a good girl.
Hanggang dito na lang ang mensahe ni mommy sana mapatawad mo kami ng daddy mo dahil 'di ka namin na protektahan.

We love you our baby princess.

- Love Mommy and Daddy.

Habang binabasa ng batang si MG ang sulat na galing sa kaniyang ina sunod-sunod ang pagdaloy ng kaniyang luha sa kaniyang pisngi. Napayakap siya kay Nanay Cecilia nang matapos niya iyong basahin.

"M-Mommy! Daddy!" Tanging usal ng bata habang umiyak na nakayakap nang mahigpit kay Nanay Cecilia.

Tahimik ang hapag kainan pagkatapos iyon ikwento ni Nanay Cecilia. Walang balak magsalita ang dalawang binata, gulat pa rin sila sa kwento ni Nanay Cecilia, tila parang pinuproseso pa rin ito ng kanilang utak.

Nabasag ang katahimikan ng biglang tumayo ang dalaga. Nakayuko ito kaya 'di nila maaninag ang mukha nito.

"T-tapos na po ako Nanay Cecilia," sabi nito gamit ang mahinang boses at saka mabilis itong naglakad palabas ng dining room. Nagkatinginan naman ang dalawang binata at 'di alam ang susunod nilang gagawin, susundan ba nila ang dalaga o hindi?
"Hayaan niyo muna siya," sabi ni Nanay Cecilia at saka binigyan sila ng isang tipid na ngiti.

Ilang sandali ang lumipas tumayo si Nanay Cecilia. "Oh, siya aalis muna ako mamalengke pa'ko sa bayan baka mamayang hapon pa 'ko makauwi kaya kayo muna bahala kay MG," sabi nito at inumpisahan nangligpitin ang pinagkainan nila.

"Thank you po Nanay Cecilia sa masarap na pagkain," ani ni Zach.

Akmang lilinisin din sana ng dalawang binata ang kanilang pinagkainan ng pinigilan sila ni nanay Cecilia. "Ano ba kayo ako na. Ayain niyo na lang si MG na maligo sa dagat para gumaan ang loob ng batang iyon."

"Sige po Nanay Cecilia," sagot ni Zam.
Tumungo ang dalawang binata sa ikalawang palapag ng bahay dahil nandoon ang kwarto ng dalaga. Nasisiguro silang doon tumungo ang dalaga pagkatapos nitong umalis.

MARIA GABRIEL FAYE

Habang nagkukuwento kanina si Nanay Cecilia 'di ko mapigilang ang emosyon na nararamdaman ko, sobrang bigat. Pinigilan ko lang na 'wag umiyak sa harap nila kuya Zam at kuya Zach.

Ayokong makita nila akong umiiyak.
Nang matapos na ang pagkukuwento ni Nanay Cecilia 'di ko na napigilan ang luha ko na tumulo. Kaya agad akong tumayo habang nakayuko para 'di nila makita ang luha kong dumadaloy sa pisngi. Ayoko rin iyong punasan dahil baka mahalata nila na umiiyak ako.

Dahil sa pagkuwento ni Nanay Cecilia naalala ko bigla ang sulat na ibinigay sa'kin ni mommy.

Kabisadong-kabisado ko pa ang bawat detalye na nakasulat doon, dahil palagi ko 'yong binabasa 'pag namimiss ko sila.

Napatulala ako sa asul na kalangitan habang sunod-sunod na tumutulo ang masagana kong luha.

Nandito ako ngayon sa paborito kong tambayan. Dito sa malaking puno. Pagkatapos kong umalis sa hapag kainan dito agad ako tumungo para pakalmahin ang sarili ko.

Ilang minuto ang lumipas huminga ako nang malalim at gumuhit ang isang ngiti sa aking labi. "Sobrang ganda ng panahon ngayon." Hindi masakit sa balat ang sinag ng araw kaya napagdesisyunan kong maligo sa dagat.

Inumpisahan ko ng hubarin ang damit ko at wala akong iniwang kahit anong saplot, 'di kasi ako komportableng maligo 'pag may suot na damit. Mas gusto kong nakahubad dahil magaan sa pakiramdam. Tumiyad ako para ilagay sa sanga ng puno ang damit ko dahil baka abutin ito ng alon.
Pagkatapos kong ilagay ang damit ko sa sanga ng puno at sa tingin ko 'di na ito malalaglag agad na akong tumakbo papunta sa dagat at lumusob na tubig. "Ang sarap!" napasigaw ako sa tuwa dahil hindi malamig ang tubig. Ang sarap magbabad. Napapikit ako ng mata at tumingala sa kalangitan.

ZACHARIAS DAVE

PAGKATAPOS ikwento iyon ni Nanay Cecilia. I was shock, dahil matagal na pala silang nakatira sa isla, kung nalaman ko lang sana agad ang tungkol sa islang ito edi sana matagal na naming nakikilala si Angel. Sana matagal na naming siyang naialis sa islang ito. When she suddenly left the dining room I wanted to follow and comfort her. I know she went through a lot and I'm very proud of her dahil nakayanan niya 'yon lahat lagpasan.

Pagkarating namin sa kwarto ni Angel wala kaming nadatnan. Gano'n pa rin ang itsura ng kwarto ni Angel magulo ang kumot at unan dahil 'di namin iyon inayos kanina dahil dumiretso na kami agad sa hapag kainan.

'Fuck! Where are you, baby?' nag-aalalang ani ko sa isip. Naghiwalay kami ni Zam para mas madali naming mahanap si Angel. Nakaalis na si Nanay Cecilia pero 'di pa rin namin nahahanap si Angel.

"I think I know where she went," rinig kong sabi ni Zam nang magtagpo kami.

"Where?"

"Her favorite spot." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Saan naman kaya 'yon?

"Let's go," aya niya at saka umunang naglakad. Sumunod na lang ako at 'di na nagtanong.

Ilang minuto na kaming naglalakad at parang pamilyar ang dinadaanan namin. Napakunot ako nang noo nang makita ang malaking puno na 'yon.  Wait. . . parang pamilyar ang puno na 'yon ah, saan ko ba nakita 'yon?

Naaalala ko na!

Now I know kung ano ang tinutukoy ni Zam na paboritong lugar ni Angel dito sa isla. I think ang punong iyan ang paborito niyang tambayan dahil diyan ko siya nakita kahapon na natutulog. And I was right dahil dito nga kami huminto sa puno.

"Where's Angel?" frustrated na usal ni Zam dahil siguro sa pag-aalala niya kay Angel, pati man ako nag-aalala din kung nasaan siya.

"Kuya Zam! Kuya Zach!" rinig naming sigaw ng isang boses ng babae. . . wait is that Angel?

Sabay kaming napalingon Zam sa dagat kung saan nagmumula ang boses and there we saw her swimming. Malawak ang ngiti niya sa labi habang kumakaway ang kanang kamay nito.

"Kuya Zam! Kuya Zach! Samahan niyo po akong maligo, ang sarap po ng tubig!" masayang sigaw niya.

I can't help it, but to smile, she's so cute. 'Di na ako nagdalawang isip pa at hinubad ko na ang suot kong t-shirt at tumakbo papunta sa dagat sumunod din naman agad si Zam at hinubad din ang kaniyang damit tanging board short na lang ang suot namin.

"Dito po tayo sa malalim," tawag niya samin. Sabay naman kaming lumangoy ni Zam palapit sa kaniya.


Mafias' Innocent Angel (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now