twelve | escape plan

583 59 22
                                    

kanino bang story 'to ba't super bagal ng update??! ksbsjsjsk sorry guys (if may nagti-tiyaga/naghihintay pa sa story na 'to) ang busy ng life 😭

kanino bang story 'to ba't super bagal ng update??! ksbsjsjsk sorry guys (if may nagti-tiyaga/naghihintay pa sa story na 'to) ang busy ng life 😭

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"So... in simple terms, humanity is on the brink of extinction while those flesh-eating monsters are gradually dominating the entire... world?" Stefan warily asked, breaking the silence around us. There's a grim look on his face while staring directly at me. It was as if he's waiting for me to confirm what he just said.

"Yes," I replied.

Saglit pa itong napatitig sa akin bago nag-iwas ng tingin. He muttered something under his breath pero hindi ko na 'yon narinig. Hinayaan ko na lang siya at kumuha na lamang ng panibagong bote ng tubig saka isang bag ng chips sa mga supplies na nasa gitna.

Kulang pa ang ininom ko kanina, nauuhaw pa rin ako... at nagugutom.

I've been talking and running since earlier. Wala pa rin akong kain mula kahapon. Kaya siguro matindi na ang nararamdaman kong pagkauhaw at pagkagutom.

"Putangina ng gobyerno, inabandona lang talaga tayo." puno ng poot na komento naman ni Maya.

Matapos niyang sabihin 'yon ay nagpatuloy na ito sa pagsubo ng kinakain niya. She also helped feed the kid she saved. Habang ang iba ay tahimik at malalalim pa rin ang mga iniisip.

"Kagabi pa 'yong reports na nakuha ng mga sundalo... magta-tanghali na, b-baka mas marami na ang cases ng infection ngayon." mahinang pahayag ni Sab, mababakas sa boses nito ang takot.

Tumango ako. "We have to assume that the casualty keeps on increasing every hour... or even by a minute."

Mas lalo itong namutla sa naging sagot ko. Pinagkibit-balikat ko na lang 'yon at nagsimula ng kumain. I glanced at Lily and told her to eat too. Bottled water lang ang kinuha nito na hindi niya rin naman binuksan at nilapag lang sa tapat niya. She seemed so occupied with her thoughts. Ni hindi niya pinuna ang pagtagal ng titig ko sa kanya.

"How can this happen in just a day? This is... this is too much. It doesn't make sense."

My gaze instantly averted from Lily to Ingrid. She's really using her head. Katulad ko, nagtataka rin ito kung papaanong naging ganito kabilis ang pagkalat ng virus.

I sighed and decided to tell her my ridiculous theory. "There's probably a lot of patient zero."

Nabaling ang atensyon nilang lahat sa akin. Nakita ko ang bahagyang pag-awang ng bibig ni Ingrid, mukhang naintindihan agad nito ang sinabi ko. The others looked confused, so I ended up explaining everything to them.

"Kung gano'n, posibleng naging accessible nga ang source ng virus sa publiko..." tumatangong sambit ni Ingrid pagkatapos kong magpaliwanag. "What could it be?" halos bulong nito sa sarili.

Ilang sandali siyang natahimik bago muling nagsalita, deretso itong tumingin sa akin.

"Your family owns the Trevilla Pharmaceutical..." she trailed.

F*ck, I'm Infected?!Where stories live. Discover now