CHAPTER 19

76 5 0
                                    

"Hindi ito ang unang pagkakataon na makapunta ako ng Cebu pero hindi ko pa rin maiwasan na mamangha sa ganda ng Cebu! 'Yong mga tourist spot kanina, grabe nakakalula ang ganda!" Hindi pa rin matigil-tigil si Tiana sa pagsasalita. Ngumiti na lamang naman ako sa sinabi n'ya habang ang paningin ay nasa gawi n'ya.

Akala ko makakapagpahinga na ang tainga ko dahil hindi si Eliza ang katabi ko pero hindi pa rin pala. Kanina pa kasi kuwento nang kuwento si Tiana sa akin ng kung anu-ano.

Magtatatlong linggo na rin sa Pilipinas ang mga kandidata para sa international pageant na gaganapin dito sa ating bansa, at sa ikatlong linggo nila rito sa 'Pinas, andito kami ngayon sa Cebu. Sa hometown ni Miss Philippines.

"Kaso nga lang..."

"Kaso ano?" Tanong ko nang makita ang pag-aalinlangan at pagkadismaya sa mukha n'ya.

"Huwag mo sabihin sa iba, ha?" Saad nito sabay lapit sa akin. Naramdaman kong inilapit n'ya ang kan'yang bibig sa tainga ko at gano'n na rin ang kan'yang hininga.

Ano kaya 'tong sasabihin n'ya? I just wish na hindi 'to bad news.

"Para sa akin hindi maganda si Miss Cebu, sana si Miss Pasay na lang 'yong nanalo, kasi mas maganda 'yon tapos maputi pa...hindi tulad ni Miss Cebu na sobrang itim." Bulong n'ya sabay tawa. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba s'ya dahil parang nagbibiro ang tono ng boses n'ya, o nagbibigay s'ya ng opinyon na hindi naman kailangang i-voice-out.

"Ang harsh mo!" Pabiro kong tinampal ang braso n'ya. "Ang ganda kaya n'ya," Nilingon ko si Miss Philippines na ngayon ay tumatawa kasama si Miss Indonesia. Napapansin ko close na close silang dalawa.

For me, Miss Cebu—Shanica Anderson is gorgeous, I just don't know why people keep in insisting that she is ugly, even though she's not. May be because of their standards na dapat maputi para matawag na maganda? Na dapat pantay ang kulay ng balat? Mga bobo, she lives near the sea, and she is also a professional surfer kaya gano'n ang kulay ng balat n'ya. Besides, it doesn't make her less gorgeous, plus she is also witty.

"Stop being harsh, Tiana. Hindi ka maganda para mang-judge." Tumatawa kong saad na para bang biro lang ang sinabi ko pero may halo na itong katotohanan. Naiinis kasi ako sa mga taong judgemental katulad n'ya.

Kaagad akong nilingon ni Tiana matapos ko 'yong sabihin kaya mas lalong lumakas ang tawa ko. Kumunot lamang ang noo n'ya at hindi kalaunan ay tumawa na rin s'ya.

"Just kidding."

Hindi ako nagbibiro.

"Tara na nga doon," Umiling muna s'ya bago tumayo sa kan'yang pagkakaupo at kaagad akong nilingon nang nakatayo na s'ya. "Doon tayo, oh. Andoon silang lahat." Tiyaka lamang ako tumayo nang makita na ang lahat ay unti-unti nang nagsisiupuan sa buhangin upang gumawa ng isang malaking bilog.

Ano kaya ang plano nila? May gagawin sila?

Andito kasi kami ngayon sa Hilantagaan Island—particularly in Virgin Island. Masasabi kong hindi nagkamali ang taong pumili sa lugar na ito, dahil napakaganda ng ambiance dito. No'ng una natakot ako nang malaman na dito kami pupunta dahil sabi nila na maraming puno sa island na ito at nakakatakot raw, pero no'ng andito na kami, no'ng andito na ako, hindi takot ang nangibabaw sa puso ko, kundi pagkamangha. This island is breathtaking. From rock formations, white sand, to shining seawater. Oo nga at maraming puno, pero hindi nakakatakot, nakakawala ng stress ang mga puno lalo na kapag humahangin na kung saan ang lahat ng puno ay sabay sabay na sumasayaw.

"Let's play truth or dare!" Hindi pa man ako nakakaupo ng maayos ay narinig ko na kaagad na nagsigawaan ang lahat sa sinabing 'yon ni Miss Hong Kong. Napalingon pa ako sa gilid ko nang marinig kong humampas ang alon sa buhangin. Medyo malayo kami sa dalampasigan pero rinig na rinig naman naming lahat ang bawat hampas ng alon at amoy na amoy rin namin ang tubig alat.

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Where stories live. Discover now