Chapter 4

0 1 0
                                    

Chapter 4

"Ineng? Gusto mo bang magpa-hula?"

Uso pa pala ang hula ngayon? Pero ang tanong, totoo kaya lahat ng nahuhulaan nila?

"Hu-hula raw, ano gusto mo?" kuya kung gusto mo ikaw na lang. Napaka-ano naman nito eh!

"Ikaw na lang, hindi ako interesado," binulong ko na lang kay kuya para hindi naman ma-offened ang ale na 'to.

"Sige na, sandali lang naman 'yan, pagbigyan mo na, baka kailangan lang rin niya ng pera," nag-isip muna ako saglit lang tapos um-oo na lang ako, mukhang kailangan nga talaga niya ng pera.

Pero teka, akala ko ba gutom na 'tong si kuya? Eh bakit pinipilit pa akong magpa-hula? Jusmiyo, si kuya paiba-iba ng isip!

"Magkano naman po ang bayad?" tanong ko naman kay ale.

"Kayo po, kung magkano ang gusto mong ibigay," oh okay, sige, pagbibigyan ko na rin si ale.

Naupo ako sa isa sa mga bench na narito sa may parking lot kung saan naupo rin si ale.

Malapit lang rito ang kotseng dala namin kaya nasa likuran ko lang si kuya, of course, pinaninindigan na naman niya ang pagiging protective kuya niya.

"Paano naman po ninyo mapapatunayan na manghuhula po talaga kayo, hindi po ba 'to scam?" hindi naman sa judgmental ako 'no, pero sa panahon kasi ngayon, kailangan natin na mag-doble ingat, marami na rin kasi ngayon ang nanloloko ng iba magka-pera lang, which is hindi nila rapat na ginagawa dahil mali iyon at kailanman ay hindi naging tama.

"Noong ten years old ka, nag-mahal ka ng isang lalaki kaso sinaktan ka lang niya," nagulat ako nang biglaan niyang sinabi ang mga salitang iyan. Hindi ko sinasabing napapaniwala niya ako na manghuhula siya kaso parang ganoon na nga, parang naniniwala na ako na manghuhula talaga siya dahil paano nga naman niya malalaman ang past ko eh kami nga lang nila kuya, mama at papa ang nakaka-alam tungkol riyan.

Bumaling ang tingin ko kay kuya na nasa likuran ko pa rin, "Binulong mo sa kanya 'no kuya?" akala ko naniniwala na ako kaso parang hindi pa ako kumbinsido.

"Hindi ah, sira, maniwala ka na lang kasi, tsaka masasabi ba iyan na manghuhula kung hindi niya alam manghula, ikaw talaga!" kakamot kamot pa na ani ni kuya habang naiinis na naman. Hayaan nga siya riyan na mainis, siya ang nag-pursue sa akin na magpa-hula 'no! Manigas!

"One more thing," komento ko kaya hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"CL, ikaw si Chanelle Louise 'di ba? Alam ko na may nakabanggaan ka kaninang lalaki habang naglalakad ka, mahilig ka rin sa mga korean drama's na kinaaadikan ng mga kababaihang kabataan sa ngayon," aniya dahilan para mapamulagat ako.

Oo, may nakabanggaan akong lalaki kanina pero hindi ko siya kilala at wala akong balak na kilalanin siya.

Totoo ba lahat ng narinig ko? Hala, baka nga totoo na manghuhula siya at masabi niya lahat ng sikreto ko na private at hindi p'wedeng malaman ng kuya ko, OMG, hindi naman sa may ginagawa akong masama 'no, pero privacy is important pa rin naman kahit na paano.

"Okay tama na po, payag na ako at naniniwala na ako na manghuhula nga talaga kayo. Now I wanted to know kung ano ang magiging future ko," iyan ang gusto kong ipahula. At kung talagang magaling siyang manghula, mahuhulaan niya ang bagay na iyan.

"Ready ka na ba?" tanong niya kaya tumango ako.

I was born ready to know more about my future, kailangan kong maghanda kung ano man ang magiging future ko.

Sana sabihin niya na makakapangasawa ako ng koreano, kahit isa lang, kahit na si Lee jong suk lang o si V ng BTS o si J-hope, o si Jimin, o si Jin, o si Suga, o si Jungkook, o kahit si Rm lang, o 'di naman kaya ay si Kim myung soo, Ji chang wook, Kim so hyun and 99+ others, please sana banggitin niya. I hope so talaga!

Bittersweet Tomorrow (Young Affection Series #4)Where stories live. Discover now