thirteen | pitch-black

1.3K 95 90
                                    

kagabi ko sana 'to upload, hindi na umabot huhu, belated merry christmas, everyone!!!

kagabi ko sana 'to upload, hindi na umabot huhu, belated merry christmas, everyone!!!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I was once again bombarded with questions when I get back. Inusisa nila kung bakit ako natagalan, kung anong nangyari at ganito ang itsura ko, at kung ano-ano pa. But like the other times, I just smoothly lied to them.

"We'll leave in a few," saad ko matapos sagutin ang mga tanong nila. "Get yourselves ready."

Hindi na ako nag-abalang tingnan pa isa-isa ang reaksyon nila. Dumiretso ako kay Callie at binigay ang isang pares ng sapatos sa kanya. May dumaan pang gulat sa maamong mukha nito bago tanggapin 'yon at nagpasalamat.

Tumango lamang ako at si Lily na ang pinuntahan. Nakaupo ito sa sahig, yakap ang mga tuhod habang pinapanood ang bawat kilos ko. I knelt down in front of her, my gaze fixed on her bare feet.

Nilabas ko ang isa pang pares ng sapatos mula sa dala kong plastic bag. Nilagay ko rin muna ang hawak na metal baseball bat sa gilid ko. Saka ko muling pinagmasdan ang mga paa niya.

Dahil sa maputing balat ay kitang-kita ang pinaghalong dumi at tuyong dugo roon. Her ankles were red and swollen too. She probably got that when she ran using the skating boots last night.

Napahinga ako ng malalim. Marahan kong sinuot ang sapatos sa kanya. And after ensuring that she's good to go, nag-angat na ako ng tingin at matamang pinakatitigan siya.

"You look exhausted, Ate." bulong nito.

I slightly shook my head and gave her a small smile. "I'm fine, Lily."

She just stared back at me. The sullen expression on her face became more evident, but she didn't say anything. Inignora ko na lang 'yon at inabot ang kamay niya.

"Come on." I said, pulling her up with me while my other hand was holding the metal baseball bat.

I found the others huddled near the door of the comfort room. Lumapit na rin kami doon. Naabutan ko si Ingrid na sinasalat ang leeg ni Reese.

Kumunot ang noo ko. "What's wrong?"

"I think the kids are going to get sick..." sagot ni Ingrid at nilingon ako. "Reese and Bianca, both of them."

Agad akong napatingin kay Reese. Malamlam ang mga mata nito at halatang matamlay. But despite that, nagawa pa ako nitong ngitian.

Binitawan ko muna si Lily at sinalat na rin ang leeg ni Reese. I expected her skin to be feverish, but... it was icy-cold. Bumaba pa ang palad ko sa mga braso nito para makasiguro pero gano'n pa rin talaga.

Ginawa ko rin 'yon sa katabi nitong batang sinagip ni Maya. Ang tinawag ni Ingrid na Bianca. At lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang maramdamang parehas lang sila ni Reese ng temperatura.

"Their body temperature is lower than normal... pero no'ng tinanong ko sila kung nilalamig sila, hindi naman daw..." rinig kong komento ni Ingrid. "Weird." dagdag pa nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

F*ck, I'm Infected?!Where stories live. Discover now