Chapter 8

0 1 0
                                    

Chapter 8

"Hello, Ian, kumusta?" nang marinig ko ang pangalan ng pinsan niya muntikan na akong mabilaukan tsaka natigilan saglit sa ginagawang pagkain.

Ian? OMG, sinumpang pangalan 'yan para sa 'kin.

Sadyang ginagalit ba ako ni Dhei? O baka naman alam niya na ex ko si Ian kaya nagbanggit siya ng Ian, hayts, baliw ka CL, paano niya malalaman eh ngayon pa nga lang kayo nagkakilala.

Kausapin ko nga mamaya after niyang makipagusap.

"Mabuti naman ako, mabuti nga may isang magdo-dorm rito, hindi na ako mag-iisa," dagdag pa niya tsaka lumingon sa akin kaya nginitian ko na lang rin even it's really awkward.

"Oh sige sige, mamaya na lang ako tatawag ulit, baka kasi mainip ang bisita ko," aniya dahilan para umayos ako ng upo.

It's marites time!

Nilapag niya sa table ang phone niya, "Oh CL, bakit ka natigil? Kain ka lang,"  paano ko sasabihin na natigil ako sa pagkain dahil sa Ian na pangalan.

Ayoko sanang banggitin at isipin ang pangalang iyan dahil masakit talaga pero ano nga bang magagawa ko? Parte na iyan ng nakaraan ko, kaya pilitin ko mang itago at ibaon sa hukay, lalantad at lalantad rin 'yan.

"Ah wala naman. Pinsan mo ba 'yon?" sige CL, mag-marites ka lang riyan hanggang sa maabutan ka ng Kuya Gray mo.

"Oo, si Ian," and there is she again. Tama na please, sabog na utak ko kakaisip riyan!

"Ah, sige kain na tayo," change topic is the best for this usapin, hindi mo pwedeng isipin ang mga bagay na nasa nakaraan na pero huwag mo rin ipilit na alalahanin kung ayaw magpa-alala. Dahil sabi nga nila, prevention is better than cure 'di ba?

"Nga pala, may kaya yata kayo, eh bakit rito ka pa magdo-dorm? Marami tayo rito, baka hindi ka sanay sa maingay na lugar," OMG, baka hindi ako makapag-concentrate sa panonood ng kdrama kapag maingay sila.

"Sa lahat ba ng oras maingay sila?" kung oo ang isasagot niya, lilipat na lang ako.

"Hindi naman, maingay lang sila kapag kainan na," 'yon naman pala, pero sure ba?

"Talaga?" pagtatanong ko na naman.

"Oo, trust me. Eh bakit nga rito ka?" itinaas pa niya ang kanyang kanang kamay na tila nangangako.

"Siguro dahil malapit lang 'to sa university, tsaka hindi naman importante sa akin kung saan ako magdo-dorm, ang importante lang ay matamihik ako para magawa ko ang hobby ko," pagpapaliwanag ko naman.

"Anong hobby?" she didn't know?

"Kdrama," maikli kong sagot bago sumubo ng kakanin gamit ang tinidor.

Nabigla naman ako nang biglaan na lang siyang matawa, what's wrong with her?

"Bakit ka natatawa?" confused na tanong ko sa kanya.

"Wala, sure thing na lang kasi sa 'ting mga babae 'yan, ako rin, naadik riyan pero tinigilan ko kasi mas kailangan kong mag-trabaho," so marami siyang maire-recommend na kdrama sa akin? OMG, yey!

"Gano'n. Recommend ka sa 'kin minsan ng mga napanood mo na," paghingi ko naman ng favor.

"Sige, ibibigay ko sayo notes ko kapag nakalipat ka na rito," mukhang marami siyang napanood before, halata kasi na adik talaga siya noon eh.

"Thank you. Bakit pala hindi ka muna umuwi ng probinsya niyo? Ako kasi feeling ko, maho-home sick ako kapag lumipat na ako rito. Ayoko nga sanang mag-dorm kasi ayokong malayo kila mama at papa pati na rin kay kuya. Hindi mo ba sila nami-miss?" wala naman sigurong anak na hindi nakakamiss sa magulang 'no?

Bittersweet Tomorrow (Young Affection Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon