27: She Can't Know

Start from the beginning
                                    

Hindi tinanggap ni Dianne yung water. "Baby bakit?" I asked.

"Baby I don't drink cold water remember?" dismayadong sabi niya.

"Oh sorry" nagmadali akong bumalik sa pantry. Sinalin ko yung water sa baso at hinaluan ng hotwater saka ako bumalik kay Dianne.

"Thank you baby, ambait mo talaga" sabi niya at saka yumakap sakin after ko ilagay sa night stand yung baso.

Sa wakas tinamaan din ako ng antok dahil hindi na nanunundot yung konsensha ko 30 mins later.

Alam kong umaga na, may sikat na ng araw galing sa bintana. Masakit ang mata ko sa puyat. Nakainom pa ako kagabi. Sheesh nakainom din pala si Dianne ng beer kagabi. Pero wala naman sigurong epekto yun, sa takaw ba naman ni Dianne sa tubig nawash out agad yun for sure.

Tumagilid ako. Ang sarap sarap matulog at nakakatamad bumangon. I extended my arm para yumakap kay Dianne.

zzz.. 

zzz.. 

zzzzzz..

???

!!!!!

Nasaan si Dianne?!!! 

Bigla akong bumalikwas.

"Baby?! Sh*t! Baby?!" Inangat ko yung kumot, wala na pala akong katabi.

Baka nasa pantry.

I ran papunta sa pantry.

Wala.

Sa bathroom.

Wala.

Napamura ako. Hindi siya pwedeng mawala sa paningin ko dahil kahit anong maling tumba niya, stress o kung ano mang mangyari sa kanya baka mapahamak ang baby namin.

Lumabas ako, maraming bumabati sakin pero wala akong pakialam, kailangang makita ko si Dianne.

Napagawi ako sa beach, I found her. 

Takte! Naglalaro siya ng beach volleyball!

No no no no nooooooooo!!!!!! I ran papunta sa kanila.

"O baby gising ka na pala, sorry hindi na kita inabala feeling ko kasi----" I hugged her. Nagtinginan samin yung mga kalaro niya. Nasa kalagitnaan kasi ng laro pero umeksena ako.

"Baby don't ever do that again" sabi ko habang yakap siya.

"Do what?" she asked.

"Don't leave me alone like that" sabi ko.

"Ha? Bakit may multo sa cottage natin kaya takot na takot ka?" she smiled.

"Wala baby, I just don't want you goin away like that" I smiled at her.

Saka naman kami nakarinig ng malakas na 'Ayiieeeee' galing sa mga employees ko na nanunuod pala samin. 

 "Ladies pahiram muna sa asawa ko" sabi ko sa mga kalaro niya, may nag substitute naman kaya tuloy parin yung laro nila. Nagaalangan pa si Dianne, hindi siguro siya comfortable sa idea ng bigla kong pag sulpot.

"Baby bakit? I just went out tapos inaya akong makipaglaro dahil kulang pa sila kanina. Tingnan mo nga sarili mo mukhang may hang-over ka" inayos pa niya yung buhok ko. I held her hand.

"Baby ayokong mawawala ka sa paningin ko, mas importante ka pa sa kahit anong bagay sa mundo bukod siyempre kay Avie" sabi ko. Seryoso ako, at siya naman ang naka ngiti.

"Baby binagungot ka ba? Gising gising din" tinapik tapik pa niya yung pisngi ko.

"Baby I'm serious" I let out a frustrated sigh. Ang hirap kay Dianne eh Minsan kahit seryoso ka jino-joke ka niya.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now