CHAPTER 18

64 5 2
                                    

"Yvette, okay ka lang? Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa mood." Saad ni Eliza habang naglalakad kami. S'ya kasi ang katabi ko habang 'yong iba ay nasa unahan namin o hindi kaya ay nasa likuran namin.

Nilingon ko naman s'ya at nginitian, pero alam kong hindi 'yon umabot sa mga mata ko. "Okay lang ako, sadyang wala lang talaga sa mood."

I don't know but I'm not really in the mood to have fun or even smile like the people around me are doing. I can't even appreciate the breathtaking scenery here in Puerto Prinsesa Palawan. Kanina pa alas siyete y medya ng umaga naglanding ang REMI sa Puerto Prinsesa International Airport, isang buwan na rin kasi ang nakakalipas simula no'ng mapag-usapan ang tungkol sa partnership na magaganap sa pagitan ng isang international beauty pageant at ng YZ Airlines. So far, wala naman kaming narinig na reklamo galing sa mga beauty queens tungkol sa service ng YZ Airlines, wala ring naganap na problema kanina nang sina Nico at Eliza ang unang nagpalipad ng eroplano. Napag-usapan na kasi namin ng team ko na maghahati-hati kami sa oras ng pagpapalipad ng eroplano para makapagpahinga ang bawat isa sa amin. Sina Nico ay Eliza ang naatasan na unang magpapalipad, sina Jessica at Kevin naman ang susunod, at kapag babalik na nang Manila kami ni Benjamin ang magiging magpartner.

Puerto Prinsesa ang unang lugar na bibisitahin o pupuntahan ng mga beauty queens, ang susunod ay Coron, El Nido, at ang panghuli ay ang Port Barton, doon yata nila unang sisimulan ang misyon nila as a beauty queen, 'yon kasi ang narinig ko sa kanila kanina.

"Bawal 'yan, Captain!" Eliza exclaimed. "Dapat nasa mood ka, lalo na ngayon at andito tayo sa Puerto Prinsesa, Palawan!"

Napailing na lamang naman ako dahil sa walang katapusan na energy ni Eliza. Bukod sa alam kong magaling si Eliza, isa rin ang energy n'ya sa mga dahilan kaya isa s'ya sa mga napili kong makasama sa REMI. Alam ko kasi na hindi ako maboboring kapag s'ya ang kasama ko, hindi kasi s'ya nawawalan ng mga ikukuwento, katulad ni Valkyrie.

Hay naku, kumusta na kaya 'yong Valkyrie na 'yon?

"Eliza, hindi pa ba sumasakit 'yang lalamunan mo? Kasi 'yong tainga ko masakit na." Pagpaparinig ni Nico kay Eliza habang ang isang daliri ay kumakalikot sa kan'yang isang tainga, nakabusangot na rin ang kan'yang mukha.

"At talagang sinisi mo pa talaga sa akin? Kasalanan ko ba kung bakit hindi ka nagcotton buds? Kasalanan ko ba kung madumi 'yang tainga mo? Kasalanan ko ba kung wala kang HYGIENE sa katawan mo?" She finger coated the word hygiene using her sarcastic voice.

Napahinto naman si Nico sa pagkukulikot ng kan'yang tainga at parang nagulat sa sinabi ni Eliza.

"Anong hindi nagcotton buds? Nagcotton buds ako! Sadyang nakakarindi lang talaga 'yang lakas ng boses mo, parang walang kasama."

"Edi putulin mo 'yang tainga mo para wala kang marinig." Hindi pa rin nawawala ang pagiging sarkastiko sa boses n'ya.

"Kung itikom mo na lang kaya 'yang bibig mo?" Pagrerekomenda ni Nico at halatang napipikon na.

Nang mapansin na para bang nagkakainitan na sa pagitan nina Eliza at Nico kaagad na akong pumagitna sa kanilang dalawa. "Tama na 'yang guys, huwag nang magsagutan. Wala tayo sa Zamboanga, nasa Palawan tayo at lalong-lalo na hindi lamang tayo ang tao dito, andito ang mga beauty queens," Tinuro ko ang ilang beauty queens na nagpapapicture sa isang toor guide.

"Ito kasi, oh. Ang ingay ingay." Paninisi ni Nico.

"Eliza huwag nang sumagot." Narinig kong nagsalita si Benjamin na nagpatikom ng bibig ni Eliza. "Tama na 'yan, nakakahiya 'tong mga behavior n'yo. Mamaya makarating to kay President Zendaya, malalagot talaga tayong lahat."

"Baka hindi mo sinuot ang aviation headseat mo, Nico kaya masakit 'yang tainga mo. Alam mo namang maingay sa cockpit kapag may flight." Si Jesica na s'yang sinang-ayunan ni Kevin.

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Where stories live. Discover now