Chapter 10

1 1 0
                                    

Chapter 10

"Good morning, kumusta tulog?" bungad ni mama nang makababa ako para kumain ng agahan.

"Ayos lang ma, sila kuya at papa?"

"Nariyan, nag-aayos ng mga gamit sa bodega,"

Umagang-umaga pa ah, anong kinakalkal nila roon?

"Kumain na ba sila?"

"Hindi pa, sandali't tatawagin ko sila," paalam ni mama kaya tumango na lang ako.

Madilim na rin nang makauwi ako kagabi, napasarap pa kasi ang k'wentuhan namin kaya ang ending, si kuya rin ang sumundo sa akin. Mabuti na nga lang at hindi siya nagalit nang natagalan ako at ginabi eh.

Tungkol pala sa tanong ni Dhei, hindi ko na sinagot dahil ayoko na i-open ang tungkol kay Seven, dagdag lang 'yon sa iisipin kung in-open ko pa.

"Good morning 'nak," bati ni papa.

"Morning pa," sabay pilit na ngiti.

Hindi ko pa nga sure kung pasado ba ako sa entrance exam ko, kaya girl, wala akong karapatang ngumiti. Not now, maybe later!

"Kay gandang umaga," bati naman ni kuya.

Napa anong nangyari looks na lang ako dahil ang ganda ng aura ni kuya ngayon, ba't hindi siya masungit ngayon? May jowa na ba 'to kaya ganito siya kasaya?

"Good morning, anong nangyari? Ba't ang ganda yata ng gising mo?" tanong ko pa habang kinukusot ang mga mata.

"Huh? Hindi ba p'wedeng maging masaya ang gising kahit na paminsan-minsan?"

Ewan na lang, baka may nakain lang 'to kagabi kaya masaya siyang nagising.

"Oo na nga lang," ako na ang sumuko dahil hindi naman 'yan magpapatalo.

"Pa, pakuha nga no'ng pizza," aba't inutusan pa si papa.

"Ba't mo inuutusan si papa kuya? Narito naman ako ah," tinaasan ko pa siya ng kilay.

Pizza pa talaga, kailan ba siya nagpa-pizza? Ngayon lang!

"Okay lang 'nak, maliit na bagay," gusto mo rin papa eh.

Tumahimik na lang ako dahil gusto rin naman ni papa na magpa-alila kay kuya.

Kumuha na lang ako ng plato at kutsara dahil magsisimula na akong kumain, pero hindi kalaunan, pumunta rin ako ng kitchen para kumuha ng baso para magtimpla ng kape, gusto ko talagang magkape kahit na ipinagbabawal nila, hahaluan ko na lang ng gatas para hindi halata.
Pagkabalik ko sa lamesa, may isang box na ng pizza na nakalapag pero nakasara pa rin 'yon.

"Kain na tayo, gutom na ako," pag-aaya ko pa sa kanila.

"Buksan mo na 'yang pizza para makakain na tayo," kanina si papa ang inutusan tapos ngayon ako naman, kuya, ano ba talaga ang nangyayari sayo?

"Ikaw na lang," ani ko sabay umupo at kumuha na ng kanin para makapag-simula na akong kumain.

"Ikaw na kasi, ayaw pa mautusan eh, akala ko ba gusto mo na nauutusan ka?" kanina lang 'yon 'no, ngayon hindi na.

"Oo na nga lang, ang aga aga ang lakas ng boses, hinaan mo lang, nakakatakot ka eh." Kamot ulo kong saad.

"Mag-suyod ka mamaya, marami ka yatang kuto, makati ang ulo mo," sabay tawa.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin tsaka dahan dahan na binuksan ang box ng pizza. Mahilig rin ako sa pizza, pero hindi bumibili si kuya, ngayon lang talaga 'to. Ewan nga kung bakit may pizza siyang binili ngayon eh.

Bittersweet Tomorrow (Young Affection Series #4)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang