CHAPTER 22

70 4 0
                                    

"Looks lovely today, Yvette? May lakad ka?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Daddy. Kaagad naman akong humarap sa likod ko at sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Daddy at halatang nanunukso. "Napapadalas ata ang lakad mo, ah?" He added as if was he's concluding something.

"Well...umm...I just want to enjoy my vaccation." Simple kong sagot sabay kibit-balikat.

Yes, I really just want to enjoy my one month vacation here in Zamboanga. I just want to relax, to travel, to hang up again with my friends, and to do things that I am fond of. Alam ko kasi na pagkatapos nito, hindi ko na magagawa ang mga gusto kong gawin dahil babalik na naman ako sa trabaho ko. Hindi sa nagrereklamo ako sa trabaho ko, it just the feeling of being free and being the real you. Walang pressure, walang mga matang nakatingin, at higit sa lahat, walang Dorothy na magpapainit ng ulo ko. Hindi ko alam kung alam na ba n'yang nililigawan ako ni Benjamin, ang tangi ko lang kasing alam ay mas kumukulo na ang dugo no'n sa'kin ngayon. Kumukulo dahil sa inggit. Napanguso ako.

Tiyaka lamang nawala ang ngisi ko sa labi nang maramdaman ang dalawang braso ni Daddy na yumakap sa'kin. Kumunot ang noo ko dahil sa biglaan 'yon at hindi ko inaasahan, pero hindi kalaunan ay ngumiti na lamang ako at yinakap din s'ya pabalik.

"I know you will never betrayed me, Yvette. I know you. Your my daughter." Daddy said while tapping my back.

What does he mean by that?

Dahil sa naguguluhan ako sa sinabi ni Daddy ako na mismo ang kumalas sa pagyayakapan naming dalawa at hinarap ko s'ya nang nakataas ang isang kilay.

"What do you mean by that, Daddy?" Naguguluhan kong tanong at medyo kinakabahan.

"I know what happened inside the cockpit, Yvette. Everything. I am just waiting for you to tell me this, but I guess you have no intention of telling me this..." Saad ni Daddy na para bang nagtatampo s'ya.

Parang bigla akong nakakita ng multo dahil sa narinig mula kay Daddy. Kahit hindi ko nakikita ang mukha ko, alam na alam ko naman na namumutla na ako ngayon. Pinagpapawisan na rin ako ng malapot, ang puso ko at hindi maawat sa pagkabog ng malakas.

"Uhh..." I can't construct a sentence. I wanted to open my mouth, but I don't know what to say.

"Don't be tense, Yvette. I am not asking you, so you don't need to open your mouth to explain. I am just expressing my feelings. Medyo nahurt lang ako kasi I waited you to say that to me, pero parang wala ka namang balak na sabihin 'yon sa'kin, but it's okay. I understand you. Nahihiya ka lang. Well, who wouldn't be ashamed of that, right?" Natatawang saad ni Daddy. "You're a Zendaya, the heiress of YZ Airlines. And him? Who is he? Does he have a name that he can be proud of? He is just a pilot. A worker of a airlines." The bitterness and judgment is very obvious in his voice, and I don't think he has any plan of hiding it from me.

Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig. Iniexpect ko naman na talagang sasabihin 'yon ni Daddy kaya hinanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang sakaling maramdaman ko. Pero kahit expected mo na, masakit pa rin pala 'no? Masakit pa rin palang marinig ang panghuhusga kay Daddy.

Ngayon nagdadalawang isip na tuloy ako kung sasabihin ko pa ba kina Mommy at Daddy ang tungkol sa panliligaw ni Benjamin sa akin, at nagdadalawang isip rin ako. Wala naman akong balak na itago kina Mommy at Daddy ang tungkol sa panliligaw ni Benjamin, dahil ayaw ko na sa ibang tao pa nila malaman ang tungkol doon, gusto ko bago nila malaman sa iba, malaman muna nila sa akin, pero ngayon? Ewan ko. Biglang umurong 'yong lakas ng loob ko para doon. Nasa tamang edad naman sana ako para magdesisyon para sa buhay ko, pero natatakot pa rin ako na hindi sabihin kina Mommy lalong-lalo na kay Daddy ang mga desisyon na gusto kong gawin sa buhay. I don't know, I feel like I have an obligation to tell them everything about my decisions and plans in life. Siguro nasanay lang kaya hanggang ngayon nasa poder pa rin nila ako, kahit na kaya ko namang buhayin ang sarili ko.

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Where stories live. Discover now