09

1K 48 20
                                    

"Ow!" Napadaing ako nang bigla akong hampasin ni Demi sa braso. Hahampasin pa niya sana ako muli ng humarang si Enzo, shielding me from behind him as he looks at Demi with confusion and curiosity na para bang nagtataka ito kung bakit ako sinasaktan ng best friend ko. 

"Hey, hey, okay no need to get physical," Enzo mutters. 

I almost scoffed. Coming from a guy na muntik ng nakipag basag ulo kanina. 

Demi just let out a theatrical gasp, covering her mouth with her palms. 

Slowly, she backs away, pointing a finger at Enzo and I. 

"Hoy! Mga taksil," she says, very dramatically at that. "How? When? Paano? Kailan?" 

"Ito na nga ba ang sinasabi ko!" Leo exclaims, hands on his waist. "Sabi ko na nga ba, text talaga ng gwapo ang nasa likod ng ngiting aso mo tuwing lunch." 

"Halika dito, haliparot ka!" Leo grabs my hand at hinila ako. 

"Excuse me?" Kumunot ang noo ni Enzo pero wala na siyang magawa dahil hinila na rin ni Demi and isa kong kamay. Leo wrapped an arm around my waist, na para bang pinipigilan akong tumakas habang hinihila nila ako papunta sa table kung saan nakatayo na si Ada sa kinauupuan. 

When I glance back at Leo behind me, nakita ko siyang nakatingin lang sa akin, brows furrowed na para bang nagagalit habang ang mga kamay ay nasa bewang. His attention is fixed on me kahit na nilapitan na siya ng isa sa mga kasama niya. 

"Gaga ka, hindi ka nagkukwento ha!" singhal ni Demi sa akin, nudging my arm. Her brows are furrowed as she pouts at me. Napadaing nalang ako ulit ng kurutin ni Leo ang tagiliran ko. 

"I knew it! I knew something was going on with you. Malandi ka! Ikaw ha," Leo gave me a look, nanunuya. "Marunong ka pumili ng gwapo ha. Hindi mo ba sinasabi sa amin dahil takot kang agawin ko?"

I let out an amused scoff at that, slightly hitting his chest. 

"Ces," Ada approaches us, bakas pa ang gulat sa mukha, "boyfriend mo?" she says, slowly eyeing Enzo from behind us. 

I bite the inside of my cheek. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoong estado ng relasyon namin ni Enzo o aaminin ko nalang para tapos na. 

"Bakit hindi ka nagkwento?" patampong pagsabi ni Ada, gently hitting my arm. 

"Kaya nga, nakakatampo ka ha," Demi seconds. "Wait," she grabs my shoulder, "kayo na ba  noong nagkita tayo sa oval noong nakaraan?"

I didn't know what to tell her, so I just nodded. She let out a dramatic gasp and covers her mouth. 

"Hoy gaga, todo push ko pa naman kayo noon. Nakakahiya, gosh! Kailan pa naging kayo? Did you already know each other before I introduced you two? Paano? How did you meet?" 

Parang sumasakit ang ulo ko sa mga tanong ni Demi dahil wala akong maisagot. I don't have concrete answers for her. If I was going to ride on this wave na may relasyon talaga kami ni Enzo, I need to talk to him about a solid story on how we got together. I hate lying, to my bestfriends most specifically, but I also don't want to tell them the truth behind it. Nakakahiya.

I let out a heavy breath. 

"Fine," I say, giving each one of them a look, "I'll tell you everything, but not now, okay?" I still need to talk to Enzo. "It's Leo's birthday party, and we're here to celebrate, right? This night is not about me." 

Pinanliitan lang ako ng mata ni Demi at Leo, pero kalaunan ay bumuntong hininga nalang ang dalawa. Tinitigan pa rin ako ni Ada na para bang hindi pa rin sumisink in sa kanya ang mga impormasyong nakalap, kaya nginitian ko nalang siya at hinawakan ang kamay. 

After the Twilight (Iska Series #1)On viuen les histories. Descobreix ara