14

716 33 11
                                    

"Wow I can see your ass all the way from here." 

Natawa ako sa sinabi ni Leo habang naglalakad kami sa hallway patungo sa elevator. The girls and I were walking alongside each other while he followed us, takot na baka makita pa siya ng mga boys na nakalingkis ang kamay sa isa sa amin. We find it quite amusing though---na kung paanong hanggang ngayon ay hindi pa rin nila na gegets kung ano talaga si Leo. 

"Huwag mong tignan kung naiinggit ka," saad ni Demi, looking back at Leo. "Sabi nga nila, kung inggit, pikit," she adds, sticking her tongue out. 

Napatawa nalang ako, shaking my head. Paano ba naman kasi, instead of the beige dress she had Leo choose a while ago, Demi eventually opted for an extra sheer cover-up, with her red bikini underneath. Emphasis on the extra ha, because the white fabric wasn't covering anything up at all, lalo na't halos wala ring natatabunan ang microkini niya.

"It doesn't matter. Maliligo pa rin naman tayo sa dagat, so makikita at makikita pa rin 'to ng lahat," katwiran niya nang sinita namin siya to at least cover up for lunch. 

But then again, she's not wrong. Nasa beach din kasi kami, so I personally think there's nothing wrong about it. Plus, she can wear whatever she wants to wear. 

Ada chose to wear a pair of maong shorts and a fitted shirt. Ako naman, I opted to just wear my white bikini top with white flowy culottes. 

"Please, hindi ako naiinggit. Muhi, poot, at dalamhati ang nararamdaman ko."

We all laugh at that, our laughter bouncing off the walls as we make a turn to the direction of the elevator. Unti unti ring humupa ang tawanan namin ng namataan namin ang mga kasamang lalaki na naghihintay sa amin. 

"Akala ko nauna na sila," si Ada. I thought so too, I didn't think they would actually wait for us here. Medyo natagalan pa naman kami, at alam kong gutom na itong si Enzo. Bigla tuloy akong nakaramdan ng guilt. 

Halos sabay ang tatlong lalaki na humarap sa amin, all of them looking fresh and dashing in their laidback casual beach outfits. Enzo is wearing a complete contrast to his perfectly fit uniform a while ago. He's now wearing a loose white button-up, three buttons down, with sleeves, folded to his elbows paired with gray shorts. 

Habang papalapit kami, I just know his eyes are on me. I can just feel it. At lalo lang itong nakumpirma ng tanggalin niya and suot na sunglasses, as if trying to get a good look at me. His hazel eyes are boring into mine, seemingly looking slightly darker, nakasalubong na naman ang kilay. 

"Wow nagdamit ka pa," ani ni Ivan, nakakunot din ang noo habang nakatingin kay Demi. "Parang mas may matatabunan pa kung nagtapis ka nalang ng tuwalya, sino ba ang pinapasikatan mo?"

"Definitely not you," Demi rolls her eyes. 

I chuckle when the two start bickering with each other. I playfully eye Enzo, pero seryoso pa rin itong nakatitig sa akin habang papalapit ako sa kanya. Siguro ay gutom na talaga 'to. 

"Are you hungry na? Sorry we took a while," I say as soon as I reach him. Nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin, from my eyes down to my toes and then back up. Isang buntong hininga ang ginawad nito bago abutin ang hawak kong beach bag. 

Nang bumukas ang elevator ay bahagya na itong puno dahil may mga naunang nakasakay na galing sa mas mataas na floors kaya nauna nalang ang lima naming kasama. Kumaway ako sa kanila bago nagsara ang mga pintuan. 

"Don't you have a shirt or something?" Enzo asks as soon as we were left alone. 

"Why? Pangit ba? Should I change?" I look down at what I'm wearing. 

After the Twilight (Iska Series #1)Where stories live. Discover now