Chapter 16

0 1 0
                                    

Chapter 16

Wala pa ang laptop na hinihintay ko, ang tagal dalhin ni Seven. Ilang minuto na lang ako na ang magre-report, akala ko ba vacant ng lalaking iyon? Eh bakit ang tagal niya? Anong ginagawa ng lalaking iyon?

Hindi ako p'wedeng umalis kasi kailangan mag-take down notes para may reviewer kapag dumating ang exam.

Muntikan na akong mainis, mabuti na lang at narinig ko ang boses niya na nag-excuse kay prof.

"Prof, excuse. Laptop po ni Chanelle Louise," usal nito tsaka pumasok para ilagay sa desk ko ang laptop na kanina ko pa hinihintay.

Pagkatingin ko rito'y, nag-thank you ako sa kanya gamit ang labi ko lang, nag-welcome naman siya sa akin ng wala ring boses na lumalabas sa kanyang bibig.

Nang i-check ko ang laptop, may nakalagay roon na sticky notes kaya binasa ko.

"Sorry natagalan, sinigurado ko pa kasi na 100 percent!"

In fairness, ang ganda ng pen craft.

Nang ako na ang magre-report, pinalapit ako ni prof sa tabi niya, nagulat nga ako dahil ako lang ang pinalapit niya sa kanya samantalang iyong mga naunang nag-report eh hindi.

"Prof? Ano po 'yon?" pagtatanong ko pa.

"Mukhang seryoso yata sayo ang binatang iyon, sagutin mo na," hala si prof, pa-issue.

"Nako prof, hindi po siya nanliligaw, kaibigan ko lang po," pagpapalusot ko dahil totoo naman talaga na hindi nanliligaw si Seven.

"Nako hija, lahat ng mabuting relasyon, nagsisimula sa pagiging magkaibigan," hindi iyan totoo prof, si blank nga ilang taon kaming magkaibigan pero bakit hindi naging maganda ang relasyon namin? Hindi lahat ng kasabihan ay totoo, kaya be careful sa pinaniniwalaan.

Nahiya ako kaya humingi ako ng permiso kay prof kung p'wede na ba akong magsalita, um-oo naman siya kaya nagsimula na akong mag-report.

Parang na-distract naman ako nang makita ko si Seven na hindi pa umaalis at nasa bintana lang na nakasilip, "Continue Ms. Borromeo," ayon tuloy.

"Okay prof," tinuloy ko na lang ang pag-report at hindi na nagpa-abala kay Seven.

Bakit ba ako nadi-distract eh ang galing galing ko kayang mag-focus.

Pagkatapos kong mag-report pinalakpakan ako ng mga kaklase ko at maging si prof, pati si Seven mula kanina pala eh hindi pa umaalis.

"Very good Ms. Borromeo, ang galing galing mo sa reporting, parang inspired yata tayo," nako naman, ang professor na 'to talaga, pati ba naman siya ay aasarin ako? Magkanong ibinayad sayo ng mga classmate ni Seven? O baka naman si Seven mismo, joke lang prof, baka po ibagsak mo ako.

"T-thank you po," utal na wika ko tsaka bumalik sa upuan ko bitbit ang laptop.

"You may have your break,"

Niligpit ko lang ang mga gamit ko para makapag-break na rin dahil parang nagutom yata ako roon sa reporting namin kanina.

Sakto naman na pagkalabas ko, naroon pa rin si Seven at ewan sa mga paa ko dahil kusa na lang nilang nilapitan ang Seven na malapad ang ngiti habang nakatingin sa akin.

"Sasabay ka bang mag-break sa akin?" tanong niya habang nakapamulsa.

"Hmm,"

Wala naman sigurong masama 'no kung sasabay akong mag-break kay Seven, bilang pa-thank you na lang para sa mga ginawa niya para sa akin, alangan naman na maging suplada pa ako eh ang bait-bait nga niya.

Bittersweet Tomorrow (Young Affection Series #4)Where stories live. Discover now