CHAPTER 9

76 6 0
                                    

Alam kong hindi dapat ako pumunta dito. Alam kong hindi ko oras ng trabaho ngayon, pero andito ako. At alam ko na pagagalitan ako o pagsasabihan ni Daddy kapag nalaman n'ya kung ano ang dahilan ng pagpunta ko dito. But, I'm sorry I need to go here.

"Hi, Tim!" Masaya kong bati sa isang Cabin Crew na nakasalubong ko. Huminto naman s'ya sa paglalakad at nginitian ako pabalik. Nagtatanong ang mga mata. "Nakita mo ba si Benj?"

Kaagad namang nangunot ang noo ni Timothy nang marinig ang tanong ko na 'yon habang ang labi ay may kakaiba ng ngisi. Ngisi na nakaloloko.

"Ang dumi ng utak mo," Kaagad ko s'yang inirapan nang kaagad kong makuha kung ano ang tumatakbo sa isipan n'ya.

"Bakit mo hinahanap si CAPTAIN?" Huminto ito at diniinan ang salitang captain na para bang hina-highlight n'ya 'to. "Ano ang kailangan mo sa kan'ya, Captain Zendaya?" May bahid ng panunukso ang tono ng boses n'ya.

"You're such a tease, Timothy." Tumawa ako sabay iling ng ulo. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isipan n'ya at nagkakamali s'ya doon.

"I am not teasing you, Captain, I'm just asking you. Bakit mo ba kasi hinahanap si fafa Benj? Anong kailangan mo?" Sa pagkakataong ito hindi na nanunukso ang boses n'ya, walang bahid ng kung ano at walang malisya, pero ang kan'yang mga mata naman ay taliwas sa narinig ko mula sa labi n'ya. Nanunukso pa rin ito.

"Magbabayad ng utang." I sound casual. Ito naman kasi talaga ang dahilan kaya ako andito, eh. Ang magbayad ng utang.

Napalingon naman ako sa gawi ni Timothy nang maramdaman na para bang naestatwa s'ya sa sinabi ko at tama nga ako. Hindi s'ya gumagalaw sa kinatatayuan n'ya na para bang nagulat s'ya sa sinabi ko, na para bang hindi s'ya naniniwala sa narinig n'ya mula sa akin.

"Okay ka lang?" Kunot noong tanong ko.

Napakurap-kurap naman ng mga mata si Timothy nang sundutin ko ang pisngi nito.

"You're just kidding, right?" Tanong ni Timothy na para bang siguradong-sigurado s'ya sa tanong n'ya na 'yon.

"Ha? Hindi ako nagbibiro, ah. Totoong kaya ko s'ya hinahanap ay dahil magbabayad ako ng utang sa kan'ya." Sagot ko habang nakangiti sa kan'ya.

Totoo ang sinabi ko. Kaya ko hinahanap si Benjamin ay dahil magbabayad ako ng utang ko sa kan'ya, dahil no'ng nasa Japan kami s'ya ang nagbayad ng lahat ng kinain namin at ginastos namin sa paggagala at sa tingin ko hindi 'yon makatarungan. Hindi kasi porque s'ya 'yong lalaki ibig sabihin s'ya na ang responsable sa lahat, s'ya na ang magbabayad ng lahat. Ayaw ko no'n. Hindi ako gano'ng klase ng babae o klase ng tao.

"Ikaw? Magkakautang sa kan'ya?" Nakakanga n'yang tanong na para bang naguguluhan s'ya at nagulat sa sinabi ko.

"Ah, oo? May masama ba doon?" Ako naman ngayon ang hindi naging komportable dahil sa tanong na 'yon.

Masama bang magkaroon ng utang? Magbabayad naman ako.

"No, I mean don't get me wrong, Captain," Itinaas n'ya ang kan'yang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Ang ibig kong sabihin ay ikaw magkakaroon ng utang sa kan'ya? Pa'no? Ang yaman yaman mo. Ikaw ang tagapag—"

"Opps, stop." Inilagay ko na sa labi n'ya ang hintuturo ko para pahintuin s'ya. Natahimik naman si Timothy pero ang pagtataka sa mukha ay hindi pa din nawawala. Alam ko na kung saan papunta ang sasabibin n'ya. "May utang ako at dapat ko 'yong bayaran. Ngayon sabihin mo sa akin kung nasaan si Captain para mabayaran ko na ang utang ko." Mariin kong utos kay Timothy na s'yang ikinaawang ng bibig n'ya.

"N-Nasa labas ng airport, kasama si Maverick." Sagot nito na s'yang ikinangiti ko ng sarkastiko.

Sasabihin n'ya din pala.

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Where stories live. Discover now