Chapter 24

0 0 0
                                    

Chapter 24

"Ipanalo mo ang department natin ah. Kapag nanalo ka, magiging proud kami sayo, pero it's okay rin kapag matalo ka as long as you gave you're best for that contest. Pero Chanelle, mas the best pa rin kung manalo ka," parang nanibago naman yata ako kay prof, ngayon lang kasi niya ako tinawag sa pangalan ko, madalas kasi'y tinatawag niya ako sa last name ko.

"Hindi ko po maipapangako. Pero promise gagalingan ko." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko para lang maipakita na sincere ako sa pangangako ko.

"Hindi nangangako pero nangako, iba ka rin Chanelle," pamimilosopo naman ng isa sa mga classmates ko.

Grabe, pinuntahan pa nila ako rito sa wardrobe area para lang sabihin na kailangan kong manalo sa contest na gaganapin ngayon.

"Oh sige na, magsisimula na yata," giit ni prof kaya nagbigay ng kanya kanyang good luck's ang mga classmates ko.

Noong una, akala ko mahirap akong makakapag-adjust sa mga classmates ko ngayong college, roon pala ako nagkakamali kasi ang dali lang pala nilang pakisamahan, kung maituturing sila pa ang nag-approach sa akin at first kahit na ang hirap-hirap kong mag-approach sa kanila. And thankful ako kasi ganito sila sa akin, support and at the same time pinakikisamahan nila ako kagaya nga ng sabi ko. Feel ko nga, maa-attached ako sa kanila ng todo dahil sa mga personality na pinakikita nila sa akin. Feel ko nga masasanay na ako sa kanila hanggang sa magkakahiwalay na kami ng landas after college.

Nang akmang tatayo na ako dahil totoo na mag-uumpisa na talaga ang paligsahan, sumulpot naman sa harapan ko si Dhei na ang ganda-ganda sa suot niya. Naka-shorts nga pala kami tsaka iyong spaghetti shirt blouse na prinovide nila para sa amin na contestants.

"Good luck, hope I win." Aniya sabay talikod. Iyon ba talaga ang purpose niya kung bakit siya sumulpot sa harapan ko? Ang sabihin na manalo sana siya? Nagsasayang lang siya ng oras sa ginagawa niyang iyan kasi hindi ko naman talaga siya papatulan. Mai-stress lang ako kung papatol pa ako sa kanya.

Nang bahagya na siyang makaalis sa harapan ko, nagtungo na rin ang trainee namin sa parte kung nasaan ako't nakatayo.

"You okay Ms. Borromeo?" tanong pa niya ng bahagya.

Tumango na lang rin ako, "Yes po, thank for asking,"

"Oh sige, mag-handa na kayo't anytime eh magsisimula na ang pageant." Tinapik pa niya ng bahagya ang isa kong balikat.

"Sige po. Sana maging successful ang mga prinaktis natin for the past few days," ngumiti rin ako para hindi naman maging boring ang pagkakasabi ko sa bagay na iyon.

"I hope so," mabuti pa at maganda ang isinagot sa akin ni prof, hindi kagaya ng iba na inggit na nga eh hindi pa maayos kausap, tao ba talaga sila? Nakapagtataka!

Ilang sandali lang rin ang lumipas, nagsimula na ang pageant. Rampa, ngiti, lakad, iyang mga 'yan lang ang ginagawa ko the whole time. Natapos na ang school uniform attire at ang informal attire, sunod naman ay ang swimsuit na kinakahaban talaga akong suotin dahil sa hindi ako sanay na mag-suot no'n.

"Kaya mo ba talagang isuot 'yan? Baka naman napipilitan ka lang, you have a freedom na sabihin kung napipilitan ka lang o hindi," alalang ani ni prof habang sinusuri kung okay lang ba ako.

"Ang sexy mo nga eh, look oh. Pak, sino ka d'yan?" Tinuro pa ako ng kalog kong klasmeyt habang napapangiting nakatingin sa akin.

"Tama, and confidence lang talaga ang kulang sayo sis, bigyan kita, like mo?" banat naman ng isa na kalahi ni Ann.

"Huwag na, kaya ko naman. Ayos lang po ako prof, you don't have to worry," ngumiti lang ako ng tipid kay prof pagkataos kong magsalita.

"You sure ah, baka mamaya mapagalitan ako ng parent's mo, at ng kuya mo," kilala rin pala niya si kuya? Pero mukhang hindi naman 'to magkaka-interes kay kuya kasi may boyfriend na rin 'ata si prof.

Bittersweet Tomorrow (Young Affection Series #4)Where stories live. Discover now