Chapter 25

0 0 0
                                    

Chapter 25

"And the winner is..."

Halos matumba na ako dahil nanlalambot talaga ang mga tuhod ko, kinakabahan ako na ewan, baka kasi hindi ako manalo, baka ma-dissappoint ko ang mga taong naniniwala sa akin, mga taong sumusuporta sa akin.

"Good luck," nginitian ko lang si Dhei kahit na hindi siya nag-respond, sa aaminin ko man at sa hindi, naniniwala pa rin ako na may pag-asa pa na magkabati kami ni Dhei, I hope in the end magkaayos kami at bumalik ang closeness namin noon, pero kung wala talaga, eh 'di wala, ang hirap naman kapag pinipilit ang sarili sa taong hindi ka naman gusto 'di ba.

"Ang ia-announce ko lang ay ang winner, isa lang ang winner na napili ng mga judges, and kapag tinawag kita, please step forward," sure ba? Hala less chances, oo nga pala, hindi naman kasi 'to by partner babae lang kaming lahat na lumaban sa pageant na ito.

"And the winner is..." biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko, "Ms. Chanelle Louise Borromeo!" naghiyawan ang lahat ng tao na halos makapag-pabingi na sa pandinig ko. Nakita ko sila mama at papa na nagtatatalon dahil sa tuwa. Halos magwala na rin ang mga classmates ko. Yey hindi ko sila na-dissappoint.

"Congrats, you deserve it," sabi ng isa na hindi ko alam kung saang department.

"Congrats Nel," ani naman ng isa na biglang nagpatahimik sa akin.

Naaalala ko lang kasi ang tawag sa akin ni Ian, Nel Nel rin kasi ang tawag niya sa akin.

"Thank you sa inyo, ang gagaling niyo rin," nginitian ko rin sila, dahil baka isipin nila na   nanalo lang ako, lumaki na kaagad ang ulo ko. Ayokong isipin ng ibang tao na Chanelle Louise changed!

"Step forward ka Ms. Chanelle para kunin ang mga awards mo and ang prizes," nag-step forward ako kagaya ng sinabi ng emcee.

"Congrats hija, you are really a gorgeous," sabi ng isang judges.

"Thank you po," respond ko sa kanya.

"Deserve mo, you look so stunning," nag-thank you ulit ako sa isang judges na pumuri rin sa akin.

"Ang ganda talaga. You may compile the stage para makipag-picture picture, tawagin mo ang parents mo," ani ng emcee ng matapos na ang picture picture with the teachers and with the judges.

Nag-senyas ako kila mama at papa na pumunta sila sa harap, kaagad rin naman nilang na-gets ang sinasabi ko kaya tumakbo sila papunta sa akin, oo, you heard it right, tumakbo sila mama at papa na parang bata.

Nakita ko rin si Ian na nakatingin sa akin habang nakangiti, I admit na parang napapalambot ni Ian ang puso ko, parang unti unting tinutunaw ng mga ngiti niya ang galit na nasa puso ko.

Nag-senyas rin ako sa kanya na pumunta siya ng harap together with Ann kaya tumakbo rin sila na parang bata.

"Anak, congrats, you made it," si papa na excited pa habang naka-amba ang kanyang yakap sa akin na malugod ko rin namang tinanggap.

"Thank you 'pa,"

"Anak, proud na proud kami sayo, look oh, natupad na rin ang pangarap mo noong bata ka na magkaroon ng totoong crown," tinuro pa ni mama ng bahagya ang kurona na naka-arko sa ulo.

"Thank you 'ma, I really appreciated it," niyakap ko silang dalawa ni papa.

Pero I am so sad dahil wala si kuya, galit pa rin talaga siya sa akin, kailan kaya mawawala ang galit niya?

"Congrts beshy, ang ganda ganda mo," ani Ann na nakangiti pa.

"Nga pala, si Dhei hindi ba 'yon magagalit na lumalapit ka sa akin?" napag-isip isip ko lang kasi na baka pati si Ann eh madamay pa sa galit ni Dhei sa akin.

Bittersweet Tomorrow (Young Affection Series #4)Where stories live. Discover now