Chapter 27

0 0 0
                                    

Chapter 27

"Wala dahil iisang babae lang ang minahal at patuloy kong minamahal, ikaw 'yon Nel nel ko," laglag panga ko siyang tinignan.

"Walang biro? I mean, a-ano?" nagkunwari ako na hindi ko naintindihan ang mga sinasabi niya.

"Lutang ka ba o naglulutang lutangan lang?" nag-iwas ako ng tingin dahil medyo nahiya ako sa sinabi at tinanong sa akin ni Ian.

"Wala, tara, balik na tayo sa farm, baka hinahanap na tayo nila Mama." Kasabay niyon ay ang pagtayo ko mula sa duyan na kinauupuan ko.

"Balik na tayo kaagad?" tanong niya habang ako'y nagsimula ng maglakad.

"Oo nga, hindi nakakaintindi," ani ko tsaka nakarating na sa gate at siya nama'y nagsimula ng maglakad patungo sa akin.

Nang makarating kami ng farm, kaagad na bumungad sa amin ang malakas na tugtog.

Nagkatinginan kami ni Ian, "Anong mayroon?" tanong ko pa sa kanya na naging dahilan para magkibit balikat siya, senyales na wala rin siyang alam.

"Pasok na lang tayo para malaman natin," suhestiyon naman niya kaya napagpasyahan na lang namin na pumasok sa loob.

Sakto naman na pagpasok namin ng gate, nawala naman ang malakas na tugtog, huwag nilang sabihin na kapit bahay namin iyon dahil wala naman talaga kaming kapit bahay.

"Surprise," sigaw nila ng biglaan silang lumabas galing sa mga likuran ng mga puno  at mga halaman.

Gulat naman ako pero nakangiti rin nang 'di kalaunan, nang makita ko na kompleto sila, ang mga trabahador namin, sila mama at papa tapos si kuya, nahagip rin ng paningin ko si Seven na 'di kalaunan ay tinititigan na pala ako.

"'Ma, 'pa, ano po 'to?" maluha luha kong sabi. Tears of joy ba kumbaga!

"Small celebration para sayo," sagot naman ni kuya tsaka lumapit sa akin.

"Small pa ba 'to? Eh halos nga pakainin niyo na ang buong pilipinas niyan. By the way, thank you kuya at napatawad mo na ako!" Niyakap ko siya kaagad dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.

"Wala 'yon bunso, tsaka hindi rin naman kita natiis, sorry pala at wala ako kanina sa pageant,"

"Nako, okay lang 'yon. Maliit na bagay kumpara sa ginagawa niyong pag-prepare for this what you so called small celebration," natawa pa ako sa small dahil sobra talagang rami ng pagkain.

"Ang ibig bang sabihin niyan eh bati na kayo?" tanong ni mama.

"Oo nga, hindi na ba kayo mag-aaway?" si papa naman.

"Oo naman po," sabay pa naming ani ni kuya na kaagad rin naming sinundan ng tawa dahil first time talaga na nagkasabay kami ng sinabi at pareho pa.

"Kuya? Kasama ko pala si Ian, hindi ka na rin ba galit sa kanya?" ayoko ng magpaligoy ligoy pa sa pagtatanong kay kuya. Susulitin ko ng magtanong sa kanya dahil kakabati lang namin at ito rin siguro ang right time.

"Hindi na. By the way, kain na po tayo, umpisahan na natin ang kasiyahan," nang mag-sialisan na ang mga tao para kumuha ng kakainin nila, nagsalitang muli si kuya, "Pero iyong pangako mo Ian, sana hindi na mapako," tsaka pa nagkatinginan sila Ian at kuya.

"Oo naman, makakaasa ka," aniya kay kuya tsaka nag-saludo pa.

So anong ibig sabihin niyan? Nagkausap sila? How true?

Habang kumakain, lumapit sa akin si Seven na may hawak rin na plato at may laman na pagkain.

Hindi ko alam pero ang hirap sa part na naiilang ako sa kanya, which is hindi naman rati.

Bittersweet Tomorrow (Young Affection Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon