Chapter 23

0 0 0
                                    

Chapter 23

"Nel Nel, bakit?" imbes na magalit, parang mas natuwa pa ako dahil nagising na siya. Alam mo 'yon, ang pakiramdam na naging success ka sa plano mo na gisingin siya.

"Wala. Bangon ka na riyan, malamig rito sa labas tsaka mangangawit ka sa p'westo mong 'yan," ewan ko rin, hindi ako marupok pero no'ng makita ko siya bakit parang lumambot ang puso ko sa kanya? And I don't like myself being like this!

"Concern ka pa rin pala sa akin," iniangat niya ang kanyang kamay tsaka hinaplos ang buhok ko mula sa aking likuran.

"Sabihin na lang natin na nagmamalasakit lang ako. Pumasok ka na at papasok na rin ako." Tinanggal ko ang kamay niya sa aking buhok at akmang tatayo na pero napamulagat ako nang hablutin niya ang kamay ko dahilan para mabalik ako sa p'westo ko kanina, pero this time, nakaupo na ako sa lap niya.

Nahihiya ako sa p'westo namin kaya ako na mismo ang umalis sa lap niya tsaka binalak na umalis na naman.

"P'wede bang huwag ka munang umalis? Maaari ba tayong mag-usap muna?" aayaw sana ako kaso ang bumungad sa akin ay ang mga mata niyang nangungusap. Sino ba naman ang hindi mate-tame kapag ginamit niya ang mata niyang kulay brown na parang inaamo ang puso ko.

"A-ano bang pag-uusapan natin? Tungkol saan?" siguro ito na rin ang pagkakataon, wala naman sigurong mawawala sa akin kung bibigyan ko siya ng pagkakataon na magsalita, upang malinawan na rin ako tungkol sa mga bagay na hindi ko pa alam pabor sa kanya. Baka may hidden agenda pala siya noon na hindi ko nalaman at sa huli magsisisi lang ako dahil hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.

"Tungkol sa 'tin, tungkol sa nakalipas natin," kasabay no'n ay ang paghawak niya sa kamay ko na nilalamig na.

"Anong tungkol roon? 'Di ba wala namang nangyari noon?" wala naman talaga ah, fling lang kaya 'yon.

"Wala ba talaga? O nagiging in denial ka lang? Bakit? Ka-deny deny ba ako?" sa mga oras na ito, parang may kung ano na tumusok sa puso ko, parang ang sakit kasi ng salita na binitawan niya. Sa mga sandali ring ito ay hindi agad ako nakapag-salita.

"Sabihin na lang natin na, bata pa lang tayo noon. Hinintay kita, hinintay ko ang mga sulat mo, pero walang ni isang dumating at maging ikaw ay hindi dumating," ang mga alaala na pilit kong kinakalimutan at kinalimutan ay naibabalik na naman dahil sa pag-uusap namin ngayon.

"Hinintay rin kita, kaso wala ring mga sulat na dumating sa akin ang akala ko nga'y hindi mo na ako gusto pang makita, ang akala ko nagtampo ka sa akin kaya hindi ka na nagpadala pa ng mga sulat," ano? Ano bang sinasabi niya? Siya ang naunang hindi nagpadala ng sulat niya kaya gumanti lang rin ako.

"Anong ibig mong sabihin? Ikaw ang naunang hindi nagpadala ng sulat, isang buwan lang ang lumipas pagkatapos mong umalis hindi ka na nagpadala ng mga sulat," sa pagkakatanda ko nga, ang rami kong pinadalang sulat sa kanya noon dahil akala ko may nangyaring masama sa kanya dahil ni isang hi at hello wala akong natanggap mula sa kanya.

"Riyan ka nagkakamali. Ang Heart Area Of Letters ang saksi na parati kitang pinapadalhan ng sulat, kaya paanong wala kang natatanggap kung gayong araw araw kitang pindadalhan ng sulat noon at hanggang sa bago ako umuwi rito sa pinas, pinadalhan pa rin kita kahit na gusto kitang i-surpresa. Alam mo ba na excited akong umuwi dahil ang alam ko'y excited ka rin na muling makita ako," parang maiiyak na siya dahil sa pagpapaliwanag.

Naguguluhan ako dahil ngayong oras na 'to nagiging intense na ang usapan, marami yata akong hindi alam sa mga nangyari sa nakalipas, may mga ikinubli kayang sikreto ang Heart Area Of Letters sa amin ni Ian?

"Ang ibig mo bang sabihin ay hindi ka tumigil na magpadala sa akin ng sulat? Kung gayon, ako pala ang nagkamali at hindi ikaw?" iisa lang ang p'wede naming tanungin tungkol sa mga bagay na hindi namin maintindihan, ang Heart Area Of Letters, sila lang ang makasasagot sa mga tanong namin.

Bittersweet Tomorrow (Young Affection Series #4)Where stories live. Discover now