Chapter 12

0 1 0
                                    

Chapter 12

Mabuti na lang at naiwasan ko ang mga tanong ni Seven kanina dahil sakto naman ang pagdating ni kuya.

Medyo napagod ako kaya dumiretso na kaagad ako sa k'warto ko para makapag-pahinga.

Nakasanayan ko na, na kapag natapos kong gamitin ang mga bag ko, tinatanggal ko ang laman tsaka nilalagay sa may kabinet.

Nang ibuhos ko ang laman nito, na-curious ako kung bakit may keychain na naroon eh sa eco bag ko naman nilagay ang binili kong keychain. O baka naman nalagay nang hindi ko napansin kanina. Hala, parang ninakaw ko pa tuloy ang epekto nito sa akin.

Dinampot ko ang keychain at roon lang napagtanto na ang keychain na iyon ay ang napili ni Seven na pinag-agawan pa namin.

"Nilagay ba niya 'to kanina nang nakatalikod ako sa kanya? No'ng after niyang magbayad sa counter?" so nagpaubaya siya?

Bakit ang bait ng taong 'yon? Pero parati ko na lang sinusungitan, o baka naman mabait lang sa una. Ang hirap rin naman kasing magtiwala ulit kapag nasira na ng isa o ilang beses ang tiwala mo, ang tiwala ay parang papel, kapag natupi, hindi mo na maibabalik pa sa rati, ganoon na, may lamat na kaya kailangan na tanggapin ang katotohanan na ang tiwala ay hindi ganoon kadali na ibigay sa isang tao.

Inayos ko na lang ang mga gamit ko tsaka nilagay ang bag ko sa kabinet.

Pinagmasdan ko muna ang keychain na iyon at ngayon lang nakita na may nakasulat pala roon at kung hindi mo papansinin ng mabuti hindi mo talaga mapapansin na may sulat pala.

"Love can't hurt you when you are both in love!" wehh? Totoo ba?

Parang tanga naman ang word na 'to eh.

Nailagay ko na lang tuloy sa side table ang keychain tsaka huminga ng malalim. At this point nakahiga na ako at kusang nagpapahinga ang katawan ko.

What makes you hurt in loving a person you love the most? Your love with that person or iyong tao talaga?

Nagising ako dahil sa isang tapik, ang lamig na rin ng simoy ng hangin, December feels pero hindi pa naman ber seasons.

"Hoy CL, gising na, kakain na tayo," boses na naman iyon ni kuya.

"Ano ulam?" tanong ko naman habang nagkukusot ng mga mata pero naka-higa pa rin.

"Punta ka na lang sa kusina,"

Hinayaan ko na lang siyang umalis tsaka tumayo na para tunguhin ang banyo para makapag-pustura na.

Nang sumilip ako sa bintana ng k'warto ko, gabi na pala. Nako, so ilang oras pala akong nakatulog? Baliw ka CL, napagod ka ng husto, nakatulog ka tuloy ng matagal.

Sinara ko na rin iyon kasi malamig na talaga ang simoy ng hangin. Nagpalit lang ako ng sweater tsaka pajama na parating suot ko kapag bed times na.

"Hi ma, pa," hindi ko na binati si kuya kasi nagkita naman na kami kanina.

"Kung hindi lang kita ginising baka hindi mo na naman inabala ang sarili mo na kumain,"

"Naistorbo ba kita? Ilang minuto lang kaya ang ginawa mong paggising sa akin," maktol ko naman tsaka sumandok na ng kanin.

"Ano ba kasing ginawa mo at napagod ka ng husto? Anong pinag-usapan niyo ni Seven?" dahil sa sinabi ni kuya, nagkatinginan sila mama at papa tsaka sila tumingin sa akin.

"Bakit po?" tanong ko naman kaso nag-iwas na sila.

"Sino si Seven 'nak?" curious papa.

"Wala 'pa, iyon 'yong kliyente ni kuya, kinakaibigan ko lang para parating may bonus si kuya," pagpapalusot ko na lang kahit na parati ko naman talagang sinusungitan si Seven at hindi kinakaibigan.

Bittersweet Tomorrow (Young Affection Series #4)Where stories live. Discover now