Chapter 15

0 1 0
                                    

Chapter 15

Nagising ako dahil sa ingay mula sa kusina, tinignan ko ang oras sa table clock ko at alas kwatro pa lang ng madaling araw, sa ganitong oras ako kalimitan na gumigising para magluto ng agahan at para na rin makapaghanda para sa pagpasok sa school.

"Ano ba 'yon? Ang ingay." Kamot ulo kong saad.

Binuksan ko ang lamp shade tsaka hinanap ang tsinelas ko tapos sinuot ko na rin ang eye glass ko na sinusuot ko lang tuwing night time.

Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ilaw roon, pero ang nadatnan ko ay pusa na kumakain sa sahig ng kung ano.

"Naistorbo ko ba ang tulog mo?" tapos may biglaan pang nagsalita sa likuran ko kaya ang kabang nararamdaman ko ay mas nadagdagan.

Pagkatingin ko, si blank pala. Bakit sa dinarami-rami ng tao rito sa dorm bakit siya pa? Tadhana, ano bang kalokohan 'to?

"Hindi ba halata?" pagsusungit ko dahil totoo naman. Akala ko nga may multo ng nagluluto.

"Sorry, pinakain ko lang kasi iyang pusa na dumating kanina lang. Gutom na gutom eh, pusang gala yata," usal niya habang nakatitig sa akin.

Paki ko naman sa paliwanag mo?

Tinalikuran ko na siya nang wala man lang sinasabi. Balak kong magtimpla ng kape dahil hindi naman na ako p'wedeng bumalik sa higaan dahil gising na gising na talaga ako, and kasalanan niya ito.

Tinuloy ko na nga ang balak kong pagtitimpla ng kape. Malaya na akong iinom ng kape dahil wala na ako sa bahay.

"Tapos ka na ba?" napatingin muli ako sa pwesto niya at nakaupo na siya ngayon sa sahig. Nasa pusa ang atensyon niya. Mabuti na nga lang at hindi ako sumagot dahil ang pusa pala ang kinakausap niya.

"Gusto mo ba rito ka na? Huwag ka ng umalis kung walang nag-aalaga sayo, ako na ang magiging amo mo," talaga lang ah. Baka pati iyang pusa i-ghost mo.

"Tapos papangalanan kita ng Nel Nel," saktong tumingin ako sa kanya, tumingin rin siya sa akin kaya nagkatitigan kami pero syempre, umiwas kaagad ako, ako pa ba? Eww, I'm not marupok!

Tapos Nel Nel talaga? Ang rami ng p'wedeng ipangalan sa pusa na 'yon tapos Nel Nel talaga? Talaga ba? Nananadya ba ang lalaking ito? Upakan ko kaya?

Tumikhim na lang ako tapos lumabas na ng dorm pero pagkalabas ko pa lang, kaagad na niyakap ako ng malamig na simoy ng hangin, August pa lang naman pero ang lamig na. Malapit na rin pala mag-ber season, ilang araw na lang.

Ang tigas talaga ng ulo ni Seven, nasa bag ko na naman iyong key chain, ano kayang gustong palabasin ng lalaking iyon? Bakit kaya may mga lalaking nakapaligid sa akin na matitigas ang mga ulo? OMG talaga, ang lakas maka high blood.

"Hoy, anong ginagawa mo rito? Ang lamig pa ng simoy ng hangin," si Ann lang pala, akala ko kung si blank na naman.

"Wala, nagising kasi ako ng bwisit mong pinsan," usal ko bago humigop ng kape na mainit pa.

"Grabe sa bwisit sis, ang g'wapo kaya ng pinsan namin,"

"Hala, saan banda? Sure ka? Pero malamang, kalahi mo siya, kaya naiintindihan kita sis, sabi nga nila, tangkilikin ang sariling atin, 'di ba?" at dahil nakaupo na siya sa tabi ko, hinagod hagod ko pa ang kanyang likuran na animoy kino-comfort ko siya.

"Grabe ka sa kanya, ang bitter mo," nag-inarte pa ang loka na parang may tumutulong sipon mula sa kanyang ilong.

"At least hindi marupok," iyan lang talaga ang panlaban ko kung sakaling may magsabi na ang bitter bitter ko.

Ang aga ko pumasok ngayon dahil bwisit pa  rin ako sa dorm, paano ba naman, kumalat na sa buong dorm na Nel Nel ang pangalan ng pusang inampon ni blank.

Bittersweet Tomorrow (Young Affection Series #4)Where stories live. Discover now