27: She Can't Know

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alam mo baby gutom lang yan, halika para makapagbreakfast ka" hinila niya ako papunta sa restaurant.

We went to the resort's souvenir shop after kumain. Maraming pinamili si Dianne na pasalubong para kay Avie at sa ilang officemates niya.

She didn't have to pay dahil compliments nalang daw yun ng manager ng resort. Sus! Type lang kamo ng manager si Dianne. Abot tenga kasi ang ngiti ng manager habang nagtatanong si Dianne tungkol sa resort.

Ang ganda ganda naman kasi ng girlfriend ko at nagkataong naturally blooming siya. She called Avie agad para sabihin yung tungkol sa mga pasalubong niya.

"Baby ako na magdadala" I took the paperbags from her.

"Baby parang may iba sayo ngayon" natigilan ako sa sabi niya. Halata bako? Hindi naman ah?

"Ano baby?" I asked her.

"Parang ambait mo ata, ikaw ha? May kasalanan ka noh?" she smugged at me.

"Ha? Baby wala" I defended myself.

"Suuuus! Then why're you unusually nice?" she asked again.

"Kasi po deserve ng maganda kong girlfriend ang VIP treatment" I hugged and kissed her.

Hindi siya nagsalita. She just stared and smiled at me. "Alam mo kanina ko pa iniintay na sabihin mong joke lang yan" sabi niya

"Baby hindi nga kasi ako nagjo-joke" ang sakit sa ulo ni Dianne.

"Sige na sige na" hinila niya yung kamay ko.

Umakbay ako kay Dianne. Ingat na ingat ako sa kanya. May times na nagtataka na siya sa kinikilos ko pero hindi nalang niya pinupuna.

We went home nung hapon. Mag-gagabi na nung dumating kami sa bahay.

"Mommy!!!!" malayo palang si Avie rinig na yung pagtawag niya kay Dianne. Tumatakbo siya palapit samin.

Wah! Baka mabangga niya yung isa pang baby pagsalubong niya kay Dianne dahil sure akong bubuhatin siya.

"Baby!" I caught her bago pa siya makalapit kay Dianne. "Baby hindi mo namiss si daddy?" I hugged Avie.

"Namiss din po" she giggled and kissed my cheek. Alam kong nagtaka si Dianne pero again hindi nalang siya nagsalita.

"Baby halika madaming pasalubong sayo si mommy" she held Avie's hand nung binaba ko si Avie at pumunta sila sa room.

Paakyat na sana ako ng kwarto nung nakasalubong ko yung mommy ni Dianne. "Dave! Kamusta?" alam ko na ang itatanong ng mommy ni Dianne, she wants updates in 3D and vivid colors tungkol sa baby.

"Mommy ano po eh.. Ahm---" hindi ko alam kung dapat ko nang i-report yung tungkol sa nalaman ko.

"Mommy we need to talk" sabi ni Dianne na nasa taas na sa likod ng mommy niya.

Stairs!!! Nako ang baby ko! Baka mahulog!!! Nasa hagdan pa ako, nagmadali akong paakyat at ipaurong si Dianne palayo sa hagdan.

"Baby bakit?" nagtataka si Dianne kung bakit ako nagmadaling umakyat at pinaurong siya.

"Wala baby na-excite lang ako nung nakita kita" Whew! Kinabahan ako dun.

"Dianne ano ba yung paguusapan natin? Buntis ka na ba?" natigilan ako.

Buntis...

Buntis...

Buntis...

Nag-echo sa ulo ko yung sabi ng mommy ni Dianne. Pang aatakihin ako sa puso dahil sa alam ko na hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon