CHAPTER 17

75 5 0
                                    

"May condominium ka pala?" I asked in amused while facing him. Nilingon naman ako ni Benjamin ng saglit at hindi kalaunan ay tumango habang tumatawa. Kaagad akong nagsalita nang mapagtanto na parang ang pangit ng tanong ko na 'yon. Para ko s'yang ini-i-small. "I mean alam ko naman na kaya mong bumili ng condominium dahil may trabaho ka, you're a —"

"Nope. I didn't buy it. Binigay 'yon sa akin ng taong nagbigay ng scholar sa akin no'ng nasa college ako at no'ng pumasok ako sa flight school." Seryoso n'yang sabi habang ang paningin ay nakatutok sa dinaraanan ng tricycle. Andito kasi kami ngayon sa loob ng tricycle. Nakahanap na kaming pareho ng tricycle at napagkasunduan namin na sabay na kami sa isang tricycle, pero hindi kami pareho ng bababaan. Ako sa bahay namin at s'ya naman sa condominium n'ya. Andoon daw kasi ang Mama at kapatid n'ya.

"Parang regalo gano'n?" Tanong ko sabay baling sa kan'ya. When our eyes met, I instantly gave him a warm smile.

"Yes, parang gano'n na nga. Alam mo, Yvette. Super thankful talaga ako do'n sa taong nagbigay ng scholarship sa akin, kasi dapat hindi ko ipupursue 'tong pagiging Piloto, kasi sobrang mahal. As in. Ang mahal ng tuition fee sa flight school, at alam kong hindi 'yon kaya ng pamilya ko. Kahit magtrabaho pa ako twenty-four-seven hindi pa rin talaga sasapat ang kikitain ko sa tuition fee ng flight school. Imagine one-hundred-thousand. Saan ako kukuha no'n?" Tumawa s'ya na para bang hindi s'ya makapaniwala. "Tuition fee pa lang 'yon, hindi pa kasali 'yong other expenses sa loob ng flight school. Plus, bayad pa sa renta, pagkain, daily expenses at marami pang iba. Nakakastress magbudget lalo na kapag alam mong wala ka talaga, pero worth it nang naging isang Piloto na ako."

Para kong nakagat ang dila ko nang marinig kong magkuwento si Benjamin sa unang pagkakataon. Parang nakakalungkot lang dahil sa dami ng puwede n'yang ibahagi sa akin ito pa talaga. Hindi naman ako nagrereklamo, I just pitied him. Totoong mahal ang tuition fee sa flight school, it will really cost a million bago maging isang ganap na Piloto, kaya nagpapasalamat ako sa parents ko na and'yan palagi sa tabi ko. Simula no'ng nag-uumpisa pa lamang ako, hanggang sa makapagtapos ako. Hindi nila ako sinukuan.

Habang nakatitig ako kay Benjamin ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kan'yang mga mata, pero nakangiti pa rin naman s'ya. Tiyaka ko lamang inalis ang mga mata ko sa kan'ya nang maramdaman na parang nagvibrate ang hawak kong cellphone at maya-maya lamang ay tumunog na ito indikasyon na may nag-text. Ibinaba ko ang ulo ko at gano'n din si Benjamin, pero hindi kalaunan ay ibinalik na rin n'ya ang kan'ywng atensyon sa harapan.

Daddy:
Hi, sweetie! Hows your day? Wala ako ngayon sa bahay nasa private meeting ako ngayon. You know naman malapit na 'yong partnership kaya busy ako ngayon sa mga meetings. Si Manang lang ang tao doon at 'yong mga kasambahay. Hope you understand, take care. Love you.

While reading that text message from Daddy, I didn't found out that I was smiling ear-to-ear. It was as if a flattering messege, but the moment I realized that my parents weren't at home, my ear-to-ear smile immediately disappeared from my lips. That text message was like a sharp knife that hit my heart.

"Okay ka lang?"

Inangat ko ang ulo ko at nilingon si Benjamin. Nginitian ko s'ya at tumango. Ngumiti rin pabalik si Benjamin sa akin at hindi na muli pang nagtanong. Siguro naramdaman n'yang ayaw ko 'tong pag-usapan. Kahit na nasa harapan ang mga mata ko, hindi naman makakawala sa paningin ko ang mga pasimpleng titig ni Benjamin sa akin at kung nililingon ko s'ya, kaagad s'yang umiiwas ng tingin na para bang nahihiya.

Napangisi ako nang may kalukohang naiisip ang utak ko.

Pinosisyon ko ang sarili ko, inayos ko ang nakasabit na shoulder bag sa balikat ko, at kinalaban ang sarili na huwag ngumiti, pagkatapos nito hinarap ko si Benjamin nang may seryosong mukha. Ang buong atensyon ko ay nasa kan'ya lamang habang 'yong kan'ya naman ay nasa labas ng tricycle. S'ya kasi ang nakapuwesto sa may labasan ng tricycle habang ako naman ang nasa pinakaloob, pero kahit na nasa labas ang atensyon n'ya alam kong alam n'ya na nakatitig ako sa kan'ya.

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Where stories live. Discover now