three | group of misfits

657 58 40
                                    

Ramdam ko ang kaba ng bawat isa habang nakatitig kami sa pinto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ramdam ko ang kaba ng bawat isa habang nakatitig kami sa pinto. Patuloy pa rin ang pag-kalampag doon. Hindi nga lang namin alam kung tao pa ba ang gumagawa no'n.

"Tulong! May tao ba sa loob? Please, tulungan niyo kami! Please! Tulungan niyo kami! Tulong!"

Natigilan kaming lahat sa mga sigaw na 'yon. The voice sounded like a girl—desperate, crying, and almost begging. Nasundan pa 'yon ng dalawa pang magkaibang boses ng lalaki.

My shoulders relaxed a bit. Gano'n din ang mga kasama ko. We looked at each other and shared a knowing glance—they're not zombies, or at least, not yet.

They might sound like normal people but we can't just let our guard down.

Hindi pa namin alam ang totoong kalagayan nila. Paano kung may kagat pala ang isa sa kanila? Or worse, paano kung hinahabol sila ng mga infected at dinala nila ang mga 'yon dito?

Nagtagis ang bagang ko sa isiping 'yon. Agad akong naglakad patungo kay Lily. Hinawakan ko ang braso niya at pinapasok siya sa isa sa mga cubicle.

"Lock the door, and whatever happens, stay here." I sternly said.

Her lips quivered as if wanting to say something. Pero sa huli ay hindi niya ito itinuloy. She just meekly nodded and followed what I instructed.

"Dude, anong gagawin mo?" rinig kong tanong ni Stefan.

Napalingon ako sa kanila, nakatayo na sila malapit sa pinto. Stefan was holding Russell's arm, probably stopping him from doing something. Nilipat ko ang tingin kay Sab na hawak na ngayon ang kapatid ni Russell, sinenyasan ko siyang pumasok na rin sa isa sa mga cubicle kasama ang bata. Marahan itong tumango at ginawa ang utos ko. Saka ko pinuntahan ang dalawang lalaki. Maya and Ingrid tailing behind me.

"They need help, Stefan." kalmado ngunit may diing sagot ni Russell.

"Papapasukin mo sila? Nababaliw ka na ba? What if they're bitten?!" gigil na balik ni Stefan. His eyes blazing with frustration. I even saw the veins on his neck protruding.

"May naririnig akong boses sa loob!"

"Tulong! Please! Tulungan niyo kami!"

"Parang awa niyo na, papasukin niyo kami!"

Muli kaming napatitig sa pinto. Mas lalong lumakas ang mga kalabog. Sinamahan pa 'yon ng paulit-ulit na pagsigaw.

Humakbang si Maya para siguro pagbuksan ang mga ito pero mabilis siyang pinigilan ni Stefan.

"Masyadong delikado kung papapasukin natin sila!" giit nito.

"Gago ka ba? Gusto mong hayaan natin sila sa labas—"

"Yes!" Stefan replied without hesitation.

"Gago ka nga!" Maya shook her head and tried to push Stefan, pero hindi ito nagpatinag, hinarang niya pa ang buong katawan niya sa harap ng pinto.

F*ck, I'm Infected?!Where stories live. Discover now