CHAPTER 23

67 3 0
                                    

"Ah grabe, nabusog ako doon, ah." Saad ko habang hinihimas ang tiyan ko. Katatapos lamang namin kasing kumain sa isang seafood restaurant na malapit dito sa condominium namin. Hindi nga dapat kami doon kakain dahil masyadong mahal, pero masyadong mapilit itong si Benjamin at gusto n'ya na doon daw kami kakain, s'ya naman daw kasi ang magbabayad ng magagastos namin kaya huwag na akong mamoblema, kaya wala na akong nagawa pa.

"Pa'no ka hindi mabubusog kung pati pagkain ko sinimot mo?"

Napahinto ako sa paglalakad ko at ganoon na rin sa paghihimas-himas ng tiyan ko nang marinig ang mahinang bulong na 'yon ni Benjamin. Kaagad ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay.

"Ano?" Nagtatakang tanong ni Benjamin nang maramdaman na nakatitig ako sa kan'ya. Napahinto na rin s'ya sa paglalakad.

"Anong sabi mo?" Kunot noong tanong ko sa kan'ya habang ang mga mata ay parang nanghahamon.

"Anong sinabi ko?" Nagmamaang-maangan n'yang tanong sabay turo sa sarili n'ya. Hindi s'ya natinag sa titig ko sa kan'ya.

Kaagad akong napangisi ng hilaw dahil sa ekpresyon na ipinapakita ng mukha n'ya. Umaakto s'ya na para bang wala s'yang sinabi kanina. Na para bang wala s'yang binubulong-bulong kanina.

"Hmmp!" Inirapan ko na lamang si Benjamin at kinuha sa kamay n'ya ang plastic na dala-dala n'ya at pagkatapos no'n ay tinalikuran ko na s'ya. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad habang ang noo ay nakakunot.

Hindi ko naman talaga gusto o sinadya na ubusin 'yong pagkain n'ya sa plato n'ya, ginawa ko lamang naman 'yon para maiinis o magalit s'ya sa akin pero hindi naman 'yon nangyari. Tumawa lamang kasi s'ya at kinurot ang pisngi ko.

Naguguilty tuloy ako.

Gusto ko lamang naman kasing makita s'yang magalit o kumunot man lang ang noo. I badly want to see that side of him, hindi 'yong puro ganito, feeling ko kasi nagkukuwanri lamang s'ya o ginagawa lamang n'ya ito para maimpress ako. At ayaw ko no'n.

Napabuntong hininga ako at napalingon sa plastic na dala. Take out ang laman nito. Hindi para sa'kin kundi para sa kan'ya. Ako ang nagtake out nito para naman may pamalit sa kinain ko kanina.

"Uy, Remi! Hintayin mo 'ko!" Tiyaka lamang ako huminto sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Benjamin mula sa likod ko.

Did he just call me Remi?

"Grabe ang bilis mong maglakad!" Hinawakan ako ni Benjamin sa braso kaya napakurap-kurap ako ng mga mata at doon lamang ako natauhan na nasa tabi ko na pala s'ya. "Okay ka lang?" He instantly checked me when he saw that I wasn't moving.

"D-Did you just call me Remi?" Hindi makapaniwalang tanong ko at kasabay no'n ang pagtaas ng mga balahibo ko sa braso.

Sa pagkatataong ito si Benjamin naman ang natigilan sa kan'yang kinatatayuan at biglang namutla dahil sa sinabi ko.

"O-Okay ka lang?" Tanong ko habang ang noo ay nakakunot. Hindi s'ya sumagot, gumalaw lamang ang adams apple n'ya na para bang lumunok s'ya. Napalingon naman ako sa likod ko at nilibot ang mga mata sa kabuuan nito. Wala namang tao, pero gulat na gulat naman s'ya. Baka may dumi ako sa mukha. Kaagad kong chineck ang mukha ko pero wala naman akong nakapa na muta o kanin na natira sa bibig ko. Chineck ko na rin ang bibig ko, baka kasi bad breath ako kaya natigilan s'ya, pero hindi naman.

Tiyaka ko lamang binalik ang mga mata ko sa harapan nang marinig ko s'yang tumawa nang marahan.

"There's nothing wrong with your face, Yvette."

"Huh?" Nalilito kong tanong.

"I said there is nothing wrong with your face." He prolong the word 'face' while pinching my cheeks. Pinangigigilan na naman n'ya ang pisngi ko. "Ang cute cute mo talaga."

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Where stories live. Discover now