CHAPTER 11

68 4 0
                                    

"Hi, Marian!" I greeted her with an ear-to-ear smile while hiding my nervous heart. "And'yan ba ang Kuya mo?" Ito agad ang itinanong ko sa kan'ya nang ngitian n'ya ako pabalik.

Marian eyes in narrowed when she heard what I asked. She smirked. Napalunok naman ako ng laway habang unti-unti nang nawawala ang ngiti ko sa labi.

"Why, Ate? Bakit mo hinahanap ang Kuya ko?" Tanong nito habang ang ngisi sa labi ay hindi pa din nawawala. Binibigyan din ako ng isang makahulugang titig ng kan'yang mga mata na s'yang ikinailang ko.

"Uh..." Hindi ko alam ang sasabihin ko, yindi ko alam kung saan magsisimula, kaya napakamot na lamang ako ng ulo habang nakangiti ng naiilang.

"Ito naman." Marian laughed that makes me stop. "Pasok na, Ate. Nasa kuwarto si Kuya, tatawagin ko." Marian stopped laughing and open their door widely so that I can enter inside their house.

I smiled shyly while nooding my head. Pumasok na ako sa loob ng bahay nila at sinundan si Marian sa paglalakad.

"Ate, pasensya na, ha? Makalat. Hindi ka kasi nagsabi na pupunta ka pala dito, edi sana nakapagligpit kami ni Kuya. Wala kasi si Mama dito may kailangan daw s'yang asikasuhin sa birth certificate ko." Pagsasalita ni Marian habang nakatalikod sa akin. Tumango-tango lamang naman ako habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng bahay nila.

Hindi namam makalat ang loob ng bahay nila, pero hindi tulad ng una kong punta dito, medyo lumiit ang espasyo sa loob. Siguro dahil sa mga gamit na andirito sa ibaba.

"Ay, Ate, upo ka muna dito." Si Marian at dali-daling pinagpagan ang sofa nila at no'ng tapos na s'ya dito ay hinarap na n'ya ako habang ang dalawang braso ay nasa likod. "Sige na, Ate, puwede ka ng umupo. Magtitimpla lang ako ng juice tapos magdadala na din ako ng cookies sa'yo. Hindi 'yong baked cookies na kami mismo ang gumawa, ha? Kasi wala naman kaming oven, kundi cookies na galing sa supermarket, 'yong nabibili by pack. Hehehe, ang daldal ko. Sige na, Ate. Kusina lang ako. Bye!"

Nang ako na lamang mag-isa, tiyaka ko lamang pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilan na tawa, at pagkatapos no'n ay napailing naman ako ng ulo.

Marian is much more talkative than her brother. Now, I wonder saan kaya sila pinaglihi, because their personalities are the opposite of each other.

"Marian, kinuha mo na naman ang charger ng cellphone ko nang hindi nagpapaalam!" I startled a bit when I heard that furious voice approaching to my seat. Napalingon ako sa kanan ko dahil doon nanggagaling ang boses ko at para akong naestatwa sa kinauupuan ko nang makita si Benjamin na walang suot na damit pang-itaas at ang kan'yang kilay ay halos magkasalubong na dahil sa labis na pagkakakunot ng noo. "Marian, saan mo na naman—" Katulad ko, naestatwa din si Benjamin sa kan'yang kinatatayuan nang makita akong nakaupo sa kanilang sofa.

"Kuya, ano ba?! Sigaw ka nang sigaw." I just averted my eyes from him when Marian interfered with us.

Kaagad akong umakto na para bang busy sa pag-che-check ng mga kuko ko sa kamay kung malinis ba ito o madumi.

"Ah..." Marian prolong her word using her teasing voice. Nahagip din ng mga mata ko ang pagtango n'ya. "Hinahanap ka kasi ni Ate Yvette, Kuya," Bahagyang huminto si Marian sa pagsasalita at pinagtitigan ako. Hindi ko naman inangat ang ulo ko, dahil ang buo kong paningin ay nasa mga kuko ko pa din, chinicheck kung madumi ba ito, kahit hindi naman. "May kasalanan ka daw kasi sa kan'ya." Humahagikgik na dagdag ni Marian na s'yang nagpaangat ng ulo ko.

As soon as I raised my head, the grin on Marian's lips widened even more and she even winked at me.

Wala naman akong sinasabing dahilan kay Marian nang pagpunta ko dito! Ni hindi ko nga sinabi sa kan'ya ang dahilan bakit ko hinahanap ang Kuya n'ya, tapos ngayon sasabihin n'ya, kaya ako andito ay dahil may kasalanan ang Kuya n'ya sa akin?!

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon