03

1.1K 40 14
                                    

The loud sound of the ringing doorbell fills the silence of the morning, bouncing against the walls, and hammering into my head like heavy wrecking balls. Pinikit ko ng mas mahigpit ang mga mata ko sa sakit ng ulo na lalo lang sumasakit sa lakas ng tunog ng doorbell. Everything feels so heightened, kahit konting tunog lang ay parang pinupukpok na ang ulo ko sa sakit. A small whine escapes from me as I pull the covers over my head, pressing my head further against the pillow. 

"Ang ingay! Buksan mo na kasi!" 

Parang mabibiyak ang utak ko sa lakas ng boses ni Demi and I groan when she shoves my legs, trying to push me off the bed that we are sharing. 

Sa condo ko kami umuwi kagabi from the bar dahil ito ang mas malapit at mas madaling mapuntahan. Sarado na rin naman ang dorm ni Ada dahil lampas curfew na at ayaw rin ni Demi na umuwi sa bahay nilang lasing. Kaya heto, nagsisiksikan kaming tatlo sa kama ko. 

"Why me?" Reklamo ko, umuusog pabalik para hindi mahulog sa kama. I'm positioned by the edge kasi, while Demi is sprawled over the space by my feet. Hindi naman kami magsisiksikan kung hindi lang pahalang na natutulog si Ada sa tabi ko, her feet against my back. Natatakot nga ako na baka bigla akong sipain nito. 

"Kasi bahay mo 'to, gaga," sambit ni Demi, voice muffled as she buries her face against the mattress. 

"So? Ano naman ngayon? Ikaw nalang magbukas, tutal mas malapit ka sa pintuan."

"Ayoko, antok pa ako."

I almost wanted to roll my eyes kahit na nakapikit pa ako. "Antok rin ako."

Nang tumahimik na kami ni Demi ay siya namang paglakas lalo ng katok sa pinto kasabay ng doorbell. Pakiramdam ko sasabog na ang bungo ko. I can't believe hangovers can get this painful. 

"Ang ingay!" Ungol ni Ada. "Buksan mo na kasi, Ces!"

I whine at that. Ayaw ko pa talagang tumayo. At ayaw ko ring buksan ang mga mata ko, pakiramdam ko masusunog ito sa liwanag ng araw. Nang naramdaman kong tinutulak na ako ni Ada gamit ang mga paa niya ay muli akong humikbi bago sinisipa-sipa ang mga paa na agad ding nireklamo ni Demi. 

"Ang papangit niyo," saad ko ng napilitang bumangon. 

"Wala namang personalan," sagot ni Demi, burying her face flat on the pillow.

"Gosh, ang liwanag," sambit ko ng buksan ang mga mata. Pakiramdam ko tuloy parang umiilaw ang buong kwarto ko, lalo na't puti ang pintura ng mga dingidng ko. Para akong nasisilaw habang tumatayo. 

Binalingan ko ang mga kaibigan kong naiwan sa kama, komportableng bumabalik sa pagtulog. Ang bilis pang nakalipat ni Demi sa dati kong pwesto, yakap yakap ang unan ko. 

Ang sarap buhusan ng malamig na tubig. 

Scratching the back of my head, padabog akong naglakad palabas ng kwarto ko at patungo sa pintuan ng condo. Parang mas lumalakas ang tunog ng doorbell habang papalapit ako at mas lalo lang sumasakit ang ulo ko. 

I groan when I see who was at the other side of the door nang tinanaw ko ang labas gamit ang peephole ng pintuan. 

I release another groan as I open the door, staring blankly at the man in front of me. "Ang aga-aga, nagiingay ka," sambit ko, glaring at him as I close the door after he invites himself in. 

"Anong ang aga? Hapon na hoy," maarte niyang saad habang naglalakad patungo sa kusina ko. Napapikit ako habang sinusundan ko siya, parang nasisilaw sa suot niyang kulay neon pink. 

"Nasaan na ang dalawang bruha?" saad niya kasabay ng paglapag ng paper bag sa counter ng kusina. Hindi pa man ako nakakasagot ay nagtungo na siya papunta sa kwarto, kumekembot habang nasa bewang ang mga kamay. 

After the Twilight (Iska Series #1)Where stories live. Discover now