Chapter 13

0 1 0
                                    

Chapter 13

"'Nak? Okay na ba ang lahat?" tanong ni mama habang nag-aayos ng mga gamit ko.

"Oo 'ma, ayos na lahat,"

"Mawawalan na ng bunso ang bahay na 'to," si papa naman na nagiging emosyonal.

"'Pa naman, parang mamamatay naman na ako niyan, lilipat lang po ako at hindi aalis," lumapit ako kay papa tsaka hinaplos-haplos ang likuran niya.

"Parang ganoon na rin 'yon,"

"Uuwi rin naman 'yan every weekend, ako susundo sa kanya," si kuya naman habang humihigop sa kape niya.

Ang daya nga eh, siya p'wedeng magkape tapos ako hindi.

"'Yong mga gamit mo sa school nadala mo na ba lahat?" tanong na naman ni mama.

Literal ba na ganyan ang mga ina? Gusto nila na parating okay ang mga anak nila? Ganyan kasi si mama.

"Opo, ayos na lahat, wala na kayong rapat na ipag-alala,"

Bukas na kasi ang pasukan, ang bilis nga ng araw eh. Ngayon na ako lilipat sa dorm na pamamalagian ko, ayon na, magiging independent na ang tao.

"Mag-ingat ka roon ah, mami-miss namin ang bunso namin," ani mama tsaka ako niyakap.

"Dalaw-dalawin ka namin roon 'nak," si papa naman.

Si kuya mamaya na magpapa-alam 'yan kasi siya naman ang maghahatid sa akin.

"Sige 'ma, 'pa, mauna na kami, traffic pa kasi eh, mami-miss ko kayo, uwi rin ako sa weekend," paalam ko bago sumakay sa kotse ni kuya.

Bago pa kami umalis, kumaway pa ako kila mama at papa.

Ang hirap umalis kaso kailangan gawin, tanggapin ang katotohanan ika nga nila.

"Ayos ka lang?" tanong ni kuya habang nagda-drive.

"Unfortunately, iyong totoo, hindi," pagsasabi ko ng totoo dahil hindi naman talaga ako okay.

"Ayos lang 'yan. Kailangan mong magtiis para matupad mo lahat ng pangarap mo. Ganoon naman 'di ba? Sakripisyo rin minsan hindi iyong puro feelings ang pinapairal," minsan kahit na loko-loko si kuya, may pagkakataon na nagseseryoso rin, and alam niyo ba na lahat ng tips niya, nai-a-apply ko sa real life ko.

"Okay ka na rito?" tanong niya nang maihatid na niya ako sa k'warto na kinuha ko. S'yempre may air con ang kinuha namin para naman hindi ako ma-stress dahil sa sobrang init. Hindi sa pagiging ambisyosa pero si kuya talaga ang nagdesisyon ng lahat ng ito.

"Oo salamat sa paghatid kuya,"

"P'wede ko bang mayakap ang bunso namin?" sus, ano nakain ni kuya? Bakit yayakapin niya ako?

"Oo naman, hala, anong nangyayari sayo kuya?"

"Wala, syempre, mami-miss rin kita, wala ka na kasi sa bahay, wala ng babae na araw-araw magpapaluto ng kimchi,"

"Ang OA huh, pero sige," inambahan ko siya ng yakap na kaagad rin naman niyang sinunggaban.

"Sabihin mo lang kung may mga kailangan ka, pupuntahan kaagad kita," saad niya pa habang nakayakap sa akin.

"Wala na akong kailangan, ako na bahala, call call na lang," hindi talaga ako sanay na malambing si kuya. Madalas kasi inaasar niya ako. Hindi lang madalas, parati pala.

Noong gabi na nagsusunog ako, sinabi lang pala niya 'yon para asarin na naman ako. Ginamit pa talaga niya si blank. Bawal banggitin ang pangalan kasi I am already in the stage of moving on!

Bittersweet Tomorrow (Young Affection Series #4)Where stories live. Discover now