"I am proud of you anak! Hindi ako makapaniwala na may soft spot ka rin pala para sa mga less fortunate." Tumayo si Anna at mangiyak ngiyak pang niyakap ng mahigpit ang panganay.

"See mom? Maski ikaw hindi makapaniwala na gagawin ko ito." Tumawa siya habang nakakapit sa braso ng ina.

"Oh shut up hija!" Napahalakhak ang kanyang ina.

"Thank you so much ate Den! This ones greatly appreciated. Sure, marami pa akong kailangang kausapin about sa proposal mo, but ngayon palang nagpapasalamat na ako sa iyo ate! Napakalaking bagay nito para sa organisation." Lumapit narin si Bea at nakisali sa yakapang nagaganap.

Hindi man verbally maisatinig ng padre de pamilya pero base sa matamis nitong pagngiti. Ito man ay sobrang proud sa kanyang panganay!

**********

Isang linggo ang matuling lumipas.

Naipaabot na ni Beatriz sa mga kasamahan pati narin sa nakatataas ang proposal ng kapatid. As expected positive ang naging response ng mga ito.

Wala ng sinayang na panahon si Bea, she ordered for the immegiate delivery of the construction materials. Kinausap din niya si Master Sergeant Malonzo tungkol sa inalok nitong tulong with regards sa pagtransport ng mga materials.

Regular din ang ginawang pakikipag-usap ni Beatriz kay teacher Alma.

Ngunit ng dahil sa paiba ibang timpla ng panahon, ilang aberya ang hindi naiwasang mangyari. Isa na doon ay ang pahirapang pagtransport ng mga materyales. Mapa himpapawid, dagat or lupa man medyo hirap sa aspetong iyon.

Ngunit sa awa ng Diyos at sa pagtutulungan ng lahat, matapos nga ang ilang araw ng pagsama ng panahon, nagawa ng maihatid sa kumunidad ang unang batch ng mga construction materials.

Nagvolunteer din sila kuya Nono at Rudy na tulungan si teacher Alma sa pagsupervised sa construction ng project.

That was a welcome development para kay Bea. Alam niya kasing kung mag-isa lang si teacher Alma sa pamamahala ng proyekto, paniguradong mahihirapan ito. Hindi sa wala siyang bilib o tiwala sa guro pero, aminado si Bea na mahihirapan itong pagsabayin ang pagganap sa tungkulin nito bilang isang guro at ang pamamahala sa konstruksiyon ng proyekto!

Naisip narin nga niyang ayain sila Russ at Richard na bumalik ng Sarangani para tulungan ang guro. Mabuti nalang at nagkusang loob sila kuya Nono.

Alas syete ng gabi araw ng Biernes, nang biglaang magring ang cellphone ni Bea.

Mabilis niya itong dinampot saka itinapat sa sariling tenga.

"Hello Bei, good evening. How are you? If you are not busy pwede ba kitang imbitahin tonight?" Came the voice from the other side.

"Oh hi ate. I'm doing fine. Where are you? Nasa condo kaba? Kasama mo ba si ate Alyssa?" Nang makilala ang tinig ay agad niya itong pinaulanan ng sunod-sunod na tanong.

"Are you free tonight?" Hindi na siya nagulat ng dedmahin nito ang kanyang mga katanungan.

"Katatapos ko lang makipag-usap kay kuya Nono. Wala narin akong gagawin. Ano bang meron ate ha?" Katatapos nga lang talaga nilang mag-usap ni Nono ng mga sandaling iyon.

"Dom called earlier. Gusto niya akong makausap. Samahan moko Bei." Sa mahina at nakikiusap na tono ay wika ng kanyang kapatid.

"Nakauwi na pala sila ng husband niya? What time usapan niyo?"

"Mag-isa lang siyang umuwi, naiwan si Alvin, work related daw sabi ng gaga." Medyo napataas ang kilay doon ni Den.

"Work related my ass ate. Takot lang talaga yun madamay. Palusot pa siya." Pati si Beatriz hindi kinagat ang alibi ni Dominic.

Masked, UnmaskedOnde histórias criam vida. Descubra agora