CHAPTER 2

106 7 0
                                    

"Are you familiar with the name Miguel Tan?" Biglaang pagsasalita ni Daddy na s'yang naging dahilan upang mapahinto ang bibig ko sa pagnguya at naging dahilan din upang mapaangat ako ng ulo at mapalingon kay Daddy na ngayon ay seryosong hinihiwa ng maingat ang sunny-side-up na itlog na nasa kaniyang plato. Nang tapos na n'ya itong gawin at nang nasa loob na ng kan'yang bibig ang itlog tiyaka lamang niya ako pinagtuunan ng atensyon.

Napalunok ako ng laway at kasabay noon ay ang unti-unting pagkabuhay ng natutulog kong puso. Mukhang alam ko na kung saan ito papunta.

Bilang lamang sa daliri ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Daddy. Madalang lamang n'ya ako kung kausapin. His words are expensive like diamonds kaya kung magsasalita s'ya o hindi kaya ay kakausapin n'ya ako alam ko na kaagad kung ano ang pag-uusapan namin.

"He's the second son of Chaoxiang Tan." Pagpapatuloy ni Daddy nang maramdamang wala akong balak na sagutin ang tanong niya kanina. "Pamilya nila ang may-ari ng pinakamalaking Shipping Lines dito sa Pilipinas. The Red Shipping Lines." Dagdag na impormasyon ni Daddy.

Napakapit ako sa napkin na nasa aking hita at doon humugot ng lakas ng loob upang hindi manghina sa mga salita na lumalabas sa bibig ni Daddy.

"He's single, handsome, and chinito." Tumawa si Daddy na mas lalong nagpahirap sa akin sa paghinga. Parang may bumabara sa ilong ko na nagsasanhi upang mahirapan akong huminga at bumuga ng hangin. "Well, it's because of his Chinese blood and —"

"I don't date Chinese." Inunahan ko na si Daddy sa pagsasalita dahil alam ko naman na doon na din papunta ang kaniyang mga salita.

Daddy suddenly stopped because of what I've said and his face became serious again. Nang makabalik na si Daddy sa kan'yang ulirat, marahan nitong hinugot ang table napkin na nasa kaniyang hita at kahit wala naman s'yang dumi sa kaniyang bibig o labi ay pinunasan pa rin n'ya ito. Nang tapos na n'ya itong gawin umayos s'ya sa kan'yang kinauupuan na nasa mismong sentro ng mesa at pinatitigan n'ya ulit ako.

I instantly looked away. Ayaw kong magkatitigan kami ni Daddy, mas lalo lang kasi akong kinakabahan kapag ganoon.

"Miguel is just one-fourth Chinese. His father Chaoxiang is a half Chinese and also half Filipino." Ekplanasyon ni Daddy sa akin na para bang hindi ko ito alam. Alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng Red Shipping Lines, kaya alam ko din na may lahi silang Chinese. "And what's the problem if he is a Chinese? Just because of his Chinese blood you will immediately decline to date him? That fast, Yvette?" Daddy asked in a laughing way.

Parang trumiple pa lalo ang kaba na nararamdaman ko dahil sa tawa na 'yon. Napalingon naman ako sa kamay ko na nasa hita ko nang may maramdamang mainit na kamay na humawak dito. It's my Mom. Her eyes were both sad and pitiful. Hindi ko alam kung para saan ang mga matang 'yon, para ba sa sitwasyong ito...o para talaga sa akin.

Ngitian ko na lamang naman ni Mommy ng maliit para sabihing 'okay lang'.

I know in myself that I am not a racist. Ayaw ko lang magdate ng Chinese dahil alam ko na mayroon talagang mga bagay bagay na hindi maiiwasang hindi mapagkasunduan o hindi kaya ay mga bagay bagay na hindi maintindihan ng bawat isa sa amin. Dahil 'yon sa aming magkaibang paniniwala, tradisyon, o hindi kaya ay mga kinaugalian. Besides I also don't want to ruin the friendship between Daddy and that Chaoxiang, and I also don't want our business to be ruined either. They are not our personal friends, neither family friends, they are just our business friends, but business friends matters...the most.

"Hindi naman sa ganoo—"

"Why don't you try to date him? Malay mo magka-develop-an kayo, maging boyfriend mo siya...at maging asawa. Its good for you." Si Daddy habang tumatango tango. Halatang may iniisip.

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Where stories live. Discover now